kanilang mga istilo COMPLEMENTARY COLORS Ang complementary colors ay ang mga kulay na magkasalungat sa color wheel. Ito ay dalawang kulay na kung saan ay makakalikha ng vibrant o matingkad na kulay. Tingnan ang larawan kung paano ginamit ang complementary color. Ano ang pagkakaiba ng unang larawan sa ikalawang larawan? Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng complementary colors. PAGPIPINTA -ay isang uri ng sining kung saan pwede mong ipahayag ang iyong damdamin o saloobin sa pamamagitan ng pagpipinta ng mga bagay- bagay na naaayon sa iyong kagustuhan.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
Alamin ang mga pagkakaiba-iba nito. MAGAGANDANG TANAWIN NG ATING BANSA 1. Ang Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas. 2. Talon ng Pagsanjan Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig- batis. 3. Lawa ng Taal Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna) 4. Hagdan Hagdan Palayan sa Banaue Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino. 5. Chocolate Hills Ang Chocolate hills ay isang burol.Napakagandang destinasyon ang tsokolate hills ito ay matatagpuan sa Bohol.. 6. Boracay Ang boracay ang pinakamagandang destinasyon na maari mong puntahan, napakaganda ng dagat nito at napakaputi ng buhangin..Isa rin eto sa tourist attraction sa Pilipinas. Bahagi ito ng bayan ng Malay sa probinsiya ng Aklan 7. Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. MGA TANYAG NA PINTOR • Si Fernando C. Amorsolo ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan gn tao at larawan ng mga pang-araw-araw na Gawain na Malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid. Ilan sa kiniyang mga ipininta ay ang “Planting Rice,” “Road by the Sea”, at “The First Man”. Planting Rice, 1946 • Si Carlos “Botong” Francisco” ang tinaguriang “The Poet of Angono” dahil sa istilo ng kanyang pagpipinta. Siya ay isa sa modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag at idyoma sa pagpipinta. Nagpinta siya ng sari-saring myural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod ng Maynila at iba pa. Harana, 1957 • Si Vicente Mansala ay isa ring tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at translucent technique na makikita sa kanyang mga obra. Mother and Child, 1967 • Si Victorino C. Edades ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kayang istilo sa pagpinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito The Sketch, 1928 THANK YOU FOR LISTENING!!!