KABIHASNANG ROMANO v2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

MELC

ARALING
PANLIPUNAN
BASED
8
Bago tayo tumungo sa
panibagong aralin, ating
alalahanin ang nakaraang
paksa. Balikan ang mga
natutuhan ukol sa
Kabihasnang Greece.
BALIKAN
Panuto: Kaya mo bang ikuwento ang kasaysayan ng Greece?
Balikan ang bawat pahina nito. Lagyan ang kahon ng bilang 1-
4 batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ilagay ang
iyong sagot sa papel.

Naganap Nagsimula Umusbong ang


mga lungsod Nagkaroon ng
ang ang Golden
Estado ng Peloponnesian
Persian Age ng
Greece War
War Athens
Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong mga lungsod- estado
ang naitatag sa Greece?

2. Paano nakamit ng Athens ang


kanilang ginintuang panahon?

3. Paano nagwakas ang Kabihasnang


Greece?
Magaling! Nasagutan mo ang gawain!
Ngayon naman tayo ay tutungo sa isa
pang sinaunang kabihasnan na sumibol
sa Europa. Pero iyong isagawa muna
ang susunod na gawain!
HULA-LARAWAN
Panuto: Suriin ang mga
larawan. Tukuyin ang mga
tiyak na larawan na
nakapaloob sa bawat
bilang. Ano kaya ang
kaugnayan ng mga ito sa
ating susunod na aralin?
Sabay-sabay nating tuklasin
ang mga kasagutan sa
panibagong paksa. Isulat
ang iyong sagot sa papel.
01
02
03
04
Mahusay!
Nalaman mo na ang ating
pangunahing paksang pag-
aaralan.
B I HA S NA NG
AN G KA
ROMANO M ELC Base
d
Timeline ng mga Pangyayari sa Ancient Rome

2000 BCE – Pagdating sa Latium ng


mga Latino at nagtatag ng mga
lungsod

509 BCE – Naitatag ang Roman


Republic

490 BCE – Simula ng paglaganap ng


kapangyarihan ng Rome
264 BCE – Nagsimula
ang Digmaang Punic

60 BCE –
Naitatag ang
Triumvirate

490 BCE –
Simula ng
paglaganap ng
kapangyarihan
ng Rome
31 BCE – Paglakas ng Roman
Empire
27 BCE – Nagsimula ang Pax
Romana

180 CE – Nagwakas ang Pax Romana

529 CE – Pagbagsak ng Roman


Empire sa Kanluran at Pagkatatag ng
Byzantrine, ang Bagong Rome sa
Silangan
Ang Lokasyon at ang
Simula ng Rome
Ang tangway ng Italy na nasa
katimugang bahagi ng Europe
ay parang isang bota sa gitna
ng Mediterranean sea. Ito ay
napaliligiran ng Dagat
Adriatic, Ionian at
Tyrrhenian. May mga
bahaging bulubundukin ang
Italy na humaharang sa mga
kaaway.
Ang Italy ay may mainam din na
klima na angkop sa mga gawaing
pagsasaka.
Ang lungsod ng Rome na
naging sentro ng kabihasnan
ay nasa tabi ng Ilog Tiber sa
gitna ng Italy. Ang Ilog Tiber
ay naging ruta patungong
dagat at nagbigay
pagkakataon sa Rome upang
makipagkalakalan sa mga
bansang nakapalibot sa
Mediterranean sea.
Nagsimula ang Rome bilang
isang maliit na pamayanan sa
tabi ng Ilog Tiber.
Noong 2000 BCE, ang mga Indo- European na
maaaring nagmula sa Asya o sa silangang Europe ay
nakarating at unang nanirahan sa matabang
kapatagan ng Latium, timog ng Ilog Tiber.
May mga taong ti nawag na Etruscan, sila ay
kalapit na tribo sa hilaga ng Rome at sinakop
ng mga ito ang Rome at ang mga karati g-pook
nito. Pinamunuan ng haring Etruscan ang Rome
sa loob ng maraming panahon.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya
sa pag-usbong ng Rome bilang
isang matatag na lungsod?

2. Paano nagsimula ang Rome?


Ang Roman Republic
Hindi nagustuhan ng mga Romano ang
pamamahala ng mga Etruscan kung
kaya’t noong 509 BCE nag-alsa sila laban
sa mga dayuhang Etruscan. Nagtatag ang
mga Romano ng isang Republic na kung
saan ang mga mamamayan ang pumipili
ng kanilang kinatawan sa pamahalaan.  
Ang lipunang Romano ay binubuo ng
dalawang pangunahing uri.
Ang unang uri ay Ang pangalawa ay ang
01 binubuo ng mga 02 mga plebeian na binubuo
mayayamang ng mga karaniwang tao
may-ari ng lupa o katulad ng maralita,
tinatawag na walang lupa, magsasaka
patrician. at mangangalakal.
Ang mga patrician samantalang ang mga
o mga plebeian o kapos sa
maharlikang kabuhayan ay limitado
mamamayan lamang ang karapatan at
lamang ang kapangyarihan.
nagkakaroon ng
pagkakataon na
maging konsul,
diktador at mga
kasapi ng senado
Gayunpaman, noong 449 BCE ay
nagtagumpay ang mga plebeian na isulat
ang batas sa Rome. Ito ay tinatawag na
Law of the Twelve Tables, ang kauna-
unahang nakasulat na batas ng Rome.
Ang kalipunan ng mga batas na ito ay
inilagay sa mga pampublikong lugar
upang makita at mabasa ng lahat.
Pamprosesong Tanong
1. Ilarawan ang pamahalaan ng
Roman Republic?

2. Paano nahahati ang lipunan ng


sinaunang Rome?

3. Anong mga hakbang ang isinagawa


ng mga plebeian upang magkaroon
sila ng mga karapatan?
Ang Paglaganap ng
Kapangyarihan ng Rome
Lumaganap ang kapangyarihan ng
Rome matapos ang sunod-sunod
na tagumpay nito sa mga
labanan.
Ang iba’t ibang lugar at lungsod na
napasailalim sa kapangyarihan ng
Rome ay hindi lamang
nakapagpalawak sa teritoryo nito
kundi nakapagdagdag din sa bilang
ng mga mandirigma ng Rome.
Lumawak ang teritoryo ng
mga Romano hanggang sa
masakop nila ang kabuuan
ng peninsulang Italy.
Mga g
a a n
Digm ic
Pun
Ninais din ng Rome na maging
makapangyarihan sa Mediterranean Sea kung
kaya’t nakipaglaban ang mga ito sa mga
Carthaginian na siyang naghahari sa
karagatan ng mga panahon na iyon. Ang
paglalaban na ito ay tinawag na Digmaang
Punic mula sa salitang Latin na pangalan ng
Phoenicia.
Ang Digmaang Punic ay binubuo ng tatlong
labanan sa pagitan ng Rome at Carthage. Ang
Carthage ay isang lungsod sa hilagang Africa
na itinayo ng mga Phoenician. Ang
pangunahing dahilan ng digmaang Punic ay
Commercial Rivalry sa Mediterranean sea.
Pamprosesong Tanong
1. Paano naging makapangyarihan
ang Rome sa Mediterranean Sea?

2. Bakit mahalaga sa Rome ang


pagkontrol sa Mediterranean Sea?

3. Bakit hadlang ang Carthage sa


paghahari ng Rome sa
Mediterranean sea?
Sa gitna ng kaguluhan ng Rome sa
ilalim ng Republic noong unang
siglo BCE, nagpatuloy ang
MGA paghahangad at agawan sa
TRIUMVIRATE kapangyarihan ng mga heneral at
pinunong militar sa Rome sa
pamamagitan ng paggamit ng
kanilang hukbo.
Ito ay karaniwang humahantong
sa digmaang sibil. Kasabay ng mga
MGA kaguluhan na nagaganap ay ang
TRIUMVIRATE pagtatatag ng Triumvirate. Ito ang
pagsasanib o alyansa ng tatlong
makapangyarihang pinuno na
hahawak sa pamamahala at
aspetong pangmilitar.
MGA TRIUMVIRATE

FIRST TRIUMVIRATE
01 Binubuo nina Julius Caesar,
Pompey at Marcus Crassus

SECOND TRIUMVIRATE
02 Binubuo nina Mark Anthony ang kalihim ni Caesar,
Marcus Lepidus na dating heneral ni Caesar at Octavius
na apo sa pamangkin ni Caesar.
Pamprosesong Tanong
1. Bakit nabuo ang Triumvirate?

2. Bakit napamahal ang mga tao kay


Julius Caesar?

3. Anong intrigang pampulitika ang


kinaharap ni Julius Caesar?

4. Maituturing bang dakilang pinuno


si Julius Caesar?
ANG PAX
ROMANA
Sa panahon ng Pax Romana ay naging
ligtas sa mga tulisan at mga pirata ang
mga daan at karagatan. Naging masagana
rin ang imperyo ng Rome sa lahat ng uri
ng pagkain at may masiglang kalakalan
ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang
bahagi ng Asya.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang Pax Romana?

2. Paano nakaapekto ang


pagpapalawak ng Imperyo ng
Rome?

3. Anong mga hakbang ang isinagawa


ni Octavius para sa kabutihan ng
Rome?
Ang mga Pamana
ng Rome sa
Kabihasnan
Malaki ang naging impluwensiya ng Greece sa
kabihasnang nabuo sa Rome, pero may sariling
katangiang taglay pa rin ang kabihasnang
Romano. Pangunahin na rito ang mga kaalaman
sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng
pamahalaan at batas. Ang mga sinaunang
Romano ay nakapagpagawa ng maraming daan
na nagdugtong sa mga estadong lungsod ng
Rome sa iba pang mga karatig kolonya
Nakapagpatayo rin sila ng aqueduct at hanay ng
mga arko, matitibay na mga gusali katulad ng
temple, Forum, palasyo, amphitheatre at kolumna.
Sa larangan ng arkitektura ay naging tanyag ang
Pantheon at ang Colosseum. Naging kilala rin ang
mga Romano dahil sa kanilang pagbibigay halaga sa
mga panitikan at pilosopiya. Ngunit ang
pinakamahalagang kontribusyon ng mga Romano ay
sa larangan ng pagbabatas.
Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang mahahalagang
kontribusyon ng Rome sa
kabihasnan?

2. Ano ang kahalagahan ng pag-unlad


ng panitikan sa kasaysayan ng
Rome?
Mahusay! matapos mong masuri ang
mga pangyayari sa sinaunang
kabihasnang Romano at masagutan
ang mga katanungan kaugnay nito,
atin pang pagyamanin ang iyong
kaalaman sa mga susunod na
gawain.
Isagawa
Poster or Photo Collage Making
Panuto: Sa bahaging ito ay gagawa ka ng
poster o ng isang photo collage na may
kaugnayan sa mga naging kontribusyon
ng mga Romano sa kabihasnan. Gawin
ito sa bond paper. Basahin at isaalang-
DEPED
HERO
alang ang sumusunod na pamantayan sa
ibaba.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nagsisimula Puntos

RUBRIKS
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman May malinaw at May malinaw na impormasyon Limitado ang impormasyon  
kumpletong impormasyon tungkol sa mga pamana ng tungkol sa mga pamana ng
tungkol sa mga pamana ng Rome sa kabihasnan Rome sa kabihasnan
Rome sa kabihasnan

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang Hindi gaanong gumamit ng Hindi gumamit ng tamang  


kombinasyon ng kulay at tamang kombinasyon ng kombinasyon ng kulay/
materyales upang kulay/materyales upang materyales upang
maipahayag ang maipahayag ang nilalaman, maipahayag ang nilalaman,
nilalaman, konsepto at konsepto at mensahe konsepto at mensahe.
mensahe

Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang May bahaging may kakulangan Hindi malinis at maayos ang  
kabuoang presentasyon sa aspeto ng kalinisan at kabuoang presentasyon.
kaayusan ng kabuoang
presentasyon

      Kabuuang puntos  
Makulay ang naging kasaysayan ng Kabihasnang Romano.
Marami itong naging kontribusyon na nagpapatunay na sila ay
nagpakita rin ng kahusayan sa iba’t ibang larangan. Mula sa
kapatagan ng 11 _________ , sa pampang ng ilog 12
__________ ay napalawak ng mga Romano ang nasasakupan
nito. Malaki rin ang naging impluwensya ng 13 __________
pagdating sa panitikan ng Romano. Sa mga tulay at gusali ay
ipinapakita ng mga Romano ang kanilang pagkamalikhain.
Hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin ang ilan sa mga
bakas ng kabihasnang Romano tulad na lamang ng 14
___________na isang 15________na kung saan dito
naglalaban ang mga matatapang na mandirigmang gladiator.
Pagtataya
1. Ang lungsod ng Rome ay umusbong sa matabang kapatagan ng
Italy. Anong kapatagan ito?
A. Greece B. Latium C. Milan D. Sicily

2. Saan matatagpuan ang kinaroroonan ng Rome sa Italy?


A. gitnang bahagi ng Italy C. Hilagang kabundukan ng Italy
B. timog ng Italy D. kanluran ng Italy

3. Nanirahan sa hilagang bahagi ng Rome ang mga pangkat na


__________.
A. Griyego B. Etruscan C. Visigoth D. Tunis
Pagtataya
4. Ang tatlong daang konseho ng mga patrician ay tinawag na
_________
A. konsul B. senado C. konseho D. gabinete

5. Tinatawag na Law of the Twelve Tables ang kaunaunahang


naisulat na batas ng Rome. Ano ang isinasaad sa batas na ito?
A. para sa pagbibigay ng buwis sa pamahalaan.
B. para sa karapatan ng mga mamamayan
C. para sa paghahalal ng mamumuno
D. para sa pagtulong sa mga mahihirap
Para mas lalo mo pang mapalawak
ang mga kaalaman at iyong
kasanayan ukol sa Kabihasnang
Romano narito ang isa pang
karagdagang gawain.
Takdang Aralin
Panuto: Punan sa kabilang hanay ang mga
pangunahing nagawa ng sumusunod na naging
pinuno ng Imperyong Romano. Isulat sa
hiwalay na papel ang iyong sagot.
 
Mga Naging Pinuno ng Petsa ng Panunungkulan Mga pangunahing Nagawa
Imperyong Romano
1
Tiberius 14-37 CE  
   
2
Caligula 37-41 CE  
 
3
Claudius 41-54 CE  
 
4
Nero 54-68 CE  
 
5
Vespacian 69-79 CE  
 
6
Titus 79-81 CE  
 
7
Domitian 81-96 CE  
 
8
Nerva 96-98 CE  
 
9
Trajan 98-117 CE  
 
10
Hadrian 117-138 CE  
   

You might also like