Panitikan Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

GROUP 5

IBA PANG MGA


REPERENSYA
PANITIKAN
Ano ang Panitikan? “

Ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng
sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na pahayag."
"Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya
sa reaksyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at
gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita ang Maykapal." Panitikang Filipino, Atienza, Ramos, Salazar.
"Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan, sa pamahalaan sa kapaligiran, sa kapwa, at
Dakilang Lumikha." -Bro. Azarias
"Anumang bagay raw na naisasatitik. basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito'y totoo,
kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan." -Webster
"Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin.
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at gunigui g mg mamamayan na nasusulat at binabanggit sa maganda,
makulay, makahulugan, matalinhaga, at masining na mga pahayag." -Maria Ramos
Ang Panitikan at Ang Kasaysayan
Ang kasaysayan ay naisatitik at tunay na nangyari kaya't ito'y makatotohanang panitikan. Samakatuwid,
bahagi ng panitikan ang kasaysayan.
Ngunit, mayroon ding pagkakaiba ang panitikan at kasaysayan:

PANITIKAN
Maaaring likhang isip o bungang isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala.

KASAYSAYAN
Pawang mga pangyayaring tunay na naganap-may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari at may panahon
Mga paraan ng pag papahayag
Pagsasalaysay - uri ng pagpapahayag na nagsasaad ng karanasan.
Halimbawa: "Isang Karanasang Hindi Ko Makakalimutan"

Paglalahad - isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng
paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at nagpapayo ng mga kalutasan.
Halimbawa: "Ano Ang Panitikan?"

Paglalarawan - isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan. Ang mga detalye ng katangian, o kapintasan
ng tao o bagay na namamalas ay nababanggit dito.
Halimbawa: "Maynila...Kulay Anyo ng Lahi

Pangangatwiran - naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig saopinion ng nagsasalita o sa


sumulat ang paraang ito.
Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?

●Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino
ng ating pinanggalingang lahi..
● Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyong siya nating
ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
● Upang matanto natin na ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at
mabago.
● Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.
● Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit
sa ating sariling panitikan. Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan
● Ang klima - ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang kaisipan at damdamin ng
manunulat. Ang hanap-buhay o gawaing pang-araw-araw ng tao.
● Ang pook o tinitirhan - malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na tinitirhan ng
mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat, mabundok, ang mga
ito'y mababakas sa panitikan ng ating lahi.
● Lipunan at Pulitika - nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling
panlipunan, at gayundin ang kultura ng mga tao

● Edukasyon at Pananampalataya - Kung busog ang isipan, dala ng malawak na edukasyong natutuhan, ang mga
ito'y mababakas sa panitikan ng ating lahi.

Pampilipit ng dila na mga bigkasin

Kabilugan ng Buwan Buwan ng Kabilugan

Ang balay ni Belay ay lebat.

Siomay, Siopao, Suman, Sopas

Isinayaw ng isinayaw ng mananayaw ang sayaw na isinasayaw ng mga mananayaw:


Ang impluwensya ng panitikan (sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao)

Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan sila ng ng akda.

● Dahil sa panitikan, nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman ugali at palakad at
nagkakatulungan.

● Bibliya Palestino at Gresya


● Koran-Muslim
● liad at Odyssey-Gresya
● Uncle Tom's Cabin- Estados Unidos
● Divina Comedia-Italya
● Mahabharata-Indiya
● Canterbury Tales-Inglatera
● El Cid Compeador- Espanya
● Awit ni Rolando- Pransya
● Aklat ng mga Patay- Ehipto
● Aklat ng mga Araw- Tsina.
● Isang Libo't isang Gabi Arabia at Persiya
Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig: Banal na Kasulatan o Bibliya
(Palestino at Gresya ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.

Koran-ang pinakabibliya ng mga Muslim na nagmula sa Arabia.

Ang Iliad at Odyssey - ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Ang akda nito ay si Homer.
Uncle Tom's Cabin (akda ni Harriet Beecher Stowe, Estado Unidos) - nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya.

Ang Divina Comedia-akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano
ng panahon na iyon.

Ang Mahabharata - ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa daigdig. (Naglalaman ito ng kasaysayan ng
pananampalataya ng Indiya.)

Canterbury Tales - naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing
ito sa Inglatera at sinulatni Chaucer.
Ang El Cid Compeador - nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.

Ang Awit ni Rolando - kinapapalooban ito ng Doce Pares at Ronces valles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong ng
Kakristiyanuhan sa Pransya.

Ang Aklat ng mga Patay - naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.

Ang Aklat ng mga Araw-akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya.

Isang Libo't Is ang Gabi-mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at
panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
Pang kalahatang uri ng panitikan (akdang tuluyan at patula)

Akdang Tuluyan
-yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.

Nobela
-isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at
sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Halimbawa: "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos

Uri ng Nobela
1. Nobela ng Tauhan- pangangailangan, kalagayan at hangarin ng mga tauhan.

2. Nobelang Makabanghay-pagbabalangkas ng pangyayari ay siyang ikinawiwili ng mga mambabasa sa uring ito.

3. Nobela ng Kasaysayan-binibigyan ng din ang kasaysayan ng bayan o isang pook.

4. Nobela ng Romansa- ang layunin at mga simulaing lubhang mahalaga sa buhay ng tao at ng lipunan ang binibigyang
diin.
Maikling Kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.
Halimbawa: "Pagbabalik" ni Genoveva E. Matute Uring Maikling kwento

1 Salaysay 7. Pakikipagsapalaran

2 Kuwento ng Kababalaghan 8. Madulang Pangyayari

3. Kuwento ng Katutubong kulay 9.Kuwento ng Talino.

4. Kuwento ng Katatawanan 10.Kuwento ng Sikolohiya

5. Kuwento ng Katauhan

6. Kuwento ng Katatakutan
Dula -itinatanghal sa ibabaw ng entablado tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, na ang bawat yugto ay maraming
tagpo.

Halimbawa: "Kahapon, Ngayon, at Bukas" ni Aurelio Tolentino Sanaysay -ito'y pagpapahayag ng kuru-kuro o
opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa nito'y ang bahagi ng
Editoryal ng isang pahayagan.
Uri ng Sanaysay

1.Maanyo o Pormal- maingat na pagpili ng salita, maayos at mabisang paglalahad ng kaisipan.

2.Malaya o di-pormal- higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple, kadalasang natural ang paglalahad ng mga
kaisipan. isang tao. Maaaring ito'y pang-iba o pansarili.

Talamb.uhay
-ito'y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaring itoy pang-iba o pansarili.

Uri ng Talambuhay
1 Pansarili- ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.
2 Paiba-ang talambuhay ay isinulat ng ibang tao.

Alamat
ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito.
Ang Pabula
-mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni'y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.

Anekdota
-mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay
aral sa mga mambabasa. Maaaring ito'y isang kwento ng mga hayop o mga bata.

Balita
-ito'y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga
sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
Talumpati
-ito'y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga pakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng
impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o paniniwala.
Parabula
-ito'y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito'y makapagbigay-aral sa mga
mambabasa o nakikinig.
THANK YOU

You might also like