Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

PAGSUSUMIKAP NG MGA PILIPINO

TUNGO SA PAGTATATAG NG
NAGSASARILING PAMAHALAAN
Inihanda ni: Gng. Prescila a. Ambata
BALIKAN NATIN!
1. Ano-ano ang mga pagbabago sa ating sistema ng edukasyon noong
panahon ng koloniyalismong Amerikano?

2. Ano ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng


mga Amerikano?

3. Ano ang epekto ng pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon sa


pamumuhay ng mga Pilipino?

2
PAGPAPATULOY NG KLASE

Mga Pagbabagong
Pangkabuhayan sa Pilipinas sa
ilalim ng pananakop ng mga
Amerikano

3
MALAYANG KALAKALAN
Kilala rin sa tawag na “Free Trade”
Malayang Kalakalan:
Walang binabayarang buwis at
walang nakatakdang dami ang mga
produktong iniluluwas (export) at
inaangkat (import) sa pagitan ng
dalawang magkasundong bansa

5
Malayang Kalakalan

Batas Payne-Aldrich
✣ Unang pinagtibay na batas ng mga Amerikano
✣ Itinakda nito na ang lahat ng produkto, maliban sa bigas
na nanggaling sa Pilipinas, ay makakapasok sa pamilihan
ng United States nang walang buwis ngunit may
itinakdang quota o limitado lamang.

6
Malayang Kalakalan
✣ Ang malayang kalakalan na itinakda ng United States ay
hindi nagdulot ng pakinabang sa mga Pilipino.
✣ Naging palaasa ang ekonomiya ng Pilipinas sa United
States.
✣ Hindi nabigyang pansin ang pakikipagkalakalan ng ibang
bansa tulad ng China, England, at iba pang bansa.

7
PAGPAPAUNLAD NG
EKONOMIYA
Nilikha ng Asamblea ang Pambansang Sanggunian sa Kabuhayan (National
Economic Council upang mapag-aralan ang ekonomiya sa Pilipinas

8
Pagpapaunlad ng ekonomiya

✣Kabuhayan at pananalapi
✣Pagpapahusay at pagpapaunlad ng mga
industriya
✣Pagpaparami at pag-iiba ng mga
pananim at ani

9
SAGUTAN NATIN!

1. Sa tingin ba ninyo, naging patas ba para sa ating


bansa ang pagkakaroon ng malayang kalakalan?
Bakit?

2. Bakit hindi naging Mabuti ang naidulot ng malayang


kalakalan sa ating bansa?

10
Pagmamay-ari ng Lupa

Noong panahon ng pananakop ng


Espanyol, iilan lamang sa mga
Pilipino ang may sinasakang lupa.

11
Pagmamay-ari ng Lupa

Noong panahon ng Amerikano, ipinatupad ang


Homestead Law upang malinang ang lupain sa
bansa. Ang batas na ito ay nagtadhana ng
pagbibigay ng hindi hihigit sa 25 ektaryang lupa sa
mga Pilipino na gustong magsaka sa pasubaling ang
lupang ito ay kanilang lilinisin at tatamnan.

12
Pagmamay-ari ng Lupa

Ang malalawak na lupang pag-aari ng mga prayle


noong panahon ng Espanyol ay binili ng
pamahalaan at muling ipinagbili sa mga
magsasakang Pilipino. Ipinarehistro ang mga
lupang pag-aari upang mabigyan ang mga Pilipino
ng Torrens Title o sertipiko ng pagmamay-ari.

13
Pagmamay-ari ng Lupa

Ayon sa batas na binuo ng Kongreo ng America,


pinagkalooban ang mga Amerikano ng karapatan
upang magkaroon ng ari-arian at negosyong
pampubliko. Kasama rin ang karapatang magtayo at
magpanatili ng mga base militar sa ating bansa.

14
ANG PANANIM AT SAKAHAN

Itinatag ang Kawanihan ng Agrikultura upang matulungan


ang mga magsasaka at maitaguyod ang pananim at sakahan
(agrikultura) ng bansa. Itinayo nila ang mga pang-
eksperimento at modelong bukirin. Nakatulong din sa pag-
unlad ng agrikultura ang malayang pakikipagkalakalan sa
United States at ang pagtatag ng mga samahang pang-
agrikultura na nagpautang ng salapi uang maging puhunan
ng mga magsasaka.

15
ANG PANANIM AT SAKAHAN

Natutuhan ng mga Pilipino sa mga Amerikano ang:


1. Makabagong paraan ng pagsasaka at patubig
2. Tamang paraan ng pagsugpo ng mga peste sa
pananim
3. Paggamit ng mga makabagong traktora at iba pang
kagamitan sa pagsasaka

16
SAGUTAN NATIN!

1. Paano nagkaroon ng sariling lupa ang mga


magsasaka?

2. Ganito pa rin ba ang nangyayari hanggang ngayon?

17
Pagbuo ng mga lungsod

Si Daniel H. Burnham, isang arkitektong Amerikano,


ang nagplano ng ilang gusali at pamayanan. Ang Lungsod
ng Baguio ay siya rin ang nagplano. Hinati sa sona ang
mga lugar sa Pilipinas. May ilang lugar na sadyang
plinano upang maging lungsod o sentrong
pampamahalaan, pangkalakalan, pang-industriya, at
bahayan o residensiyal.

18
Panahanan at Gusali

Kung susuriin ang mga gusaling itinayo ng mga


Amerikano, makikita ang disenyo na kung tawagin ay
neoclassical. Ang ilan sa mga halimbawa ng disenyong
ito ay ang mga gusali na ipinatayo tulad ng gusali ng
Post Office, Philippine General Hospital, at National
Museum (dating Senado).

19
Panahanan at Gusali

Ang mga gusaling itinayo ng mga Amerikano ay


may matataas na haligi at malalaking hagdan. Bakal at
semento ang pundasyon upang tumibay. Ang mga
gusali ay matataas at matitibay. Ang mga dingding na
semento ay may bakal din upang hindi na kailangang
maging makapal para maging matibay.

20
MGA PAGBABAGO SA PANANAMIT, PAGKAIN, AT IBA PA
Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino.
Bestida ang naging kasuotan ng mga babae. Ang mga
sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag.
Amerikana, poloshirt, at kurbata naman ang naging
kasuotan ng mga lalaki.
Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John,
Charles, Mary, at Ann at galing din sa mga Amerikano.
Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin tulad ng steak,
hotdog, corned beef, at soft drinks.

21
SAGUTAN NATIN!

1. Sa iyong palagay, gaano kalawak ang pagbabagong


naidulot ng pananakop ng United States sa
pamumuhay sa ating bansa? Ilarawan.

22
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng
Nagsasariling Pamahalaan

Bagong Aralin
SUBUKAN NATIN!

1. Ano-ano ang mga kailangan upang makapagsarili


ang isangh bansa?

2. Bakit ninais ng mga Pilipino na magkaroon ng


sariling pamahalaan?

24
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Mga Misyong Pangkalayaan


✣ Nagpasa ng resolusyon ang Asamblea ng Pilipinas noong
Nobyembre 7, 1918 para sa pagtatag ng isang Komisyong
Pangkalayaan na magpupunyagi para sa pagkamit ng
ganap na kasarinlan. Ang pagpapadala ng misyong
pangkalayaan sa Estados Unidos ay inirekomenda ng
komsiyon.

25
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Mga Misyong Pangkalayaan


✣ Ang unang misyong pangkalayaan na binuo ng 40 na
kasapi at pinamunuan ni Manuel L. Quezon na umalis
patungong Estados Unidos noong Pebrero 23, 1919.
Inilahad ng misyon ang kagustuhan ng mga Pilipinong
makamit ang Kalayaan at ang paniniwalang ibibigay ito
ng Estados Unidos.

26
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Mga Misyong Pangkalayaan


✣ Si Pangulong Woodrow Wilson ay sang-ayon sa inihain
ng misyong ito ngunit tinutulan naman ito ng Kongresong
Amerikano. Dahil kasapi ng Demokratikong Partido si
Pangulong Wilson, hindi pinansin ang rekomendasyong
ito ng Kongreso na kontrolado ng Partidong Republikano.

27
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Mga Misyong Pangkalayaan


✣ Pagkatapos ng unang misyon, nagpadala pa ng 12 misyon
mula 1919 hanggang 1933.

28
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Misyong OS-ROX
✣ Ito ay isang kampaniya na pinangunahan nina Sergipo
Osmenia at Manuel Roxas na tumungo pa sa Estados
Unidos upang makamit ang pagkilala sa Kalayaan ng
Pilipinas at pamumuno sa sariling bansa.

29
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Misyong OS-ROX
✣ Ang batas Hare-Hawes Cutting ay pinagtalunan sa
Kongreso nang dumating ang misyon sa Estados Unidos.
Sinuportahan ng misyon ang batas bagama’t may mga
probisyong hindi mabuti para sa Pilipinas. Naging bunga
ng misyong ito ang pagpapatibay ng nasabing batas noong
1932. Ayon dito, ipagkakaloob sa Pilipinas ang kalayaan
matapos ang 10 taong paghahanda.

30
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Batas Tydings-McDuffle
✣ Ito ay akda nina Sen. Millard Tydings at Kong. John
McDuffle para sa pagsasarili ng Pilipinas. Ito’y nilagdaan
noong Marso 24, 1934 ni Pangulong Roosevelt. Noong
Mayo 1, 1934 tinanggap ito ng Lehislatura ng Pilipinas.

31
Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

Kumbensyong Konstitusyonal
✣ Noong Hulyo 4, 1934, nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado
para sa paghahanda ng Saligang-Batas. Ang nahalal na pangulo
ng kumbensyon ay si Claro M. Recto. Nagkaroon ng asamblea
o kumbensyon para sa pagbabalangkas ng Saligang Batas 1935.
Pinagtalunan at pinag-usapan ng ilang buwan ang mga tadhana
ng Saligang-Batas ngunit napagtibay pa rin ito noong Pebrero
8, 1935.

32
THANK YOU!
See you next time!

You might also like