Aralin 23 Ang Paglalakbay Ni Don Juan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Aralin 23:

Ang paglalakbay ni Don


Juan
Isulat ang MK sa unang patlang kung ang magkatapat na salita
ay magkasingkahulugan at MS kung magkasalungat. Kung
magkasingkahulugan ang mga salita, isulat sa ikalawang
patlang ang kasalungat, kung magkasalungat naman, isulat
ang kasingkahulugan ng salita sa Hanay A.
A B

1. Kinalinga inaruga _____________________________


2. nakasusuklam nakatutuwa _____________________________
3. masasalok matatapon _____________________________
4. malinamnam malasa _____________________________
5. sinaid itinira _____________________________
795 Tatlong taong naglalakad
Sa parang at mga gubat,
masigasig ang paghahanap
Sa Reynong kanyang pangarap.

796 Ngunit laging naliligaw


nalalayo yaong daan,
tila bawat gawing hakbang
Palayo sa de los Cristal.
797 Diwa’y sa awa ng Diyos
sa Prinsipeng napalaot,
Sa libis ng isang bundok
May matandang sa- sisipot.

798 Nilapitan ang matanda,


Buong suyong napa-awa,
Siya na may kinaligna’t
Dininig sa ninanasa.
799 “Tanda, ako’y kaawaang,
Iligtas sa kagutuman,
Kung may dala kayo riyan,
Ako po’y iyong limusan.”

800 “ Ako ay may nasa supot,


Tinapay na durog-durog,
Ikaw na nga ang dumukot
Kumain ka’t ng mabusog.”
801 Ang tinapay ay maitim
Durog pa nga at bukbukin,
sa prinsipeng pagkatingin,
nakasusuklam na kanin.

802 Ngunit sa taong may gutom,


Matigas ma’t lumang tutong,
Kung nguyain at malulon,
Parang bagong pirurutong.
803 Ganito nga ang nangyari,
Takang-taka ang prinsipeng,
Yaong kanyang ang pandidiri,
Isinumpa at nagsisi.

804 Ang maitim na tinapay


Bukbukin at lumang tunay,
Anong sarap at linamnam,
Parang kaluluto lamang
805 Noon niya nakilala na
Sa luma’t pangit pala
Tao’y huwag pakaasang,
Walang tamis, walang ganda.

806 Nang makain ang tinapay,


Ang matanda ay nagsaysay:
“ Nang ikaw ay masiyahin,
ito ang pulot-pukyutan.”
807 “ At diyan sa isang bumbong,
May tubig kang maiinom,
ingatan lang na matapon
upang ako’y may mabaon.”

808 “ Ka’y haba pa at matagal,


Yaring aking paglalakbay,
Mahirap ang maubusan
Lalo’t walang masalukan.”
809 Sa bumbong ay tumungga
Si Don Juan ay masaya,
Nakaramdam ng ginhawang,
Laong nawala sa kanya.

810 Bumbong na kinalalagya’y


Isang biyas ng kawayan,
Sa laki ng kaniyang uhaw,
Kulang pa nga yaong laman.
811 Kaya’t siya ay nagturing:
“Nunong lubhang maawin,
ipatawad po sa aking,
Tubig ninyo ay ubusin.”

812 “ Sa laki ng aking uhaw,


Ubusin man po ay kulang,
Nanunuyong lalamunan,
Tila baga sinasakal.”
813“ Don Juan iyong inumin,
Kung siya mong nahihiling,
Di mo sukat na isipin,
Ang hinampo kong sa akin.”

814“ Ano yaon kung maubos,


Kung ikaw ay mabubusog,
Marahil naman sa bundok,
May tubig masasalok.”
815Iniinom na yaong tubig,
kristal waring anong linis!
Malinamnam at ang lamig,
Sa dibdib ay gumuguhit.

816Wala siyang itinira,


Kapatak may sinaid na,
Ngunit lakaing pagtataka
Puno parin ng makita.
817Di na kaya ng akala,
Na tarukin nag hiwaga,
Sa sarili ay nawikang
“Ito’y isang talinhaga!

818“Di sasala ang kuro kong


Ito’y marunong na tao,
kung hindi ma’y may engkanto,
Dapat hangaan sa mundo.”
819Pagtataka ni Don Juan
Ay batid ng kapanayam
ayaw niyang ipamalay,
pangit sa may karangalan.

820Higit parin ang Prinsipe,


Mag usisa’y di mangayari
Nangingimi ang sarili,
Na umanyong isang imbi
821Kaya nga nang magasalita
Inilihis sa akala,
ugali ng mga bata
na magtanong sa matanda.

822“ Nuno’y iyo pong talastas


Ang dalita kong kayakap,
Sa pautang ninyong habag
ako’y nagpapasalamat.
823“Di man nga po makaganti,
May araw pang nalalabi,
dalangin ko ay mangyari
Matulungan ka sa huli.”

824“ Huwang nawang ipalagay


Nakawalan kong paggalang,
May isa pang kahilingan,
Yaring abang kalagayan.”
825“ ano yaon, aking bunso,
Sabihin mo’t nang matanto,
Kung kaya nang aking kuro,
Maluwag kong ituturo”

826“ Ako po ay naklalakbay


Patungo sa delos Cristal
marami nang naraana’y
Di ko parin matagpuan.”
827“ Hesus na panginoon ko,
Sa paglalakad kong ito,
Sandaang taon nang husto,
Bayang yaon ay, ewan ko!

828“ Ngunit kita’y tuturuan,


Bundok na yao’y parunan,
Mula rito ay tandaan,
Nasa ikapitong hanay.”
829“ Doon ay may ermitanyo
Na sasalubong sa iyo,
Kapirasong barong ito
Sa kanya’y ipakita mo.

830“ kung ikaw ay tatanungin,


kung kanino ito galing,
Ang tangi mong sasabihin,
Sa matanda pong sugatin.
831“Kaya hayo na, Don Juan
Kay layo ng parurunan,
Didilimin ka sa daan
Tatahaki’y anong sukal.”

832Si Din Juan naglalakad,


Sa landasing madadawag,
Kay Leonora’y nag-uulap
Ang langit ng kaniyang palad.
833 Sa silid ay nag-iisa
Kaurali’y mga dusa,
Manining niyang mga mata
Sa luha’y nanlalabo na.

834Si Don Pedro kung umalaw,


Akala na’y si Don Juan,
Pag di ito ang namasdan,
Pinto niya’y ayaw buksan.
835Kaya malimit magalit
si Don Pedrong nananabik,
kung di lamang matitiis
hinamak na yaong silid.

836Dibdib niya’y nawawalat


tuwing kaniyang mamamalas
si Leonora’y umiiyak,
si Don Jua’y tinatawag .
837Lalo na kung nakikitang
sa kapatid at ‘di kanya
ang larawang sinasamba
ng may hapis na Prinsesa.

838Kung hindi nga kagaspanga’t


alangan sa kamahalan,
ang apoy ng kagalita’y
ibinunton sa larawan.
839At sa buong pangingitngit
ay madalas pang masambit:
“Pag nabigo yaring nais ,
hahamakin pati lintik.”

840Malimit na magkasaliw
ang dalawa sa pagdaing,
magkalaban ng damdamin ,
sa pagluha ay gayundin.
841Ang himutok ni Don Pedro
“Leonorang pinopoon ko,
‘di na kaya magbabago
katigasan ng puso mo?”

842Hibik naman ng Prinsesa


“don Juan kong tanging sinta,
malagot man ang hininga,
iyung iyo si Leonora.”
843“Prinsesa kong minamahal
pawiin ang kalumbayan,
hindi kita babayaa’t
pag-ibig ko’y walang hanggan.”

844“ Hindi mo ba nababatid


Don Juan kong iniibig,
itong lilo mong kapatid
sa ayaw ay namimilit?”
845“ ako’y hindi isang lilo,
dakila ang pagsinta ko,
lilo pa ba akong itong
matapat na alipin mo ?”

846“O, Don Juan, bakit baga


Hanggang ngayon ay wala ka
Di mo kaya natatayang
Dito’y hinihintay kita?”
847“Ano pa ang kailangan
ako’y naririto naman ?
ang ligayang hinihintay
nasa aking pagmamahal .”

848“Tatlong taon nang mahigit


yaring aking pagtitiis
maatim kaya ng dibdib
na masakal sa ‘di ibig?”
849“Tatlong taon na rin namang
kayapos ko’y agam-agam,
araw-gabi’y inaasam
ang masaya nitang araw.”

850“Kung nasawi ka sa balon,


bakit kaya nagkagayon?
Lobo’y saan naparoon
at wala rin hanggang ngayon?”
851“Di nakita mo na,giliw ,
pati Lobo ay nagmaliw ,
ang nangyari ‘y saksi na rin
na talagang ikaw ay akin.”

852“Ito’y huli’t katapusan


ng pagatawag ko,Don Juan,
kung kulanging kapalaran
ako’y ‘di mo na daratnan.”
853“Huli nating alaala
kay Don Juan namatay na,
abang tayo’y hiwalay pa
ipagluksa natin siya .”

854“Paalam na ,O,Don Juan


si Leonora ay paalam,
kung talagang ikaw ay patay
magkita sa ibang buhay.”
855“Ako’y paalam na muna
minamahal kong Leonora,
hihintin ko ang araw ‘tang
bibihis sa ating dusa.”

856Ang Prinsesa’y nanahimik


sa malungkot niyang silid,
Si Don Pedro ay umalis
Na may sugat din sa dibdib.
Palalimin:

1. Muling basahin ang mga saknong 801- 805 at ipaliwanag ang mga kahulugan
ng binasa sa payak na pananalita.

2. Magsalaysay ng mga sitwasyong hango sa akda at sariling karanasan ukol sa


mga sumusunod na kasabihan :
A. Walang tutong sa taong gutom
Sitwasyon sa akda:___________________________
Sariling karanasan: _________________________________________

B. Huwag husgahan ang aklat sa kaniyang pabalat


Sitwasyon sa akda:__________________________________________
Sariling karanasan:__________________________________________

3. Bakit masasabing may ginintuang puso ang matanda? Sa iyong palagay,


mayroon pa bang katulad niya sa kasalukuyan? Patunayan.

4. Kung ikaw ang makasasalubong ni Don Juan at hihingan ng tulong, anong


tulong ang ibibigay mo sa kaniya bukod sa pagkain?
5. Ano ang natutunan sa aralin?
INIHANDA NI:

ALYSSA LABRADOR
STE 7 GALILEO

You might also like