Orca Share Media1668770029981 6999328811833339548

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

DAGLAT,

INISYALS,
AT AKRONIM
Pangalan ng Tao - kapag buong pangalan
ng tao ang dadaglatin, isinusulat ang
inisyals sa malalaking titik nang walang
tuldok at walang puwang sa pagitan ng mga
titik.
Halimbawa:
Alejandro G. Abadilla; AGA
Manuel L. Quezon; MLQ
Halimbawa:
Lope K. Santos; L.K. Santos
Claro M. Recto; C.M. Recto
Igalang ang Panggitnang Inisyals - pag-ingatan
at igalang ang personal na paraan ng pagsulat ng
panggitnang inisyals dahil maaaring may
kabuluhan ito sa may-ari ng pangalan.
Halimbawa:
Iñigo Ed. Regalado
Iñigo Regalado
Halimbawa:
Ildefonso P. Santos
Ildefonso Santos
Panatilihin ang mga Unang Inisyals - may estilo sa Ingles na
isinusulat na lámang ang apelyido pagkatapos maisaad nang buo
ang pangalan ng isang tao. Halimbawa, “Smith” ang ikalawang
banggit sa loob ng isang akda pagkatapos maisulat ang “William
Smith.” Maaaring gawin ito sa mga pangalan ng bayani at ikoniko
at walang ibang kapangalan. Halimbawa, “Rizal” pagkatapos
banggitin si “Jose Rizal”.
Halimbawa:
Iñigo Regalado (ama)
Iñigo Ed. Regalado (anak)

Halimbawa:
Lope K. Santos “Santos”
Ildefonso Santos, Epifanio de los Santos, Jose P.
Santos, Francisco Santos, atb.
Titulo o Katungkulan - isinaad sa seksiyong 14.3,
ang mga titulo at pantawag sa unahan ng pangalan ng
tao ay dinadaglat at may tuldok kapag sinusundan ng
buong pangalan; hindi dinadaglat kapag apelyido
lámang ang kasunod.
Halimbawa:
Sen. Loren Legarda; Senador Legarda
Prop. Wilbert Lamarca; Propesor Lamarca
Gng. Milagros Romero; Ginang Romero
Snr. Maria Dulce Roxas; Senyora Roxas
Dr. Purificacion Delima; Doktor Delima
Kgg. Maria Serena Diokno; Kagalang-Galang
Diokno
Gob. Hen. Narciso Claveria; Gobernador Heneral
Claveria
Ten. Victor Carpio; Tenyente Carpio
Reb. Juan Dilag; Reberendo Dilag
Ekstensiyon sa Pangalan - sa pangalan na Jr.,
Sr., at romanong numeral ay laging nakadaglat
kapag nakakabit sa pangalan ng tao. Gayundin
ang mga titulong akademiko at parangal na may
tradisyonal nang paraan ng daglat.
Halimbawa:
Phillip Kimpo Jr.
Fernando Poe Jr.
Ferdinand Marcos Jr.
Antonio Santos Sr.
Halimbawa:
Purificacion Delima PhD (philosophiae doctor o doctor of
philosophy)
Teodoro T. Katigbak MBA (master of business administration)
Gilbert Neri LLB (legum baccalaureaus o bachelor of laws)
Bienvenido Lumbera NA (National Artist o Pambansang Alagad
ng Sining)
Pangalan ng Banal - may daglat
na ang tawag sa mga banal na tao
sa Kristiyanismo.
Halimbawa:
Sn. Nicolas; Parokyang San Nicolas
Sto. Tomas; Unibersidad ng Santo
Tomas
Sta. Isabel; Kolehiyo ng Santa Isabel
Daglat na Alyas - hindi nadadaglat
ang alyas at sagisag panulat.
Halimbawa:

Plaridel (alyas ni Marcelo H. del Pilar at mula sa “del Pilar”)

Tandang Sora (alyas ni Melchora Aquino)

Rio Alma (alyas ni Virgilio S. Almario at mula sa “Almario”)

Agap-ito Bagumbayan (alyas ni Andres Bonifacio)


Pangalan ng Kapisanan - katulad ng sa
pangalan ng tao, ang mga pangalan ng ahensiya
at organisasyon ay maaaring daglatin sa
pamamagitan ng inisyals at akronim.
Halimbawa:
KKK (Kataas-taasang Kagalang-galang Katipunan)
ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino)
PGH (Philippine General Hospital)
FIT (Filipinas Institute of Translation, Inc.)
UMPIL (Unyon ng mga Manunulat sa Pilipina)
Halimbawa:
Lakas (Lakas ng Bayan)
Sangfil (Sanggunian ng mga Kagawaran ng Filipino)
Pag-IBIG (Pagtutulungan Ikaw, Bangko, Industriya, at
Gobyerno)
PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical, and
Astronomical Services Administration)
Daglat na Org at Korp - kung hindi inisyals o akronim,
karaniwang dinadaglat ang mga pangalan ng pangkat,
organisasyon, at/o korporasyon sa pamamagitan ng
pagkuha sa unang tatlo o apat na letra nitó o sa
pamamagitan ng tatlo o apat na letrang maaaring
kumatawan dito.
“Pinóy” na kontraksiyong nagmula sa hulíng
dalawang pantig ng “Pilipíno/Filipíno” at ng
“Kanô” na mula sa dulong mga pantig ng
“Amerikáno.”
Halimbawa:
korp (korporasyon)
ink (inkorporada)
org (organisasyon)
McDo (McDonald’s)
Katawagang Teknikal at Siyentipiko -
may mga malaganap nang paraan ng
pagdaglat sa mga katawagang teknikal at
siyentipiko sa Ingles.
Halimbawa: Halimbawa:
“m” para sa meter “m” para sa metro
“hr” para sa hour “kg” para sa kilogramo
“kg” para sa kilogram “min” para sa minuto
“min” para sa minute
Halimbawa:
“sec” para sa second “p” para sa piye
“seg” para sa segundo “in” para sa inch
“ft” para sa feet “pul” para sa pulgada.
Daglat mulang Latin - may mga katawagang Latin na
ginagamit hanggang ngayon sa mga saliksik at pormal na
sulatin. Pinananatili ang nakagawiang anyo ng daglat
mula sa Latin, na malimit nása maliit na titik, romano
(maliban sa gamit pantalababa na karaniwang italiko), at
may tuldok.
Halimbawa:
et al. (et alii o et alia, at iba pa, karaniwang ginagamit sa mga tao)
etc. (et cetera, at iba pa, karaniwang ginagamit sa mga bagay)
ibid. (ibidem, sa nabanggit ding pook)
id. (idem, katulad)
i.e. (id est, gaya sa, at iba sa e.g.)
vs (versus, laban sa/kay, ang v.ay lagi ring ginagamit sa kasong legal)
Daglat sa Kemikal - ang mga kemikal ay
may nakatakda nang daglat. Ito ay nakasulat
nang isa, dalawa, o higit pang letra at hindi
nilalagyan ng tuldok.
Halimbawa:
C carbon
H hydrogen
Na sodium
Cl chlorine
Daglat sa Oras - sa pagsulat ng oras,
iminumungkahi ng gabay na ito na isulat ang
daglat sa maliliit na titik at walang tuldok kapag
kasunod ng numeral na oras.
Halimbawa:
7 nu ika-7 ng umaga
12 nu ika-12 ng tanghali
2 nh ika-2 ng hapon
5 nh ika-5 ng hapon
7 ng ika-7 ng gabi
Daglat sa Araw at Buwan - para sa daglat ng
araw sa isang linggo at mga buwan sa isang
taon, gamitin ang unang tatlong titik ng
pangalan.
Halimbawa:
Ene Enero
Peb Pebrero
Mar Marso
Abr Abril
May Mayo
Hun Hunyo
Hul Hulyo
Ago Agosto

Set Setyembre
Okt Oktubre
Nob Nobyembre
Dis Disyembre
Halimbawa:
Lin Linggo
Lun Lunes
Mar Martes
Miy Miyerkoles
Huw Huwebes
Biy Biyernes
Sab Sabado
Maraming salamat!

You might also like