Filipino G10 Week 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MITOLOHIYA NG NORTH AMERICA

PANITIKAN: ANG LALAKING BUFFALO


(batay sa salaysay ni ROBERT HARRY LOWIE)

WIKA : Pokus ng Pandiwa:

Pokus sa Tagaganap at Pokus sa Layon


LAYUNIN:

1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang


usapan ng mga tauhan
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang mitolohiya
3. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan
4. Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa
mitolohiya
5. Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa;
pokus sa tagaganap
pokus sa layon
sa pagsulat ng paghahambing
PAGTUKLAS: Unang Araw

Ano ang iyong gagawin kung nalaman mong ikaw ay ampon lamang?
Paano mo pakikitunguhan ang iyong kinagisnang magulang?
Ang iyong mga kasagutan sa mga tanong na ito ang magpapalitaw sa
iyong totoong taglay na katangian sa pamamagitan ng susunod na gawain.

GAWAIN 1 : KUNG AKO’Y AMPON LAMANG


DESKRIPSYON: Bigyang kasagutan ang dalawang tanong sa itaas.
Maging tapat sa iyong mga sagot. Magbigay ng lima hanggang walong
pangungusap.
Isulat ang sagot o paliwanag sa isang buong papel.
Sa pamamgitan ng paliwanag makikita ko ang katangian na meron kayo,
kung paano ito magiging mahalaga sa bawat isa.
ANG LALAKING BUFFALO
( MITOLOHIYA)
Base sa salaysay ni Robert Harry Lowie

Sa isang malayong lugar ay may mahirap na matandang mag-asawa. Hindi sila


makakuha ng sapat na pagkain at wala rin silang anak kaya’t wala silang makatulong sa
paghahanap ng kanilang makakain. Dahil sa kagutuman, lumabas ang matandang lalaki
upang magbaka-sakali.Sa daan ay nakakita siya ng bakas ng kawan ng buffalo. Sinundan
niya ang bakas hanggang sa lugar kung saan huminto ang kawan. Tanging namuong dugo
lamang ang kanyang natagpuan, hinubad niya ang kanyang kamiseta at binalot ang
namuong dugo.
Nang gabing iyon, nagpakulo ng tubig ang matandang babae at inihulog ang
namuong dugo sa kaldero. Subali’t bago pa kumulo ang tubig ay nakarinig silang mag-
asawa ng iyak ng isang sanggol at pinatuyo sa kanyang bisig at inari nila ito bilang tunay
na anak. Napansin ng mag-asawa ang mabilis na paglaki ng bata sa loob lamang ng ilang
araw. Nagulat ang matandang lalaki sa kanyang natuklasan, napakahusay ng bata sa
pagpana. Sinabi niya sa matandang babae na bihasang mangaso ang kanilang anak at nais
niyang utusan ito upang
kumuha ng kanilang makakain.
Kinabukasan, inutusan ng matandang lalaki ang batang mangaso. Mabilis at nananabik
pang tumalima ito sa utos ng ama. Hindi naglaon ay bumalik siyang may dala dalang
hayop na mas malaki sa daga. Niluto nila ito at kinain. Kinabukasan, muling nangaso ang
bata at nakapag- uwi ng kuneho na siya nilang hapunan. Ganoon uli ang ginawa ng bata
nang sumunod na mga araw at nakahuli naman siya ng hayop gaya ng usa, elk at marami
pang iba na ginawa nilang pagkain.
Lumipas ang mga araw at naging ganap na binata ang ampon ng mag-asawa. Nais
niyang bumisita sa isang lugar kung saan maraming tao ngunit bago siya umalis ay tiniyak
niyang may sapat na pagkain ang kinalakhang mga magulang hanggang sa mga huling
sandali ng buhay ng mga ito. Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay, napadpad siya sa
isang tribu. Nakaharap niya ang pinuno at matapat niyang sinabing hinahanap niya ang
kanyang mga kalahi ngunit hindi niya alam kung saan siya nagmula. Sa habag ng pinuno
ay kinupkop siya at hinayaang mamalagi sa kanyang tribu. Hindi naglaon ay umibig ang
binat sa anak na dalaga ng pinuno. Dahil sa angking kagalingan sa pangangaso,
pinahintulutan siya ng pinunong makasal sa dalaga.
Isang gabi, sinabi ng lalaki sa buong tribu na may malaking bagyong parating. Ibinilin
niyang itali ng mahigpit ang kanilang mga tepee. Kinaumagahan, nakita nilang may mga
patay na buffalo sa harapan ng bawat tepee. Noon napagtanto ng lalaki na siya ay bahagi
ng tribu ng buffalo ngunit labis niyang mahal ang kanyang asawa kaya’t ibinilin niya na
upang manatili siya sa piling nito, hindi dapat bigkasin ang mga katagang bisirong buffalo.

Pagkalipas ng ilang lingo, habang naghahanda ang mga tao sa panghuhuli ng buffalo, sa
labis na kasabikan sa gawain, nakalimutan ng babae ang tagubilin ng kanyang asawa.
Malakas itong sumigaw ng “ patayin ang bisirong buffalo” kagya’t ay tumalilis ang lalaki
papalayo sa tribu, nagpapalit anyong buffalo habang tumatakbo.

Tinawag siya ng asawa upang bumalik ngunit hindi na siya lumingon .


Namuhay siya sa mga nalalabi niyang araw kapiling ang kanyang kauri - ang mga buffalo.
GAWAIN BLG. 2 ( IKALAWANG ARAW)
Mga Pamprosesong tanong: Sagutan at isulat sa isang buong papel

1. Bakit mo masasabing mahirap ang kinagisnang buhay ng mag-asawa?


2. Nagtagal ba ang kahirapan ng buhay ng mag-asawa? Pangatuwiranan
3. Paano sinuklian ng anak ang pag-aarugang ipinadama ng kaniyang
kinagisnang magulang?
4. Naging ganap na binata ang tinaguriang anak ng mag-asawa, ano ang
naisipan niyang gawin, at paano siya napabilang sa tribong kaniyang
napuntahan?
5. Paano natuklasan ng binata na ngayo’y may asawa na ang kaniyang tunay
na pagkatao o tunay pagkakakilanlan?
6. Bakit ang mitolohiya ay pinamagatang “ Ang Lalaking Buffalo”
7. Anu- anong kaugalian sa North America ang masasalamin sa
mitolohiyang binasa?
GAWAIN BLG. 3 - PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN

DESKRIPSYON: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita upang


maunawaan nang husto ang mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo”
mula sa North America

SALITA KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT

1. BAKAS
2. NAGITLA
3. TUMALIMA
4. NAPAGTANTO
5. HABAG
6. KAGYAT
7. TUMALILIS
Sa tulong ng sinundang gawain, napalitaw ang katotohanang Malaki ang
epekto ng mitolohiya sa realidad ng ating buhay yamang masasalamin sa
mga ito ang tiyak na kultura ng isang lugar sa takdang panahon. Dahilan na
dapat pag-aralan ang mitolohiya bagama’t naglalaman ang mga ito ng
pantasya.

Mga mag-aaral binabati ko sapagkat naging maliwanag na sa inyo ang kabuuan ng


mitolohiyang ‘ANG LALAKING BUFFALO” mula sa bansang kanluran .

Kasabay nito, nabigyang diin ang katotohanang nakatutulong ang panitikan


mula sa bansang kanluran upang mapaigting ang ugnayang pandaigdig ng
ating bansa , maliban pa sa mga praktikal na ginintuang na natutunan mula
rito.
GAWAIN BLG. 4 - MAY PANANAGUTAN AKO !
IKAAPAT NA ARAW:
DESKRIPSYON: Kung ikaw ang asawa ng lalaking buffalo, anong pasya
ang iyong isasagawa kapag natuklasan mo ang tunay na kaanyuan ng iyong
pinakasalang asawa? May pananagutan ka ba bilang asawangh babae sa sinapit
ng iyong asawa? Isulat ang sagot mula lima hanggang walong pangungusap.

Mga Tanong: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa isang buong papel..

1. Kung ikaw ang asawa ng lalaking buffalo, anong pasya ang iyong
isasagawa kapag natuklasan mo ang tunay na kaanyuan ng iyong pinakasalang
asawa?
2. May pananagutan ka ba bilang asawang babae sa sinapit ng iyong asawa?
3. Ano – ano pagpapahalagang kultural ang masasalamin sa binasang
mitolohiya ?
At bakit mahalagang malaman ang mga ito bilang mga Pilipino ?
Katapusang Aral
para sa
Ikalawang Linggo

Salamat at mag ingat

You might also like