Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PAGSULAT NG BALITA

Balita o ulat
 isang mabilis na hanguan ng
impormasyon.
 Paano nga ba sumulat ng ?
Narito ang ilang gabay:
1. Ayon kay Helen Sissons sa kaniyang librong
Practical Journalism: How to write News
(2006; 55), ang isang balita ay dapat nakaayos
nang lohikal at nakasulat nang malinaw upang
mahikayat ang mga mambabasa na
magpatuloy.
2. Ang pagsulat ng balita, sa
pangkalahatan, ay sumusunod sa prinsipyo
ng pabaligtad na pyramid. Nasa simula ng
artikulo ang mahahalagang detalye habang
nasa dulo naman ang hindi gaanong
mahahalaga.
3. Ayon kay Sissons, (2006:57) , ang unang
talata ng isang balita ang pinakamahalaga.
Ito ang nagsisilbing panimula na nagbibigay
sa mambabasa ng pangkalahatang idea
kung tungkol saan ang balita. Dito sinasagot
ang mga atnong na ano, sino, saan, kailan,
at bakit. Hindi dapat lumampas ng 30 salita
ang panimula ng ulat.
4. Ang susunod na mga talata ng balita ay
dapat maglaman ng mg suportang detalye.
Nababawasan ang halaga ng mga ito
habang papunta sa dulo ng artikulo.
5. Sa pagsulat ng balita, gawing simple
ang mga pangungusap at direkta sa
punto. Iwasan ang mahahabang
pangungusap at ang paggamit ng
maliligoy na pananalita.
6. Tumuon lang sa mahahalagang datos na
dapat malaman ng mga mambabasa. Iulat
lamang ang mga ito. Iwasan ang pagbibigay
ng sariling opinyon.
7. Magbigay ng angkop na pamagat sa
artikulo. Dapat magbigay ang pamagat ng
idea kung tungkol saan ang artikulo sa
pangkalahatan.
Miriam Defensor-Santiago, 71

Pumanaw na ang batikang senador na si Miriam


Defensor-Santiago sa edad na 71. Ito ang kinumpirma ng
kanyang asawang si Narciso “Jun” Santiago.
Taong 2014 nang ipahayag ng senadora ang
pagkakaroon niya ng stage 4 lung cancer na naging
dahilan ng madalas niyang pagliban sa Senado at
pagbibitiw bilang hukom ng International Criminal
Court . Tumakbo siyang pangulo sa Eleksiyon 2016 ngunit
natalo kay Rodrigo R. Duterte.
Bukod sa pagiging senador, naglingkod din si Senador
Santiago bilang kalihim ng Department of Agrarian
Reform (DAR) at commissioner ng Bureau of
Immigration sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong
Corazon Aquino. Nagsilbi rin siyang hukom sa panahon
ng Batas Militar.
Bukod sa asawang si Jun, naulila din ni Senador
Santiago ang anak na si Narciso III.
Pagbabahagi ng Isang
Pangyayaring
Nasaksihan
Panimula

Mula nang mauso ang makabagong


teknolohiya gaya ng cell phone na may camera at
social media, nauso na rin ang tinatawag na
citizen journalism.
Citizen Journalism
 Ito ay ang pagsisilbing mamamahayag ng mga
karaniwang mamamayan sa pamamagitan ng
kanilang gadget.
 Kapag may kakaibang kaganapan sa paligid,
kinukunan lamang ito ng cell phone at ina-
upload na sa social media.
Nilalakipan ito ng tekstong o may tagapagsalita
sa background na nagpapaliwanag kung ano ang
nangyari. Dahil dito, nagiging viral ito at
nalalaman lahat ng netizens. Nakararating din
ito sa mga kinauukulan at nailalapat ang
kailangang pagkilos. Sa pagpasok ng bagong
pamahalaan, ginawa ring mas sistematiko ang
pag-uulat ng mga krimen o sakuna.
May itinalagang numero na maaaring tawagan
saanman sa buong bansa upang iulat ang mga
krimen o sakuna at darating ang mga awtoridad
upang rumesponde. Nariyan din ang mano-
manong pagsulat ng ulat o incident report na
magdedetalye ng isang pangyayari. Ibinibigay
ito sa pamunuan upang maiulat ang sariling
bersiyon ng isang pangyayari.
Tunay nang maraming pagkakataon upang
makapag-ulat ng isang pangyayaring nasaksihan.
Ngunit lahat ng ito’y may kaakibat na
responsibilidad. Dapat tiyak at tunay na pangyayari
ang iuulat upang hindi maabala ang mga taong
tutugon dito. Maaari kasing may pagkakataon na
hindi sila nakatugon sa totoong nangangailangan
ng tulong dahil inuna nila ang isang maling ulat.
Narito ang mga gabay sa pag-uulat ng isang
pangyayaring nasaksihan:

1. Maging tiyak sa mga detalyeng iuulat.


- Alamin ang eksaktong pangalan, lugar, petsa,
oras, at iba pang impormasyong dapat
maipagbigay-alam.
Halimbawa, kung ang nasaksihan ay isang
sunog, ibigay ang eksaktong numero at
pangalan ng kalye. Magbigay rin ng malapit
na lugar o anumang pananda na
makatutulong sa mga bombero upang
marating agad ang pinangyarihan ng
insidente.
2. Maging tiyak sa mga kilos na ilalarawan.
-Sabihin ang eksaktong ginawa at ang paraan
kung paano ito ginawa. Iwasan ang
eksaherasyon. Halimbawa, kung ang iuulat ay
isang karanasan ng hindi magandang pakikitungo
sa isang restawran, sabihin lamang kung ano ang
ginawa ng inirereklamong tao. Huwag
magdagdag ng mga kilos na hindi naman niya
ginawa.
3. Maging tiyak sa mga katangiang ilalarawan
Ilarawan ang tiyak na hitsura, bilang, laki, lawak, taas,
at iba pang bagay na inuulat. Ito ay upang matulungan
ang kausap na magkaroon ng makatotohanang tantiya
na titiyak naman ng mas angkop na pagtugon.
Halimbawa, kung ang iniuulat ay isang tumataas na
baha, ilarawan ang tiyak na taas nito. Isang tampalakan
ba, dalawang talampakan, lampas-kotse? Depende sa
paglalarawan, iaayon ng mga tagaresponde ang mga
kagamitang dadalhin nila.
Maging direkta sa punto
Gaya ng napapanood o nababasang balita,
gawing direkta sa punto ng pag-uulat. Banggitin
lamang ang mahahalagang detalye. Huwag nang
magpaligoy-ligoy sapagkat mahalaga ang oras at
may mga pangyayaring nangangailanagan ng
kagyat na aksiyon.
5. Ipakilala ang sarili
Banggitin nag pangalan at ang kaugnayan sa
tao o kaganapan. Ikaw ba mismo ang biktima?
Isa ka bang kamag-anak? Pangkarinawang saksi
ka lamang ba? Sa pamamagitan nito, inaako mo
ang responsibilidad sa pagiging totoo ng iyong
ulat.

You might also like