El Filibusterismo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

“Placido Penitente”

Kabanata 12 ng El
Filibusterismo na pinamagatang
II. TALASALITAAN
1. Ang Pilibustero ay nangangahulugan ng kalaban ng simbahan at pamahalaan, sila ang mga taong
nanghihikayat pa ng mga makakasapi upang mag alsa sa simbahan at sa pamahalaan noong panahon ng
mga espanyol.
Halimbawa: Ang tatay ni Ibarra ay napagkamalang isang pilibustero.
2. Ang Academia de Castellano sa "El Filibusterismo" ni Jose Rizal ay iskwelahan o paaralan na gustong
itayo nina Isagani at Basilio. Ito ay para maintindihan ng mga Pilipino ang wikang Kastila.
Halimbawa: Si Don Custodio lamang ang nagpakita ng interes na tulungan sina Isagani at Basilio para
mapatayo ang Academia de Castellano.
3. Tandang Basiong Macunat- ito ay aklat na naglalaman ng payo, sa loob ng Maynila na namoogan
Intramuros/Walled City.
Halimbawa: Nakita ko ang Tandang Basiong Macunat sa Intramuros noong isang taon.
III. MGA TAUHAN
• PLACIDO PENITENTE - siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio
ngunit nawalan ng ganang mag-aral dahil sa suliraning pampaaralan.
• JUANITO PELAEZ – siya ay mapaghangin at paborito ng mga guro.
• PADRE CAMORRA – siya ay mukhang artiyerong pari.
• ISAGANI – siya ang makatang kasintahan ni paulita.
• PAULITA GOMEZ – siya ay kasintahan ni Isagani.
• DONYA VICTORINA – siya ay tiyahin ni Paulita.
• TADEO – siya ay pumasok lamang sa paaralan ay para alamin kung may pasok at kung meron
man ay aalis na lamang siya at magdadahilang may sakit.
IV. BUOD
• Malungkot na naglalakad noon si Placido Penitente papunta sa unibersidad, nangingilid ang
kanyang luha sapagkat hirap na hirap siya sa pag-aaral sa eskwela, Naalala niya ang dalawanag
sulat na magkasunod na niyang ipinadala sa sa kaniyang ina ,hinihiling niya dito na pahintuin na
siya nito sa pag aaral bakit nga ganoon na lamang ang pag ayaw ni Penitente sa pag-aaral
gayong isa naman siya sa pinakamahusay na estudyante ni Padre Valerio sa mataas na paaralan
sa Tanauan Batangas Matalino si Placido. Tinitingala siya ng mga kaeswela sa probinsya
sapagkat nasasagot niya ang pinakamahirap na tanong na di nauunawaan ng iba.Sa unibersidad
ay hindi maipaliwanag ng mga kaibigan ni Placido ang dahilan ng pagnanais niya na iwan ang
pag-aaral at mamalagi na lamang sa lalawigan. May sapat naman siyang salapi na tinatanggap sa
kanyang ina at maganda rin ang kanyang mga kasuotan pero nagtataka ang lahat kung bakit wala
siyang kagana gana sa pagpasok sa paaralan , mabait namang bata si Placido ni hindi nga siya
marunong magsugal kahit ayain siyang maglaro ng hunkian at sa revision ay hindi rin siya
maasahan.  
IV. BUOD
• Pero kung susuriin ang tanging dahilan ng pagkasuklam niya sa pamantasan sa totoo
lang ay isinusuka niya ang mga propesor na sa tingin niya ay mga kalaban na laging
handing yumapak sa kaniyang katauhan.Tuwina ay nadidismaya si Placido sa
Sistema ng edukasyon sa paaralang kanyang pinapasukan ngayon dahil suliranin dito
ang mga tamad at pilosopong  guro. Pati narin ang kurikulum ay dapat na baguhin.
Pinaghimagsik si Placido ngunit nakulong ito sa sistemang hindi agad mabubuwag.
Ipinakita na inaasam ng mga kabataang Pilipino na matuto at makapantay ang mga
dayuhang mananakp ngunit bigo sila. Inilarawan sa kabanatang ito na apektado ang
kilos at pagpapahalaga ni Placido ng dikta ng pari at unibersidad na sanay kapulutan
ng malawak na kaalaman subalit taliwas ang nagyari.  
V. MGA PANGYAYARI SA KABANATA AT
KATUMBAS NITO SA KASALUKUYAN
NOON NGAYON

Pagsusulat sa pamilya o kamag-anak Hindi na to masyadong nagagamit


pangkomunikasyon sa iba dahil meron ng
messenger o Facebook
Naaanyayahan na magbakasyon ang mga tao Nagagawa parin ito dahil parang isa na itong
sa kanilang bayan karaniwan o nakasanayan na ng mga tao

Ang paghalakhak ng tao ay nakakasama ng Pareho parin ngayon kasi minsan parang
tingin biro o isang pangangasar lamang
VI. MGA KAUGALIANG FILIPINO

• Pakikipagsabay sa pagtawid ng tulay na maayos.


• Pakikipaghalubilo sa mga iba’t-ibang tao.
• Pagiging matapat at matulungin sa mga kapwa
mahihirap.
• Pagiging matapobre sa mga mayayamang tao sa
lipunan.
VII. ARAL
• Para sa akin ang aral na makukuha sa kabanata 12 ng El Filibusterismo na
pinamagatang “Placido Penitente”. Ang pag-aaral ay mahalaga dahil dito
nagmumula ang kaalaman na magagamit mo upang ikaw ay matagumpay
sa iyong buhay. Ngunit ang ipinakitang di pantay-pantay na pagtingin ng
guro sa mag-aaral sa kabanatang ito ay hindi nararapat sapagkat ito ay
nagiging dahilan ng pagkawala ng gana ng mga mag-aaral at di paggalang
ng mga ito sa guro.Laging magtiwala sa mga nakapaligid dahil sila ang
tutulong sayo para makalagpas sa mga pagsubok sa buhay.

You might also like