Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

KARAPATAN AT

TUNGKULIN
Layunin
Sa pagtatapos ng klase, ang mag-aaral ay:
a. nakatutukoy ng mga karapatan at tungkulin bilang
isang tao;
b. nakabibigay ng kongkretong hakbangin kung
paano magagampanan nang wasto ang karapatan at
tungkulin bilang isang tao; at
c. nakagagawa ng sariling panalanging pasasalamat
sa Panginoon sa karapatan at tungkulin bilang isang
tao.
Performance Standard: Naisasagawa ng mag-
aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang
mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga
karapatang tao sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
Most Essential Learning Competencies:
a. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
b. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng
tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang
kaniyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad
ng lahat ng tao.
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid
ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga
karapatang-pantao sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
Karapatan
- Ito ay ang kapangyarihang moral na
gawin, hawakan, pakinabangan, at
angkinin ang mga bagay na kailangan
ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
Tungkulin
- Ito ay ang obligasyong moral na
gawain o hindi gawin ang isang
gawain.
MGA URI NG KARAPATAN
1. Karapatang Mabuhay
2. Karapatan sa pribadong ari-arian
3. Karapatang Magpakasal

PAGTATAYA
Karapatang Mabuhay
- ang pinakamataas na antas ng mga
karapatan dahil kung wala ito hindi
mapakikinabangan ng tao ang iba
niyang karapatan.
Tungkulin sa Karapatan sa Buhay
- Pangalagaan ang kanyang
kalusugan at sarili laban sa
panganib.

BACK
Karapatan sa pribadong ari-arian
- ito ay kailangan ng tao upang
mabuhay ng maayos, maging
produktibo, at nakikibahagi sa lipunan.
 
Tungkulin sa Karapatan sa Pribadong
pagmamay-ari
- Pangalagaan at palaguin ang
kanyang mga ari-arian at gamitin ito
sa tama.

BACK
Karapatang Magpakasal
- karapatan ng tao na bumuo ng
pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Tungkulin sa Karapatang Magpakasal
- Suportahan at gabayan ang
pamilya upang maging mabuting
tao.

BACK
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang KSB kung ito ay karapatan sa buhay, KPA kung ito ay karapatan sa
pribadong ari-arian, at KM kung ito ay karapatang magpakasal.
1. Nagkataon na ang ama ni Neil ay namatay at siya ang panganay na anak
kaya ipinamana nito ang mga naiwang ari-arian sa kanya.
2. Isang misyonaryo si John sa Sudan at may nakita siyang isang batang kalye
na walang suot na damit at gutom na gutom ito kaya iniuwi niya, pinasuot ng
damit, pinakain at inampon.
3. Kumakain ng masustansyang gulay at prutas si Ellie para siya ay manatiling
malusog at aktibo sa klase.
4. Apat na taon ng magkatipan sina Daniel at Kathryn kaya plano na nilang
malagay sa tahimik.
5. Maagang nabuntis si Joan kaya plano niyang ipalaglag ang bata sa
kaniyang sinapupunan ngunit nalaman ito ng kaniyang ina kaya pinigalan siya
nito na huwag ipalaglag.
Takdang Aralin
Magsaliksik at magbasa tungkol sa Likas na
Batas Moral. Isummarise ito gamit ang concept
map sa isang kalahating papel at ipapasa sa
susunod na pagkikita.

You might also like