Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pagtukoy sa

Layunin, Pananaw,
at Damdamin ng
Teksto
INIULAT NINA:
JOHN LORD M. LILLES
VINCENT B. RESCOBER
RENZ C. PANUELOS
Pananaw
Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa
teksto. Ibig sabihih, natutukoy rito kung ano ang
distansya niya sa tiyak ba paksang tinatalakay. Nasa
unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na
personal ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya
naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng
obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa?
Layunin
 Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng
manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa
pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa
pagpapahayag. Hal. Naglalarawan ba ito o kaya
ay nagkukwento lang ng isang tiyak na
karanasan o sitwasyon?
Layunin
Maaari ding nangangatuwiran ito o kaya
naman ay hinihikayat ang mambabasa na
pumanig sa opinyon o paninindigan niya.
Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o
pangunahing tanong ng akda na nais
solusyunan ng may akda.
Damdamin
Ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat
sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng
kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman
ay matibay na paniniwala o panindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.
Damdamin
Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto,
hindi naiiwasan na ito rin ang nagiging
pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa
katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng
isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang
manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu
Paraphrase
 Ito
ay naglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita upang mas
madaling maunawaan. Nagkakaroon ng pagbabago sa ;
 1.) Ekstraktura ng salita at pangungusap
 2.) Mga salitang ginagamit.
 Sa kabila nito kailangang hindi ito lumihis sa orihinal na teksto o
mapanatili ang eksaktong ipinapapahyag nito. Ang anyo ng hawig ay
higit na mahaba kaysa sa orihinal dahil nilalayon nitong maipakita ng
nagtatala na ganap niyang mauunawaan ang nilalahad ng teksto
 Kayanitong ipaliwanag gamit ang sariling
pananalita upang mas madaling maintindihan ng
mambabasa.
Abstrak
 Sausaping pananaliksik (thesis o research ) ang abstrak ang maikling
paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Sa mga
sulating pampanitikan maaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang
sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula at iba pang hinahago ang
bahagi upang bigyang diin ang pahayag o gamitin bilang sipi.
Rebyu
 Ang salitang rebyu o review sa ingels ay nangangahulugang muling pagtingin
o muling pagsulyap. Kadalasan din itong ginagamitan upang tukuyin ang
ginawang pagbabago o pag-iba maaring sa aklat, sulat o liham at iba pang bagay.
Sa ibang salita ang rebyu o review sa ingles ay detalyadong pagsusuri ng isang
pelikula, kwento o akda. Ginagawa ito ng isa na may akda upang malalman ang
tingin ng iba sa kaniyang ginagaw. Halimbawa, ang rebyu ng pelikulang “kita
kita” ay nakakabitin at may kirot o panghihinayang sa damdamin ang dulong
bahagi ng kwento nito. Kakaiba ang daloy ng istorya at tunay na nakakapukaw ng
interes para sa isa.

You might also like