Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

UNANG MARKAHAN

MODYUL 3:
PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
SA TALINGHAGA NG TULA
Setyembre 19-22
Tiyak na Layunin

Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga,


eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa
tula ayon sa:-kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan
Alam Mo Kaya?
Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng
tula mula sa Sa Aking Mga Kabata.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
Mga Gabay na Tanong
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.

1. Ano ang kaisipang nakapaloob sa bahagi ng tulang

binasa?
2. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salita o pahayag
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Para sa bilang 1-3, piliin ang titik ng kasingkahulugan ng mga
sumusunod na salitang nakaitim
A. kapighatian B. makita C. kaawa-awa D. alala

1. Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
2. Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
3. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Para naman sa bilang 4-5, piliin ang titik ng kasalungat na
kahulugan ng mga sumusunod na salitang nakaitim
A. nabawasan B. nadagdagan C. mapagmahal D. taksil

4. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,

5. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


 kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat.
Ibigay Mo Nga!
Panuto: Magbigay ng mga salita na maiuugnay
mo sa mga larawang ipapakita.
Mga Gabay na Tanong

1.Mula sa mga salitang ibinigay, bumuo ng isang pahayag


hinggil sa mga larawang ipinakita.
2.Paano kaya ipinakita ni Andres Bonifacio ang
pagmamahal sa sariling bayan?
Pagbasa ng Akda

Panuto :
Basahin at
unawain ang
akdang Pag-ibig
sa Tinubuang
Lupa ni Andres
Bonifacio.
Mga Gabay na Tanong

1. Hanapin sa loob ng tula ang saknong na


nagpapakita ng mga sumusunod na paksa
at ipaliwanag ang bawat isa.
a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
b. Pag-asam ng Pag-asa
c. Pag-aalay para sa Bayan
Mga Gabay na Tanong

2. Ano ang mensaheng nais iparating ng


tulang binasa? Ipaliwanag.
Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay sa Aralin
PANGKATANG GAWAIN
Pangkat Isa: TALA-ISIPAN!
• Balikan ang tulang Pag-ibig sa tinubuang lupa at punuan ang
 
tsart batay
 
sa hinihinging mga pahayag :
Paliwanag at halimbawa batay sa Kasalukuyang panahon/
Bilang ng
saknong
sitwasyon
   
 
Nagpaantig sa iyong
damdamin
   
 
Pagiging makabayan

   
 
Pagtulong sa kapwa/
Pangkat Dalawa: GUHIT NG KAPALARAN
• Mula sa larawang ipapakita ay bumuo ng isa o dalawang saknong na na may
matalinghagang pahayag. Ibigay mo rin ang kasingkahulugan nito at kasalungat na
kahulugan.

Kahulugan S ariling lik h a n g S ak n o n g K a sa lu n g a t n a k ah u lu g a n


Pangkat Tatlo: TULA NG PAG-IBIG
Lumikha ng isang tula na may Paksang Pag –
Ibig sa Bayan gamit ang talinghaga,
eupimistiko o matalinghagang pahayag.
Pangkat Apat: ISKOR MO, SHOW MO!
Nilalaman ng Ulat 5 4 3

Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan ang Nailahad ang hinihinging May ilang impor-masyon ang hindi
Impormasyon
impormasyon hinihinging angkop
Impormasyon

Pagkakaisa 5 4 3

Pakikilahok ng lahat ng Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok ang
Kasapi lahat ng kasapi ang nakararami ilan

Pagsasalita at 5 4 3
Pagbigkas

Maayos na pagpapabatid Lubhang malinaw ang pagbigkas at Naging malinaw ang paghatid Di - gaanong malinaw ang
ng paghatid ng ng mensahe mensahe
mensahe Mensahe
Pagbibigay ng Input

Ang mga matatalinghagang pahayag ay mga


pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang
inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na
nagpapataaas ng pandama ng mga mambabasa.
Matatalinghagang Pahayag

Magdilang-anghel
Ang Diyos ay nagsugo ng anghel upang maghatid ng
mensahe sa kanyang mga propeta o alagad. Ang anghel
ay nagsasabi ng pawang katotohanan at sadyang ang
sinabi ay nagaganap o mangyayari. Kaya’t kapag sinabi sa
isang tao ang siya’y magdilang-anghel, magkatotoo ang
kanyang winika.
Matatalinghagang Pahayag

di-mag-aso ang kalan


Kung magluluto sa kalan, na noon ay ginagamitan ng
kahoy, ang kalan ay nag-aaso o umuusok. Kung mahirap
ang buhay ng isang tao, walang mailulutong pagkain ang
pahayag ay di-mag-aso ang kalan.
Matatalinghagang Pahayag
buwaya sa katihan
Ang buwaya ay isang malaki at mapanganib na hayop na
maaring kumain ng tao o hayop. Kapag ito’y ginamit
upang ilarawan ang isang tao, nangangahulugang siya’y
ganid, sakim, matakaw sa salapi at kahit na ang kapwa-
tao’y nagigipit ay malaki pa rin ang hinihinging patubo sa
pautang. Dahil sa wala ang taong ito sa tubig, angkop ang
siya’y tawaging buwaya sa katihan.
Eupemistikong Pagpapahayag

1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:


a. paksa ng usapan
b. taong sangkot sa usapan
c. lugar
Eupemistikong Pagpapahayag
2.Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na
nagpapahiwatig lamang.
Eupemistikong Pagpapahayag
3.Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang
nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang
nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa:
•Sumakabilang buhay na siya.
•Kapiling na siya ng Panginoon.
Sintesis
Panuto : Gamitin ang pahayag na “Butil ng Kaalaman”
sa isang pangungusap hinggil sa mga natutuhan mo
ngayong araw.
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_________________
Takdang-aralin
• Bumuo ng isang saknong na ginagamitan ng masining
na pahayag hinggil sa pag-ibig sa bayan.
Awtput Blg. 3
Panuto: Bumuo ng isang tulang may paksang “Pilipinas Kong Mahal” na
binubuo ng limang saknong na may tig-apat na taludtod. Isaalang-alang ang
paggamit ng talinghaga, eupemistiko o masining salita sa pagbuo ng tula.
Napakagaling (10) Magaling (8) Katamtaman (6) Nangangailangan ng
Pagsasanay
(4)
Napakamakahulugan ang Makahulugan ang kabuuan Bahagyang may lalim ang Mababaw at literal ang
kabuuan ng tula ng tula. kabuuan ng tula. kabuuan ng Tula.
Gumamit ng mga Gumagamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
matalinghaga at masining matalinghaga at masining matalinghaga at masining pagtatangkang ginawa
na mga pahayag na na mga pahayag na na pahayag na nakalito sa upang makagamit ng
nakapagpaisip sa mga bahagyang nagpaisip sa mga mambabasa. Ang mga masining o matalinghagang
mambabasa. Piling-pili ang mga mambabasa. May salita ay di-gaanong pili. pahayag.
mga salita at pariralang ilang piling salita at
ginamit. pariralang ginamit.

You might also like