Ekspositori Backup Observation

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 52

Magandang Araw!

Balik Aral
EKSPOSITORI
DISKURSO/
PAGLALAHAD
Ang diskursong ekspositori ay isa sa apat na
paraan ng pagpapahayag na nagtataglay ng
diwang nagbubunyag ng katotohanan sapagkat
nilalantad nito ang mga bagay-bagay na
nakapagbibigay ng kabatiran at paliwanag na
maaaring tugon sa anumang pangangailangang
panlipunan o di kaya'y pansarili.
KAHULUGAN

• Ang ekspositori ay isang anyo ng


pagpapahayag ng pasalita o
pasulat na nagpapaliwanag.
Kahigingan ng Epektibong Ekspositori

Sa anumang paraan ng pagpapahayag may kani-


kaniyang mga kahigingan at pangangailangan
upang maging sang epektibo. Ang ilan dito ay ang
mga sumusunod:
1. Paksa - Dito iikot ang ideyang ilalahad.
2. Uri - Upang maging gaano ang pagbuo ng
konseptong ilalahad, dapat malinaw ang paksang
tatalakayin.
3. Katangian - Dapat alam ang mga katangiang
taglay ng paksang pipiliin.
4. Panahon - Dapat napapanahon ang paksa upang
magkaroon ng higit na ugnayan ang kaisipan at
ideya.
5. Katatayuan - Dapat madali ang katatayuan ng
paksa upang maging malinaw at madali ang
pagtalakay.
6. Interes - Magiging kawili-wili ang paglalahad
kung may interes ng susulat nito.
Pamamaraan Tungo
sa Epektibo
Ekspositori
Pagbuod. Ito ay nagsisimula sa maliit na detalye ng
paksang bibigyan ng paglalantad.
May tatlong paraan ito tulad ng:

A. Ang pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.


Halimbawa:
Nabangga ang isang sasakyan dahil ang driver ay
lasing.
Pangyayari: Nabangga
Sanhi: Nagmamanehong lasing ang driver
B. Gumamit ng pagtutulad

Halimbawa: Driver

Tulad mo'y nagmamaneho din ako ng sasakyan,


pero hindi ako pwedeng magmaneho ng mga
sasakyan tulad ng minamaneho mo.
C. Gumamit ng katibayan at pagpapatibay.

Halimbawa: Resibo ng Binayaran

Ang resibong ito ang katibayan na ako ay bayad na


sa aking mga pagkakautang, pagpapatibay lamang
na wala na akong utang.
Uri
ng Ekposisyon
Pamamaraan sa Pagbibigay ng Sanaysay na
Katuturan
May ilang kaparaanan maaaring gamitin sa
pagbibigay ng katuturang pasanaysay tulad ng:

1. Gumamit ng halimbawa.

Ang paggamit ng halimbawa ay angkop sa


mga bagay na hindi direktang nadarama dahil higit
na nabibigyan ng konkretong katuturan.
Halimbawa: Langit at Lupa
Langit dahil may mataas na katayuan sa lipunan.
Lupa naman dahil sila ang mga taong nasa laylayan
ng lipunan.
2. Gumagamit ng Pagtutulad at Paghahambing

Sa pagbibigay - kahulugan lalo pa sa mga bagay


na di - alam, dito maaaring magkaroon ng
paghahambing sa mga bagay na higit na kilala na at
alam na.
Halimbawa: Tomboy
Babaeng parang lalaki kumilos at manamit, ngunit
sa tikas at lakas mas matikas at malakas ang lalaki.
3. Gumamit ng mga sanhi at bunga.

Ang pagbibigay linaw sa mga pangyayari kung


paano nangyari at ano ang dahilan. Sanhi ay ang
dahilan ng pangyayari at pinagmulan aamantalaang
bunga naman ay resulta sa pangyayari.
Halimbawa: nag - away dahil sa tsismis

Ang sanhi ng away ng dalawang babae ay selos dahil sa


tsismis, na sinabi ng isang kapit bahay.

4. Gumamit ng ibinubunga at kinahihinatnan.


Upang madaling maunawaan may pagbanggit
ng maaaring mangyayari na nauuwi sa kung ano
ang naging dulot nito sa huli.
Halimbawa: maagang pag – aasawa

Si Maya ay isang suwail na anak, maagang nakapag - asawa


hindi marunong sumunod sa mga payo ng magulang kaya't
naghihirap siya sa buhay ngayon sa pagtataguyod ng kaniyang
pamilya dahil hindi sya nakapagtapos ng pag - aaral.
5. Gumamit ng Paglalarawan
Sa paggamit ng paglalarawan binabanggit hindi
lamang ang anyo ng tao o bagay ang bininigyan
pansin sa pagbibigay ng katuturan kundi maging
ang iba pang katangian upang matukoy ang
kaibahan nito.
Halimbawa: Haligi ng tahanan
Ang Ama ay tinatawag na haligi ng tahanan,sapagkat siya ang
tagapangalaga ng pamilya.
6.Gumagamit ng Paulit-ulit Bago’t bagong pagpapahayag
Sa paggamit nito may pag-uulit ng salita ngunit nasa ibang
pagbibigay katuturan at pananalita upang mabigyan ng diin
ang dating binigay na pahayag.
Halimbawa: Tubo/Kita
Ang pinagkakakitaan ng mga negosyante ay ang pagpatong ng
dagdag halaga sa kanilang paninda. Ang pagpapatong ng halaga
ay upang magkaroon ng dagdag na kita mula sa tubo ng kanilang
negosyo.
7. Pagsunod sa Panuto o Pamamaraan.
Ito ay isang uri ng ekspositori na naglalantad ng mga
patnubay, gabay o direksyon na nasa malinaw,
maayos, simple o payak, at higit sa lahat madaling
maunawaan.
Halimbawa:
Pagsasaing
Pagluluto ng Spaghetti
Pagluluto ng Adobo
8. Pangulong tudling o Editoryal.
Ito ay nagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin ng
patnugot ng pahayagan hinggil sa pangunahing
balita na nailatala sa nasabing pahayagan.
Ang iba’t ibang uri ng editoyal ay:

Nagpapabatid(Informative)
Nangangatuwiran(Argumentative)
Umaamuki(Editiorial Persuasion)
9. Suring-basa
Pagpapahayag ng maikling puna o kuro-kuro hinggil sa
akdang nabasa, ito ay naglalayong maihatid ang
kahalagahan ng isang aklat o akda.
Halimbawa:
Aklat Kuwento
Tula Sanaysay at iba
10. Ulat o Balita
Ito ay paglalathala ng pangyayaring hindi pa nailalathala
na kapapanabikan ng mga tao, Karaniwang isyu o di-kaya’y
mga kakaibang pangyayarig hindi nailalantad.
Pagsulat ng Balita
Mga Tanging Uri
1.Batay sa mga Talang Nakuha(Fact Story)
Pagsasalaysay ng karaniwang pangyayari na
kasagutan sa Sino?, Ano?,Saan?, Kailan?,
Bakit?,at Paano?
Mga Tanging Uri
2.Batay sa Kilos o aksyon
Pagsasalaysay ng mga pangyayaring hindi
lamang paktwal kundi yaong tinatampukan ng
kilos (action),madulang pangyayari (dramatic
incident),paglalarawan sa tao (description of a
person), pahayag ng isang saksi o kaya mga
nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay(explanatory
data).
Mga Tanging Uri
3.Ukol sa Talumpati o Panayam
Isinasaad kung sino ang taga-pagsalita o kung
sino ang kinapanayam, ang paksang diwa ng
kanyang talumpati; okasyon, oras at pook ng
pinagdausan,siping pangungusap, paglalarawan
ng madlang tagapanood, pati di-karaniwang kilos
at reaksyon nila.
Mga Tanging Uri
4.Balitang Pangkatnig
Maikling balitang isinusulatan ang hiwalay ngunit
kaagapay at kaugnay ng isang pangunahing
balita.
Mga Tanging Uri

5. Balitang Kinipil
Maikling balita na karaniwang binubuo ng hindi
hihigit sa dalawang talata. Ang pinagsama-
samang balitang kinipil ay tinatawag na news
round-up.
Mga Tanging Uri

6. Bulitin
Habol o karagdagan sa kasalukuyang mahalagang
balita. Ito’y inilalagay sa unang pahina, nakakahon
atsa tipong mariin (bold face).
Mga Tanging Uri
7. Dagliang Balita
Pinakabuod ng bagong mahalagang balita na
kailangang mailathala kaagad dahil huli na para
mailathala ang buong balita. Maaaring tapos na ang
pag-aanyo (lay-out)ng pahina o wala ng ispasyo
para rito.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata
ng Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng
talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga
salita o mga sugnay sa simula ng magkasunod na
talata.
Mga Katangian ng Isang
Manunulat ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika.
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG BALITA
1. Isulat ang buod.
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na
kahalagahan
3. Hanapin ang impormasyong itatampok o unahing ilagay
ang pinakatampok.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod na
pangyayari batay sa pababang kahalagahan.
5. Gumamit ng mga payak at tiyak na salita.
6. Sumulat ng mabisang pamatnubay
11. Pitak
Ang pitak ay isang natatangin lathalaing
hinango sa dating titulo o di kaya ay bahagi
ng dating dyaryo/pahayagan na sinulat din
ng dating patnugot na maaaring mga puna
mga nakawiwiling pangyayari at iba pa.
Uri ng Pitak:

-Pitak pang-editorial
-Sarisari at nagpapatawa
-Personal
-Opinyon
12.Sanaysay

Ang sanaysay ay uri ng ekspositori. Ito ay


nagpapaliwanag, naglalaman ng sariling
palagay at kuro-kuro o opinyon ng may-
akda hinggil sa isang paksa.

Halimbawa:
Maanyo o pormal na sanaysay
Malaya o di-pormal na sanaysay
Uri ng Ekspositori
Ang mga sumusunod ay ang uri
ng ekspositori ayon sa iba't
ibang larangan
• Pagbibigay-katuturan o kahulugan.

-Ang pagbibigay-katuturan o kahulugan


ang pinakaraniwang uri ng ekspositori
dahil ito ang pinakamadalas na gamitin.
Dalawang paraan sa pagbibigay ng
kahulugan

a. Ang katuturang - maanyo (formal


depinisyon) ay nakabatay sa isang
matuwirang hanay ng mga salita na
nag bibigay ng malaking kahulugan.
Ito ay may tatlong mahalagang
sangkap.
1) Pananalita o termino na
binibigyan ng kahulugan

2) Kaurian ito ang bagay kaisipang


kinabibilangan ng pananalita

3) Ang kaibahan o mga katangiang


kakaiba sa mga kauri nito.
Halimbawa: Ano ang Awit?

Ang awit (pananalita) ay isang tula


na binuo at nilapatan ng tono /tunog na
nasa malayang saknongan(katangiang
ikinaiba sa mga kauri nito.)
Dalawang dimensyon ng pagbibigay ng
kahulugan
I. Denotasyon
Ang kahulugan ay hango sa talatinigan
o mga kauring sanggunian.
II. Konotasyon
Ang pag bibigay kahulugan kung paano
ginamit sa pahayag ang isang salita
Halimbawa: Ano ang Saya(damit)

Ang saya (pananalita) ay isang kasuotang


mahaba (kaurian) napapalamutian at sinusot
lamang pag may okasyon. (kaibahan sa
ibang damit)
b. Sanaysay na Pangkatuturan (essay definition)

- may mga pagkakataon na kailangan ang higit


na mahusay na pagbibigay ng katuturan ,
kaugnay nito mas mainam ang sanaysay na
pangkatuturan na naglalayong maibigay ang
kahulugan.
Balik Aral
Gawain:
1. Mag-isip ng dalawang kakanin, gawan ito
ng proseso kung paano lutuin bilang
pagsunod sa panuto at lagyan ng larawan.

2. Gumawa ng Panuto at ipaliwanag kung


paano magluto ng paksiw na pata ng baboy.

3. Sumulat ng talang-komposisyon tungkol


sa kung paano magpatubo ng kabote sa
dayami ng palay.
Maraming
Salamat Po!

You might also like