Nakapanood ka na ba o nakapakinig ng mga pagtatanghal ng pag-awit o pagtugtog? Ano-anong instrumento ang nakilala mo? Ano-anong boses ang naririnig mo? Kaya mo bang malaman kung isahan lang o maramihan ang tunog? Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng may makapal na tunog? Alin naman ang may manipis na tunog? Pakinggan ang dalawang bersiyon ng kantang “Lupang Hinirang”.
1. “Lupang Hinirang” ni Leah Salonga
2. “Lupang Hinirang” ng AUP Ambassadors (choir) Alin sa dalawang bersiyon ang may higit na makapal na tunog? Sa una ba o pangalawa? Alin naman ang may manipis na tunog? bakit mo ito nasabi? Isa sa mahalagang elemento ng musika ang textura. Ang textura ay tumutukoy sa kapal o nipis ng isang awit o tugtog. Paghambingin naman ang dalawang bersiyon ng “Amazing Grace” na tinugtog sa piyano. Ano ang masasabi mo sa dalawang tugtog? Ano ang kanilang pagkakaiba at bakit mo ito nasabi? Masasabi nating manipis ang kanta kapag iisa o solo lang ang ating naririnig at walang itong kasabay na kahit na anong instrumento o iba pang tunog. Makapal naman ang isang kanta kapag maraming tunog o boses ang sabay-sabay nating naririnig. PANUTO:Alamin mo kung ano ang maaaring maging tekstura ng himig na ating mapapakinggan. Ibigay ang iyong palagay sa mga larawang nasa ibaba. Sabihin kung ito ay maaaring magkaroon ng teksturang manipis o makapal Ang musika ay may makapal na textura kapag ito ay may __________________________________ __________________________________ _________________________________. Ang awit ay manipis ang textura kapag ito ay may isang melody lamang ang dumadaloy at nagiging makapal naman kapag _______________________________ __________________________________ _____________________. Kung papipiliin ka ng textura na gagamitin sa awit, ano ang gusto mo, makapal o manipis? Bakit? __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ Panuto: Tukuyin ang tekstura ng mga sumusunod na larawan. Iguhit ang kung solo, kung may saliw ng instrumento o boses at kung maraming himig na sabay-sabay. Panuto: Kilalanin ang tempo ng mga awit sa ibaba. Isulat ang F kung mabilis, S kung mabagal at M para sa katamtaman. ____6. Bayan Ko ____7. Ako a Pilipino ____8. Tinikling ____9. Sa Ugoy ng Duyan ____10. Leron, Leron, Sinta PANUTO: Sagutan ang bawat patlang upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin.
Sabay-sabay solo saliw
Ang bawat naririnig nating musika ay may iba’t ibang tekstura. Manipis ang tunog kung ito ay boses o instrumento na _____________. Medyo makapal na kapag ang solong boses o instrumento ay may ______________ at makapal naman kapag ang iba’t ibang boses o instrumento ay _________________ na umaawit o tumutugtog ng iba’t ibang himig.