Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

PANONOOD

KAHULUGAN
• Ito ay isang kakayahan at kasanayang pangkomunikasyon na
umuunawa sa mga nakikitang imahe sa kapaligiran ng isang tao.
Binubuo ang imaheng ito ng anumang bagay na may kulay, hugis,
anyo, animasyon at salita.
• Ito ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video
recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa
sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
• Sa pamamagitan ng panonood, lalo na kung ito ay isang pelikula o
dula, natutuklasan din ang natatagong kaalaman na makikita sa tema
ng isang produksyon o sa pinapanood sa pamamagitan ng pagbibigay-
kahulugan sa kilos, ekspresyon ng mukha, sa imahe, sa plot o
balangkas ng iskrip, sa panahong pinapanday ang isang palabas o
pagtatanghal hanggang sa daloy ng kuwento na nais iwanan ng mga
nagsiganap dito.
Kahalagahan ng Panonood
1. Mapaunlad at malinang ang kakayahang magbigay-pakahulugan
upang mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pag-unawa.
2. Higit na malinang ang kakayahang magsuri o mangilatis sa pagiging
makatotohanan ng isang bagay.
3. Mataya ang iba't ibang elemento ng isang produksyon (pangyayari,
suliranin, kagamitan at iba pa).
4. Magkaroon ng kamalayan sa katotohanan ng buhay.
5. Maging mapagmasid at alerto sa mga pangyayari sa paligid.
6. Magsilbing inspirasyon at maging pamantayan ito upang gawin kung
ano ang tama at nararapat.
Iba’t ibang Uri ng Manonood at Panonood
1. Diskriminatibo
• Paggamit ng opinyon o sa panunuri ng pinapanood. Dahil sa iba-iba
ang pagtanggap ng mga manonood sa palabas, maaaring tanggap ng
isa ang hindi tanggap ng iba. Malaking salik ang kulturang kinalikihan
ng isang manonood kung kaya't nagiging diskriminatibo ang kanyang
panonood.
Iba’t ibang Uri ng Manonood at Panonood
2. Kaswal o Panlibang
• Walang ibang layunin ang manonood kundi ang malibang. Impormal
na pamamaraan ng panonood ang ginagawa rito na hindi nagbibigay
tuon sa detalye, bagkus ay naglilibang lamang habang nanonood.
Ginagawa lamang ang panonood bilang pampalipas-oras. Ang
panonood ng noontime variety at gag shows ang halimbawa nito.
Iba’t ibang Uri ng Manonood at Panonood
3. Komprehensibo
• Ito ang uri ng panonood na kung saan nagpapahalaga sa mensahe at
sa ibang detalye ng palabas ang manonood. Sinasamahan ng pag-
unawa at hindi lamang basta nanonood ang isang indibidwal dahil
nais nitong maunawaan ang isang kaisipang tinatalakay sa palabas.
Halimbawa nito ang panonood ng news magazine at documentary
shows.
Iba’t ibang Uri ng Manonood at Panonood
4. Kritikal
• Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang
makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang napanood.
Sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood. Karaniwan
itong gumagawa ng komentaryo o rating sa pinapanood. Kadalasan
ding bumubuo ng isang argumento ang manonood na nais niyang
patunayan sa pamamagitan ng palabas na pinanood.
Proseso/Domeyn ng Panonood
• Kognitibong Proseso (Cognitive Domain) - pag-unawa ng tao sa
kanyang pinapanood sa pamamagitan ng pag-iisip. Maaari itong
maganap sa panood ng isang pelikula o dulang panteatro kung ito ay
itinalaga ng guro bilang kahingian sa klase. Maaari rin namang mga
ulat sa klase kung saan siyang magiging basehan ng pagsusulit.
Proseso/Domeyn ng Panonood
• Emosyonal at Sikolohikal na Proseso (Emotional and Psychological
Domain) - binibigyang-halaga ng tao ang panonood batay sa kanyang
damdamin, pag-iisip at gawi.
• May pagkakataong nagaganap ito sa isang manonood na nanonood
ng isang pelikula kung saan ay nagawa niyang iugnay ang kanyang
sarili sa isang tauhan.
• Maaaring nakaranas siya ng kahawig na karanasan o di kaya ay
mayroong malapit na kakilala na may katulad na karanasan.
Proseso/Domeyn ng Panonood
• Estetikong Proseso (Aesthetic Domain) - nagbibigay-kasiyahan sa tao
at nag-iiwan ng kakaibang imahinasyon.
• Maaaring maganap ito kung ang isang tao ay nanood ng isang pelikula
o di kaya ay isang dulang panteatro o eksibit ng mga likhang sining.
• Sa kanyang panonood, napupukaw ang kanyang malikhaing kaisipan
at maaaring nakabubuo siya sa kanyang isipan ng mga ideya base sa
napanood.
Proseso/Domeyn ng Panonood
• Moral na Proseso (Moral Domain) - nagkakaroon ng kakayahang
umunawa ang tao batay sa mga pinapahalagahang moral.
• May mga panoorin na nagiging daan upang tayo ay makapag-isip at
makabuo ng mga desisyon kaugnay ng mga mahahalagang isyu.
• Halimbawa ay panonood ng mga dokumentaryo. May pagkakataong
napapaisip tayo nito kaugnay sa ating mga pinaniniwalan at
pinahahalagahan.
Mga Hadlang sa Panonood
• Intrinsik
Ito ay mga pansariling suliranin na maaaring sikolohikal at pisyolohikal.
Halimbawa nito ay ang karamdaman ng isang tao na maaaring
makasagabal sa kanyang pag-unawa sa panonood. Gayon din ang mali o
kahinaan ng pag-unawa sa nakita, nagbubunga ito ng maling
pagpapakahulugan o pagbibigay interpretasyon sa panonood. Isa pang
halimbawa ay ang kapansanan sa paningin, tulad ng kalabuan ng mata
o pagkabulag. Sagabal o hadlang ang ganitong mga kapansanan dahil sa
kawalan ng kapasidad na makakita at makapanood. Gayon din ang
kahinaan sa pandinig na isa ring mahalagang tulay sa panonood.
Mga Hadlang sa Panonood
• Ekstrinsik
Ito ay mga suliraning teknikal at distraksyong biswal mula sa midyum na
ginamit sa panonood. Halimbawa, ang kalabuan o madilim na imahe at
sobrang maliwanag na imahe ay maaaring makaapekto sa ating
panonood. Maging ang kasuotan ng artistang gumaganap sa palabas ay
maaaring maging balakid sa panonood dahil posibleng maibaling ang
atensyon ng manonood sa kanilang kasuotan at hindi na sa nilalaman ng
kuwento. Isang balakid din ang hindi malinaw na resepsyon ng tsanel na
nakaaapekto sa pagkaunawa ng isang tao sa kanyang panonood.
Bukod dito, maaaring ang hadlang ay magmula rin sa manonood.
Mabuting Epekto ng Panonood
• Nakapagdaragdag ng mga bagong kaalaman at pagkatuto. Naglalantad ng
katotohanan ng buhay at nagiging malay sa pangyayari sa kapaligiran. Sa
pamamagitan nito, nagiging mulat tayo sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
• Nakapagpapatalas ng kaisipan at nakalilinang din ng psychomotor skills o kasanayan
ng isang tao.
• Nagiging mabuting libangan at nakakadagdag ng aliw. Nagiging alternatibong
pamamaraan din ito sa problema o suliranin ng isang tao.
• Nagiging instrumento ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga programa na
naghahatid ng balita at pangyayari sa loob at labas ng bansa.
• Nakapagpapatatag ng relasyon, dahil sa pamamagitan ng panonood, nagkakaisa at
nagkakasama sa panonood ang mga manonood, nagsisilbing bonding ito ng ano mang
samahan.
Masamang Epekto ng Panonood
• Ang madalas at masyadong malapit na panonood ng telebisyon o sine ay maaaring
makapagdulot ng sakit sa mata kagaya ng panlalabo ng mata o pagkakaroon ng
katarata sa pamamagitan ng palagiang pagtitig sa screen ng telebisyon. Maaaring
makapagbigay nang di mabuting impluwensya sa mga manonood.
• Nagiging tamad ang isang manonood lalo na sa pagbabasa dahil inaaaring panoorin
nalang niya ang isang palabas na hango sa isang maikling kuwento o nobela.
• Maaring maging masamang impluwensya ang palabas lalo na kung ang tema ng
panoorin ay hindi akma sa batang nanonood. Bagamat may mga paalala, ang
palabas, hindi naman sa lahat ng oras ay magkasamang nanonood ang bata at
magulang.
• Nagbubunga ng adiksyon(sobrang paglilibang na humahantong sa di pagkain).
• Nawawalan ng oras sa iba pang gawain.
Pagsulat ng panunuring pampelikula
• Ayon kay Golz (n.d.), bago magsulat ng pagsusuri, mahalagang itanim sa isipan ng manunuri na iba
ang paggawa ng rebyu sa pagsusuri.

• Ang rebyu ay ginawa para sa mga taong hindi pa napapanood ang pelikula sa layong bigyan sila ng
ideya tungkol sa pelikula.

• Sa kabilang banda, ang pagsusuri ay para sa mga nakapanood ng pelikula sa layong magpasimula ng
isang kritikal na dayalogong tatalakay sa mga kahulugang maaaring nabuo mula sa pelikula at iba pang
isyu na maaaring magbunga mula rito.

• Sa pagsusuri, nakapaloob dito ang pagbuo ng argumento at pagsuporta nito ng mga detalyeng mula sa
pelikula. Sa pagsulat ng kritisismo, hindi na kailangan pang gumawa ng buod dahil nga napanood na
ng mambabasa ang pelikula. Maingat na piliin ang mga salita at iwasan ang mga salitang may kalabuan
sa pagpapakahulugan.
• Isulat ang mga pangyayari sa pangkasalukuyang banghay dahil ang
naganap sa pelikula ay kasalukuyang nagaganap sa tuwing pinag-
uusapan ito. Simulan ang pagsusuri sa isang tesis na malinaw na
nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng pagsusuri.
• Ito rin ang magtatakda ng tono ng pagsusuri.
• Hindi kinakailangang suriin ang pelikula ayon sa pagkakaganap. Ang
mahalaga ay mabigyan ng sapat na paliwanag ang iniharap.
• Isaayos ang mga ideya sa isang lohikal na paraan. lwasan na maging
isang sanaysay na naglalarawan ang pagsusuri.

You might also like