Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ARALIN 22:

ANG PANGAHOY NI
DONYA LEONORA
Paglinang ng talasalitaan:
Ipaliwanag nang maikli ngunit malinaw ang sumusunod na
matatalinghagang pahayag:

“Pagkat kung ‘di ka


__________________
binuhay ng Lobo kong
__________________
pinawalan, kaluluwa mo
__________________
man lamang sana sa
aki’y dumalaw.”

“Pagkat di ko matanggap _________________


makasal sa hindi liyag, _________________
buhay ko man ay mautas _________________
pagsinta ko’y iyong
hawak.”
779 Samantalang di Don Jua’y
patungo sa de los Cristal,
si Leonorang matimtiman
araw-gabi’y nalulumbay

780 Araw gabi’y tumatangis


sa kinalalagayang silid,
walang laging nasasambit
kundi si Don Juang ibig
781 “O, kasi ko’t aking buhay
lunas nitong dusa’t lumbay,
ano’t ‘di ka dumaratal
ikaw kaya’y napasaan?

782 “Hindi ka na nabalisa,


Gayong ako’y nasa dusa,
Walang gabi at umagang
‘di ikaw ang aking pita?
783 “Ano’t iyong natitiis
ako, sa ganitong sakit?
‘Di ba’t ikaw, aking ibig,
ang aliw ko kung may hapis?

784 “Di ba tunay, aking giliw


pangako mong walang maliw.
ako’y iyong mahalin,
ano ngayo’t di mo tupdin?
785 “Pitong taong pag-iisa
hiningi sa iyong ama,
upang kung dumating k
mabihis mo yaring dusa.

786 “Pagkat di ko matanggap


Makasal sa hindi liyag,
buhay ko man ay mautas
pagsinta ko’y iyong hawak.
787 “Kung narito ka, Don Jua’t
Makikita yaring lagay,
Ang dibdib mo kahit bakal
Madudurog din sa lumbay.

788 “Bakit nga ba hindi,irog


lalo pa kung matatalos,
ang hinagpis at himutok
kayakap ko sa pagtulog.
789 “Ayaw akong bigyang laya’t
munting ako’y mapayapa,
panabay nang mayro’ng iwa
sa dibdib ko,puso’t diwa.

790 “Iwang pagkaantak-antak


may mabagsik na kamandag,
kamandag na umuutas
sa buhay kong kulang-palad.
791 “Kaya lamang ‘di mapatay
yaring mahina kong buhay,
ay pananggol kong matibay
ang pagsinta mong dalisay.

792 “Pag –asa ko, aking giliw


buhay ka at darating din,
darating ka’t hahanguin
si Leonara sa hilahil.
793 “Pagkat kung di ka binuhay
ng Lobo kong pinawalan ,
kaluluwa mo man lamang
sana sa aki’y dumalaw”

794 Pananaghoy ni Leonora


pa’nong maririnig baga,
si Don Jua’y malayo na’t
‘di na siya alaala.
Palalimin

1. Bakit labis na nagdadalamhati si Donya Leonora?


2. Makatwiran bang sundin ni Don Juan ang payo ng Ibong
Adarna gayung ipinangako na niya ang kaniyang pag-ibig sa
ibang babae? Ipaliwanag ang sagot.
3. Kung sakaling matutong magmahal si Don Juan sa iba, sino
sa palagay mo ang dapat sisihin :si Don Pedro,ang Ibong Adarna, o
kaniyang sarili?Bakit?
4. Nagaganap ba sa kasalukuyan ang pag hihintay nng
walang katiyakan sa pag babalik ng isang minamahal ?Magbigay
ng halimbawa.
5. May pangako ka ba sa iyong mahal sa buhay na hindi mo
natupad?Isulat ang sanhi, bunga at solusyon na ginawa mo upag
mawala ang pag daramdam sa iyo ng taong pinangakuan mo.

You might also like