Aralin 7

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

FILIPINO 10-Q1-W7

PAGSUSURI NG NOBELA BILANG


AKDANG
PAMPANITIKAN SA PANANAW
HUMANISMO
ARALIN
Mga Inaasahan :
Sa araling ito, babasahin mo ang isang nobela mula sa France.
Aalamin mo ang mga katangian at kultura ng mga tauhan. Susuriin mo
ang akdang ito batay sa pananaw Humanismo at iba pang teoryang
pampanitikang kaugnay rito. Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay
malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan:

1. Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo.


2. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw
Humanismo o alinmang angkop na pananaw.
Mga Inaasahan :
3. Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang
ipinahahayag nito (clining).

4. Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang


kabanata ng nobela.

5. Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata.


Paunang Pagsubok
Sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
_____1.Ano ang damdamin o katangian ng tauhan mula sa pahayag na
“Walang ibang babae akong minahal.”
A. seloso B. mapagtiwala C. tapat na pag-ibig D. wagas na pag-ibig
_____2.Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng isang kawil at mga
kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
A. maikling kwento B. dula C. nobela D.sanaysay
Para sa bilang 3
Taong 1842 nang itinanghal si Quasimodo bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa
taglay nitong labis na kapangitan. Siya ang itinuring na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang
araw na iyon ay iniluklok siya sa trono at ipinarada sa ilang lugar sa Paris at kinutya ng mga
taong naroroon na nakibahagi sa kasiyahan.
Paunang Pagsubok

_____3.Anong isyung panlipunan ang masasalamin sa pahayag?


A. diskriminasyon C. kahirapan
B. kawalan ng edukasyon D. kamangmangan
_____4. Ang sumusunod na salita ay magkakasingkahulugan. I-ayos ayon sa tindi ng
kahulugan: (pangungutya, panglalait, pang-aalipusta,pang-iinsulto)
A. pang-iinsulto, panlalait, pang-aalipusta, pangungutya
B. pangungutya, pang-iinsulto, panlalait, pang-aalipusta
C. panglalait, pang-iinsulto, pangungutya, pang-aalipusta
D. pang-aalipusta, pang-iinsulto, panglalait, pangungutya
Paunang Pagsubok

Para sa bilang 5
Nagmakaawa siyang bigyan ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa
kaniya na ang gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag
na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may
hawak na isang basong tubig at pinainom siya.

_____5.Paano inilarawan si La Esmeralda mula sa pahayag?


A. mapagkalinga B. matulungin C. mapag-aruga D. mapagmalasakit
Paunang Pagsubok

_____6.Ano ang katangian ng tauhan mula sa pahayag na “Samantala, sa di


kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siyang
babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”
A. mapanghusga B. mapanglait C. pakialamera D. mayabang
_____7.Isaayos ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan:
kagunggungan, kalokohan,kahangalan,kabaliwan.

A. kabaliwan, kalokohan, kahangalan, kabaliwan


B. kabaliwan, kalokohan, kagungungan, kahangalan
C. kalokohan, kabaliwan, kahangalan, kagunggungan
D. kalokohan, kabaliwan, kagunggungan, kahangalan
Paunang Pagsubok
_____8. Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng
dalaga ng tubig sa panahong wala man lamang nagnasang tumulong sa kaniya.
Ano ang nais na ipahiwatig ng pahayag tungkol sa pag-ibig?
A. Ang pag-ibig ay hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan kundi sa
kagandahan ng puso.
B. Ang pag-ibig ay hindi mapanghusga, hindi pinagbabatayan ang pisikal na
kaanyuan ng tao.
C. Ang pag-ibig ay nagpapakita ng pagrespeto at pagkapantay-pantay ng tao sa
lipunan.
D. Ang pag-ibig ay handang ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang
minamahal.
Paunang Pagsubok
_____9.Anong damdamin ang nanaig kay Quasimodo sa pahayag?
A. pagkatakot B. pag-aalala C. pagkalito D. pagkabalisa

_____10. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito. At dahil sa matinding
lungkot na nararamdaman ay inihulog niya mula sa tore ang paring kumupkop sa
kaniya. Ano ang nagtulak kay Quasimodo upang gawin ito kay Frollo?
A. pagkapoot B.pagkainggit C. paninibugho D. pagseselos
BALIK TANAW

Basahin ang talataan. Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang


mula sa ibinigay na mga pagpipilian sa loob ng panaklong.

Dahil sa 1.(kanilang, kaniyang)_______ kahusayan, si Mateo ay nakatatanggap


ng maraming tulong mula sa 2.(kanilang, kaniyang)_______ mga kaibigan. Bunga
nito, lalo pa 3.(niyang, nilang) ______ pinag-iigi ang lahat ng kaniyang ginagawa
hindi lamang para sa mga kaibigan kundi higit para sa 4.(kaniyang, kanilang)______
mga magulang. 5.(Ito,Sila)_____ ang inspirasyon ni Carl.
Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa nobela bilang isang


akdang pampanitikan.
A. Ang Nobela Bilang Isang Akdang Pampantikan
Ang nobela ay kathang-isip na nasa anyong prosa o malaya, na ang banghay ay
nahahati sa mga kabanata at inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.
Ito’y naglalahad ng magkakaugnay na mga kawili-wiling pangyayari. Ang ilang
pangunahing elemento ng nobela ay tagpuan, ang lugar at panahon ng mga
pinangyarihan, mga tauhan at pananalita o diyalogo.
BALIK TANAW

pinangyarihan, mga tauhan at pananalita o diyalogo. Karaniwan ding nagtatampok


ang nobela ng kultura ng bansang maaring pinagmulan ng tampok na tauhan, tagpo
o ng mismong may-akda.
Masasabing sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay inilalarawan sa
paraang buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang kinahaharap
natin habang binabasa ang nobela. Sa mga kilos at diyalogo ay napalilitaw ang
kanilang mga katangian at mga kaisipan na pinahahalagahan.
BALIK TANAW

B. Ang Nobela sa Pagsusuring Pampanitikan


Ang mga teorya o pananaw pampanitikan ay ginagamit upang masuri ang isang
akda, tulad ng nobela. Isa rito ang pananaw Humanismo, na nagsasabing ang tao ay
isang rasyonal na nilikha na may kakayahang maging makatotohanan at
mabuti.Ipinakikita nito na ang tao ay ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t
binibigyang-halaga ang kaniyang saloobin at damdamin. Matitiyak lamang ito kung
tataglayin niya ang kalayaan sa pagkilos, natatanging talas ng isipan at
kakayahan.Ang pananaw Realismo ay nagpapakita ng katotohanan ng buhay,
maging ito man ay maganda o trahedya. Sa pananaw Sosyolohikal naman
BALIK TANAW

malalaman ang kalagayan at suliranin ng lipunan nang panahong isinulat ang akda.
Sa pagsusuri, napalilitaw ang mga layunin, motibo at mensahe ng may-akda sa mga
mambabasa.
KATANGIAN KO...DIYALOGO KO!

Pagpapabasa sa mga sumusunod na diyalogo.


a. “ Daddy, patawad po. Nais ko lamang lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa
balang araw kapag ako’y nawala.
( Halaw sa kuwentong “ Nang Minsang Naligaw si Adrian” LM
Grade 9, pp15)

b. “ Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero


sa akin” sabi ng babae.
( Halaw sa nobelang “ Isang libo’t Isang Gabi ( Thousand and
one Nights) Saudi Arabia.
KATANGIAN KO...DIYALOGO KO!

c. “ Walang ibang babae akong minamahal “


(Halaw sa Nobelang “ Ang Kuba ng Notre Dame )

d. “ Kasalanan n’yo ang nangayari, e! Natataranta kasi kayo basta


may kostumer kayong Kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar.
Basta nakita kayo ng dolyar, naduduling na kayo, kaya
binabastos ninyo ang mga kapwa Pilipino”
( Halaw sa Nobelang “ Gapo” ni Lualhati Bautista)
KATANGIAN KO...DIYALOGO KO!

Gabay na Tanong:
PASS THE BALL
a. Anong mensahe ang nais iparating ng bawat tauhan sa mga
pahayag?
b. Ano-anong katangian ang masasalamin sa pahayag ng bawat tauhan?
2. a. Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan
sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa?
b. Paano nakakatulong sa pagsasalaysay ang mga hudyat sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa buod ng nobela?
BALIK TANAW

2. a. Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan


sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa?

b. Paano nakakatulong sa pagsasalaysay ang mga hudyat sa


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa buod ng nobela?
BALIK TANAW

3.

Batay sa nabasang diyalogo, ilahad ang mga bahaging


nagtataglay ng mga sumusunod:
1. Pagkilala sa katangian ng tauhan sa bawat diyalogo.
2. Mga patunay na pagkakakilanlan ng isang tauhan.
3. Mga katangian ng diyalogo.
D A G D A G K AA LA M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M AT I O
N)
Ang usapan o diyalogo ay binubuo ng mga linyang binibigkas ng mga
tauhan sa nobela. Naglalaman ito ng mga mahahalagang mensahe na
bumubuhay sa salaysay. Sa pamamagitan ng usapan o diyalogo ay nabubuo
ang saloobin ng mga mambabasa kaugnay ng katangiang taglay ng tauhan,
panahon ng kaganapan ng mga pangyayari at lugar na pinagganapan ng mga
pangyayari. Marapat lamang na maging angkop ang usapan o dayalogo sa
isang salaysay upang maging malinaw ang mensaheng nais iparating ng
buong teksto.
TELL AND SHARE

MAGBAHAGI NG MGA NOBELANG NABASA O NAPANOOD SA TELEBISYON


TELL AND SHARE

Mungkahing Estratehiya: MONOLOGO


“Ni minsan ba naiisip mo kung gaano kasakit para sa akin na mag-alaga
ng anak ng iba gayong ang sarili kong anak hindi ko maalagaan?”
(Buhat sa Pelikulang ANAK)
1. Magbahagi ng paboritong linya sa pelikula na tumatak sa isipan.
2. Ipaliwanag ang katangian ng tauhan batay sa linyang binitawan.
TELL AND SHARE

Panonood ng video : Ang kuba ng Notrdame

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F
%2Fyoutu.be%2FKoq3-SP5lFo%3Ffbclid
%3DIwAR3BAPQ2wtayGEOb0jQd4XPZIF-I-
ugvjWq_KdDV42HS3RzQV6Zvx2m2t6I&h=AT36zlbjhd
C2o40_rBXSr6B-
jx_EaTAUTMgckrtT46d8aw3vmGRqgDrw7DH69N_qm_
Q88zXuVl6tHcK8xK_oOrsbeQ8ZJY_i0ysh1aycAXszu5F
DN2_8mUzPpPQEOFNeqvwliw
KASUNDUAN

1. Bigyang-pansin kung paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng


akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang
bansa.
2. Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na “ Ang Kuba
ng Norte Dame”
3. Alamin kung makikita ba ang magandang mukha ng bansang France
sa kanilang panitikan mula sa akdang ito?

You might also like