This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
Describe the pictures ( Ilarawan ito) This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip. Inilalarawan nito ang anyo, kulay, dami, bilang, hugis, laki, amoy, lasa, at iba pang mga katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Halimbawa: anyo (form) – matangkad (tall), maganda (beautiful), malusog (healthy), payat (thin) hugis (shape) – baluktot (deform), bilog (circle), parihaba (rectangle), tatsulok (triangle) kulay (color) – itim (black), puti (white), luntian (green), kahel (orange) blue ( bughaw) kayumanggi/tsokolate( brown) sukat (size) – malapad( big space), maluwang, makipot ( strait) bilang (number) – isa (one), marami (many), kakaunti (few) Aralin 02: Kaantasan ng Pang-uri Lantay - naglalarawan sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. ( You just Tatlong antas describe one particular things, places, person) Halimbawa: ng pang-uri Sariwa ang gatas ng kalabaw. ( the carabao’s milk is fresh) Kulot ang buhok ng sanggol. (The baby’s hair is curly) Pahambing (patulad, palamang) - pinaghahambing ng mga pang-uring ito ang katangian ng dalawang tao (two), bagay, lugar, o pangyayari. Dalawang uri ng kaantasang pahambing: a. Patulad (same characteristic)– ang paghahambing ng dalawang magkatulad ang katangian. Naipakikita ito sa paggamit ng mga panlaping sing, kasing, magsing, magkasing. Ginagamit din ang mga salitang pareho, kapuwa, at iba pang kauri nito. Mga halimbawa: Magsinsipag sina Ezer at Egay. (Ezer and Egay are both industrious) Parehong maganda ang nanalong tula. (both winning poem are beautiful) b. Palamang ( the other one is more good compare to other) – nagpapahayag ito ng katangian ng isa na nakalalamang sa isa pa. gumagamit ng mga katagang mas, higit, kaysa, di-gaya, di-tulad, at iba pa. Mga halimbawa: Higit na mataba si Aleta kaysa kay Alex. ( Aleta is more fat than Alex) Higit na mabango ang Rosal kaysa Kamya. Pasukdol ( Among the rest which is the greatest) - nagpapakita ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa dalawang tao, bagay, lugar, at pangyayari. Ginagamit dito ang mga panlaping pinaka o napaka. Maaari ring gamitin ang panlaping pagka- sabay ang pag-uulit ng salitang-ugat. Gumagamit din ng mga salitang nagpapahayag ng kasidhian tulad ng: nuno ng, hari ng, saksakan ng, ulo ng, at iba pa. Pinaka Mga halimbawa: Ulo ng yaman ang kanilang angkan. Nuno ng kuripot ang ninong niya.