Aralin 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Kahulugan at Tamang

Baybay ng mga Salita


Ang ating layunin sa araling ito:
Pagkatapos ng araling ito. Inaasahang
maibibigay mo ang kahulgan ng mga
salita sa nabasang kwento at ang wastong
baybay ng mga salita.
MGA DAPAT TANDAAN BAGO MAG
UMPISA ANG KLASE:
1. May nakahanda ka dapat lapis at papel
upang tandaan ang mga mahahalagang
pangyayari O karakter sa kwento.
2. Habang binabasa ng guro ang kwento,
basahin mo rin ito ng tahimik gamit
lamang ang iyong mga mata.
Tara!
Makinig at Matuto
pakiramdam
Batang Matulungin
ni Ria P. Mateo

Isang hapon, habang naghihintay ng traysikel si


Manny, may nakasabay siyang mag– ina na tila
nagmamadali makauwi ng bahay. Nagtaka siya kaya’t
pinagmasdan niya ang mag–ina. Napansin niya na
masama ang pakiramdam ng batang babae na halos
kaedad niya. Lumipas ang ilang minuto, biglang may
humintong traysikel sa harapan ni Manny.
Batang Matulungin
ni Ria P. Mateo

Sasakay na sana siya subalit nakita niyang namimilipit na sa


sakit ng tiyan ang bata. Dali–dali niyang nilapitan ang mag–ina
at sinabing “kayo na po muna ang sumakay sa traysikel.” Alam
niyang mas kailangan ng mag– ina na makauwi agad kaya’t
pinauna niyang sumakay ang mga ito. “Maraming salamat sa
iyo, napakabuti mong bata”, nakangiting wika ng ina ng bata
kay Manny. Masayang naghintay muli si Manny ng dadaan na
traysikel dahil alam niyang nakatulong siya sa kapwa kahit sa
maliit na paraan.
Tara!
Sagutin natin ang
mga tanong. . .
Sino ang batang
naghihintay ng tricycle?

Tama! Ang naghihintay


ng tricycle ay si Manny.
Ano ang napansin ni
Manny habang
naghihintay ng tricycle?
Tumpak! Napansin niyang
may mag ina na tila
nagmamadali sa pag uwi.
Ano ang napansin ni
niyang nararamdaman
ng batang babae na
kanyang kaedad?
Magaling! Napansin ni Manny
na namimilipit na sa sakit ng
tiyan ang batang babae.
Ano ang ginawa ni Manny
nung may humintong tricycle
sa kanyang harapan
Tama! Pinauna na ni Manny
sumakay ang mag ina upang
makauwi na agad sila sa
kanilang tahanan.
Sa palagay mo ba isang
mabuting asal ba ang
pinakita ni Manny?

Ang pagtulong sa
kapwa ay isang
mabuting asal na dapat
lagi nating ginagawa.
Pakinggang mabuti ang mga
salitang bibigkasin ng guro.
ha-pon hapon
hu-min-to huminto
pi-nag-mas-dan

pinagmasdan
ma-li-it maliit
ma-bu-ti mabuti
hapon
huminto
pinagmasdan
maliit
mabuti
Hapon – paglubog ng araw
Huminto - tumigil
Pinagmasdan – tiningnan o tinitigan
maliit - munti
Mabuti – magandang gawain
Gamitin naman natin sa pangungusap
1. Hapon na umuwi si Ana sa kanilang
tahanan.
2. Si Jose ay huminto sa tapat ng
tindahan.
3. Pinagmasdang mabuti ni Maria ang
bulaklak sa hardin
Gamitin naman natin sa pangungusap

4. Ang hawak ni Juan na baso ay maliit.

5. Si Hannah ay isang mabuting bata.


Tandaan:
Maaari nating malaman ang kahulugan ng
isang salita sa paggamit nito sa
pangungusap.
Mahalagang malaman natin ang kahulugan
ng isang salita upang mas maintidihan natin
ang ating binabasang pangungusap, talata
o kwento.
Takdang Aralin

Sagutan ang mga pagsasanay


na nasa google classroom.

You might also like