Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PAGSULAT

Inihanda nila:
Azana, Claudette
Bagayan, Jazcila
Balgimino, Brenalyn
Balakit, Leah
Buluran, Rose Anne
Camunias, Colline
Ano nga ba ang Pagsulat?

Ang pagsulat ay isang paraan ng


pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin
ng isang tao sa pamamagitan ng mga
sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
At sapagkat ang mga tao ay natututo
munang makinig, magsalita at bumasa,
maituturing na ang pagsulat ang
pangwakas na kasanayang pangwika.
Ano nga ba ang Pagsulat?
Ito ay kapwa isang pisikal na
aktibiti na ginagawa para sa
iba’t-ibang layunin. Ito rin ay ay
mental na aktibidad sapagkat
ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya.
Kahalagahan ng pagsulat

1. Pinayayaman ang balarila, idyoma


at talasalitaan.
2. Nakatutulong ang pagsulat na
matuklasan ang ibig ipahayag.
Teorya sa
Pagsulat
Teoryang romantiko
1. Nakapokus ang teoryang ito sa ekspresibong
nilalaman o pagtatangka ng manunulat na gamitin ang
wika sa paglalantad ng katotohanan.
2. Tinatawag din itong “sariling pagtuklas” dahil
nakatutuklas ito ng mga ideya sa proseso ng pagsulat.
3. Itinuturing nitong magkaibang proseso ang
pagwawasto (editing) at muling pagsulat (revising).
Teoryang kognitib
Inilalahad nito ang detalyadong paglalarawan kung paano
nililikha ang isang dokumento o paghahanda ng isang pagsusuri.
a)Saklaw ng teoryang ito ang serye ng mga estratehiya sa pagbuo
ng desisyon, pagpaplano ng teksto, pagsasalin ng plano sa
pangungusap at pagrerebisa ng mga tekstong nalikha.
b)Ang prosesong ito ay nakatuon sa kaalaman ng sumusulat sa
paksa at hindi sa awdyens o mambabasa.
Teoryang sosyal
1.Nilalayon nitong maturuan ang mga
mag-aaral kung paano magsulat para
sa iba’t ibang awdyens o mambabasa.
2.Taglay ng teoryang ito ang pokus
kombersesyunal.
Ang Proseso
ng Pagsulat
A.Walang pinipiling lugar ang pagsulat. Ito’y nagaganap sa loob at labas
ng klasrum.
B.Dahil na rin marahil sa iba’t ibang lugar nagaganap ang maraming
karanasan para mapasimulan ang gawaing pagsulat; magmasid, mag-
isip, makiramdam magtanong, makipag-usap, humanga, pumuna at iba
pa. Ngunit ang pagsulat sa loob ng klasrum ay dumaraan sa maraming
proseso.
C.Sa ganitong gawain ay kakailanganin ng guro na maglaan ng tiyak na
oras sa paghahanda, pagpapakita ng modelo, pagbabalangkas,
pagbabalangkas ng burador o draft, pabibigay-puna at pagsulat muli.
Kung minsan kailangan pang ulit-ulitin ng guro ang pagsasabi ng mga
elemento at paraan ng pagsulat upang makapagsimulang magsulat ang
mga mag-aaral.
D. May ilan ding guro na waring nananakot o nagbabanta sa
kanyang mga mag-aaral upang makasulat. Bunga nito, iba’t
ibang reaksyon ang naibibigay ng mga mag-aaral lalo’t
nadarama nilang ang pagsulat ay isang “pamimilit” na gawain.
E. Nalilimutan ng gurong hindi lahat ng kanyang mga mag-
aaral ay nakasusulat ng naaayon sa kanyang pamantayan. Dahil
dito, dapat na maging mapili ang guro sa uri ng sulatin na
ipasusulat sa mga mag-aaral, partikular sa paksang nais ipasulat
sa mga mag-aaral.
F. Mahalagang maituro ang pagsulat dahil marami itong
kapaki-pakinabang na pedagodyikal. Maraming kasanyang
kognitibo ang nalilinang sa pagsulat at ginagamit ito ng mag-
aaral sa maraming pagkakataon bilang estilo ng pagkatuto.
G. Si Myers (1983) ang nagsabing higit na natututo ang isang
mag-aaral na binibigyan ng maraming oportunidad upang
sumulat ukol sa kanilang pinag-aaralan. Kailangang gugulan ng
panahon ang pagsulat . Ito marahil ang dahilan kung bakit
nananatili ang pagsusulat bilang tagapaghatid ng mensahe sa
sinuman at saan mang lugar.
Ang proseso ng pagsulat ayon kay Stephen McDonald at William
Salomone, ay may tatlong pangunahing bahagi ang proseso ng pagsulat.
1. Bago Magsulat (Pre-writing)

Paghahanda ito bago magsulat. Sa mga gawain sa antas na ito


inihahanda ang manunulat sa pangangalap ng ideya o impormasyon
tungkol sa nais isulat.
 
PREWRITING
 Pagpaplano
 Pangangalap ng impormasyon
 Pag-iisip ng ideya
 Pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat
 Pag-oorganisa ng mga materyales
 Pagbabalangkas
2. Habang Nagsusulat (Actual writing)
Pagsulat ng Burador - Ito ang aktwal na pagsulat ng malaya at tuloy-
tuloy na hindi isinasaalang-alang ang gramatika, estruktura, at
tamang pormat ng pagsulat.
 Unang Burador
- Pagsulat ng paunang dokumento(preliminary) sa pamamagitan ng
ginawa mong balangkas.
Paalala: Mahalaga na hindi mawala ang momentum sa pagsulat
dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito.
- Huwag mo munang alalahanin ang pagpili ng mga salita,
estruktura ng pangungusap, pagbaybay at pagbabantas.
- Pagtuunan ito ng pansin pagkatapos maisulat ang unang burador
3. Muling Pagsulat(Rewriting)
a) Revisyon - tinututukan ang mga bagay na dapat ayusin. Sinusuri
dito ang kabuuan ng sulatin upang alamin ang mga bagay na dapat
alisin o baguhin. Ito ay isang proseso ng pagbasang muli sa
burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento. Narito ang mga gawain sa revisyon:

 Sinusuri ang estruktura ng mga pangungusap at lohika ng


presentasyon
 Paulit-ulit na pagbasa ng unang burador
 Pag-eevalweyt ng isinulat upang mapabuti pa ang ideya
 Nagbabawas/nagdaragdag ng ideya
 Pagpapalit ng pahayag para sa pagpapabuti ng dokumento.
(b)Pagwawasto/Pag-eedit
 Pagwawasto ng baybay, estrukturang pambalarila,
at mga mekanismo ng pagsulat tulad ng
pagbabantas at gamit ng malalaking titik.
 Pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa
pagpili ng mga salita, baybay, balarila at
pagbabantas.
 Pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago
maisakatuparan ang final na dokumento.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay personal na gawain
sapagkat ginagamit para sa layuning
ekspresib o sa pagpapahayag ng
iniisip o nadarama. Sosyal na gawain
naman sapagkat ginagamit para sa
layuning panlipunan o kung ito ay
nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan
sa iba pang tao sa lipunan. Ito ay may
tatlong layunin:
1.IMPORMATIB NA PAGSULAT
Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay
naghahangad na makapagbigay impormasyon at
mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong
paksang tinatalakay sa teksto.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng
obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga
libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes
report
2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay
naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran,opinyon o
paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang
awtor.

Halimbawa: editoryal, sanaysay, talumpati,


pagsulat ng proposal at konseptong papel
3. MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga
akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,
nobela, tula, dula at iba pang malikhain o
masining na akda. Kadalasan ang pangunahing
layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang
ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin
o kumbinasyon ng mga ito.
Maraming Salamat
po sa Pakikinig!
Pagsusulit sa pagbasa

1. Ano ang dalawang paraan ng pagbasa?


2-5.Ibigay ang apat na hakbang sa pagtuturo ng pagbabasa sa.

5. Ano ang salik ng kahandaan sa pagbasa ang tumutukoy sa


kakayahang makita ang pagkakatulad at pag kakaiba ng simbolo?

6. Saang salik ng kahandaan sa pagbasa makikita ang kahalagahan ng


pag ka karoon ng malusog na pangangatawan?
Pagsusulit sa pagbasa

8. Anong salik ng kahandaan sa pagbasa ang tumutukoy sa mga suilranin na


maaring ito ay pagkatakot at pag kahiya?

9. Ito ay salik na tumutukoy sa kakayahang magsalita ng maayos halimbawa ang


pagkukwento at pag buo ng panuto?

10. Ano ang tatlong palatandaan kung Pano matitiyak kung wala pang kahandaan
sa pag basa?
Pagsusulit sa pagsulat

11-14. Ibigay ang apat na kasanayang pangwika.

15-17. Ibigay ang tatlong Teorya ng pagsulat

18-20. Ibigay ang tatlong layunin ng pagsulat

You might also like