Rabies

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MAGING WAIS

PARA IWAS RABIS

D EPA RTM EN T O F FA M I LY A N D C O M M U N I T Y M ED I C I N E
MGA LAYUNIN:
1. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa epidemiyolohiya ng
rabis sa Pilipinas at sa buong mundo
2. Upang malaman saan at papaano nakukuha ang rabis at ano ang mga
nangyayari kapag may rabis
3. Upang malaman ang mga symptomas at sinyales ng rabis. Gayun din,
upang matukoy ang klase ng presentasyon ng sakit na rabis
4. Upang malaman kung ano ang dapat gawan kapag nakagat ng hayop na
may hinihinalang rabis
5. Upang malaman ang iba’t ibang stratehiya na maaring gawin upang
maiwasan ang pagkakaroon ng pulmonya
ANO NGA BA ANG RABIS?

Ayon sa WHO, ang Rabies ay


isang karaniwang sakit ng mga
hayop na maaring makuha ng
tao. Itong nasabing sakit ay
sanhi ng ‘rabies virus’
GAANO KARAMI ANG
APEKTADO SA SAKIT NA RABIS?
 Ang Rabies ay tinatayang sanhi ng
pagkamatay ng higit kumulang 55,000 na tao
kada taon sa iba’t ibang sulok ng bansa.

 56% nito ay nangyayari sa Asya


 43.6% naman ay sa Aprika

Kadalasan sa mga ‘rural’ na lugar o sa probinsya


Ang Rabies ay MATATAGPUAN SA LAHAT NG KONTINENTE maliban
sa Antartica
Ayon sa DOH, itong
nakamamatay na sakit o ‘viral’
inpeksyon ay sanhi ng
pagkamatay ng higit kumulang
200-300 na tao kada taon.
PAANO NAKUKUHA ANG RABIS?

Kadalasan itong nakukuha ng tao sa


pamamagitan ng kagat ng isang hayop na
may impeksyon ng rabies tulad ng:
• Aso
•Pusa
•Domestic Animals (baboy, kalabaw, kabayo etc)
•Wild o ligaw na mga hayop
PAANO NAKUKUHA ANG RABIS?

 Kontaminasyon ng ‘intact’ o walang


sugat na parte ng katawan (mata, ilong,
bibig, ari) ng laway ng hayop na may
impeksyon ng rabies (ex: natalsikan ng
laway sa mata o bibig);
Ang ibang dahilan na maaring magdulot ng
sakit na rabies maliban sa kagat ng hayop ay
hindi dapat pangambahan.  Nadilaan sa may balat na sugat; o

Ngunit, ang mga gasgas, sariwang o bukas  Nakalanghap ng hangin na may ‘virus’
na sugat o anu mang parte ng katawan na mula sa nakasaradong lugar (ex: kuweba
nadilaan ng hayop na may rabies ay maaring
pasukan ng ‘virus’ sa mga nakasaad na na may mga mabangis na paniki)
pamamaraan:
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG
NAIMPEKSYONG NG RABIS?
. Ang rabies ay makukuha mula sa
isang virus na taglay ng isang
laway ng hayop na may rabies.

At ang buong takbo ng


pamiminsala nito ay nagsisimula
kapag ang virus ay nakapasok sa
loob ng katawan dahil sa kagat
ng isang hayop na may rabies o
di kaya ay paghimod nito sa
sariwang sugat ng tao.
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG
NAIMPEKSYONG NG RABIS?
. Kumakapit ang virus sa malusog
nan a ‘nerve cell’ at siya ay
tinatangap nito. Pagdating iya sa
loob ito ay agad agad na
nagpaparami kasabay ng walang
tigil na pamiminsala. Di
magtatagal ay iiwanan ng bagong
grupo ng virus ang kumupkop sa
kanila (na ‘nerve cell’) para
maghanap ng bagong
makakapitan.
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG
NAIMPEKSYONG NG RABIS?
Sa bilis na 3 milimetro kada oras
. ang virus ay tahimik na
nagpaparami at gumagapang
hangang makarating sa utak ng
walang kamalay malay na biktima.

Sa 90% ng kaso, ito ay tumatagal


ng 20 hangang 90 araw. Mula
naman sa utak, ang virus ay
maglalakbay at hindi na
mapipigilan ang pagkalat nito sa
iba’t-ibang parte ng katawan.
Ano ang symptomas at sinyales ng rabis ?
Kapag nahawaan ng rabis, sa UNA any karaniwang makakaramdam ng mga sumusunod:

LAGNAT MASAKIT NA WALANG GANA


NAGSUSUKA
LALAMUNAN KUMAIN

PAGOD NA KATAWAN MASAKIT ANG ULO MASAKIT ANG TIYAN MASAKIT / NAMAMANHID
NA SUGAT
Ano ang 2 klase ng presentasyong ng rabis ?
Kapag umabot na sa utak ang virus, ang pasyente ay maaring makitaan ng isa sa dalawang uri ng
presentasyon ng rabis:

Encephalytic/ Neurologic/Furious Paralytic/Dumb Type of Rabies


Type of Rabies

• Pagkatakot sa liwanag, hangin o tubig  Maaring hindi takot sa tubig, hangin o


• Nagwawala o aggresibo liwanag
• Hindi mapakali
• Kumakain ng mga bagay na hidni  Nanghihina
karaniwan
• Umaatake sa tao o kahit sa bagay  Pagiiba ng boses o kaya ay parang
• Kinokonvulsyon kumakahol
• Nagbubula ang bibig
ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG NAKAGAT,
NAKALMOT O NADILAAN NG HAYOP NA
HINIHINALANG MAY RABIES?

 Sabunin at hugasan mabuti ang parte


. ng katawan na nakagat, nakalmot o
nadilaan sa loob ng hindi baba ng 10
minuto – sa ilalim ng tumutulong
tubig.

 Pwedeng gumamit ng betadine,


alcohol o agua oxigenada, lalo na
kung walang tubig panghugas

 Huwag tatakpan o babalutin ang sugat


ANO ANG DAPAT GAWIN SA HAYOP NA MAY
HINIHINALANG RABIES?
Obserbahan ang aso sa loob ng 14 na araw at kumunsulta sa
doctor kapag isa sa mga nabangit ay iyong napansin:
.
 Ang aso ay biglang nagwawala at/o takbo ng takbo
 Ang aso ay naglalaway
 Ang aso ay ngumangatngat ng kahit anong bagay na nagalaw o hindi
nagalaw
 Ang aso ay walang gana kumain o uminom
 Ang aso ay namatay sa loob ng 14 na araw ng pag oobserba

Kapag ang aso ay hindi maobserbahan sa kadahilanan na ito ay asong gala


o sinususpetsyahan na may rabis, kumunsulta agad o maaring pumunta
agad sa pinaka malapit na Animal Bite Center sa inyong lugar upang
mabakunahan ng Anti Rabies.
ANO ANG DAPAT GAWIN UPANG MAIWASAN
ANG RABIES?
 Kung ikaw ang may alagang hayop,
ikaw ay dapat maging responsible sa
. pag aalaga nito.
 Pabakunahan ang iyong alagang hayop kapag
ito ay tumungtong ng 3 buwan at
pabakunahan ito ng Anti Rabies taon taon.

 Huwag pabayaan ang iyong alagang hayop na


magpagala gala sa kalsada mag isa

 Alagaan ang iyong alaga: paliguan ito,


bigyan ng malinis na pagkain, tubig at
matitirahan.
ANO ANG DAPAT GAWIN UPANG MAIWASAN
ANG RABIES?
 Upang Proteksyonan Ang Sarili:

.Maaring magpabakuna ng ‘Pre Exposure


Anti Rabies’ lalo na kapag ikaw ang
trabaho ay may kinalaman sa mga hayop
katulad ng veterinary, nangangalaga ng
hayop sa zoo o bukid, natratrabaho sa
labaoratoryo na tumitingin sa rabies para
sa diyagnosis o kaya ay natratrabaho sa
kumpanya na gumagawa ng bakuna
kontra rabies.

You might also like