Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
 Naibibigay ang puna sa estilo ng
napakinggang tula
 Naibibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang pananalita na
ginamit sa tula
Balik-aral
 Ano-ano ang mga elemento ng dula?
 Ano ang tatlong bahagi ng dula?
NATHANIEL HAWTHORNE
 Isinilang noong Hulyo 4, 1804 sa Salem, Massaschusetts.
 Noong 20 taong gulang, nadagdagan ng titik w ang
kanyang apilyedo upang ang orihinal na Hathorne ay
maging Hawthorne. Ginawa niya ito para hindi maiugnay
sa mga kamag-anak na naging bahagi ng tinatawag na
“Salem witch Trials” kung saan 20 tao ang naparusahan
ng kamatayan dahil sa nagpagbintangang mg
mangkukulam.
 Maikling kuwento: “Young Goodman Brown” at
nobelang“The Scarlet Letter”
 Namatay noong Mayo 19, 1864 pagkatapos ng mahabang
panahon ng pagkakasakit
TULA
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat
nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at
estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan
gamit ang maririkit na salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang
ginagamitan ng tayutay.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,
lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng
mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
ANG AKING ABA
AT HAMAK NA
TAHANAN
ni Nathaniel Hawthorne
Pagpapaliwanag
at Pagpapakahulugan
ng Tula
Sa unang saknong ay ang pag-alis ng binata sa
bukid ng kanyang ama. “Hudyat ng digmaan ang
aking ligaya” , mula sa linyang ito ay nagpapakita
na mahilig sa digmaan ang binata at gustong
magsundalo paglaki. 
Sa pangalawang saknong naman ay sinasabi ng
sundalo na ang mga bayaning namatay ay hindi
malilimutan at nang pagtingin niya sa ilaw ng
kamatayan / “imortal na sinag” ay naalala niya
ang mga bayaning ito. 
Pagdating ng pangatlong talata ay may nakita
ang sundalo, ito ay isang maliwanag na bituin na
nagturo ng daan sa mga katawan ng mga
sundalong namatay na. 
Mula sa pang-apat na talata ang linyang
“Nagpiilit din ako’t paa’y nananabik” ay ang
pagtuloy ng sundalo sa gerang hinaharap niya. Sa
talatang ito ay mababasa kung ano ang nakikita ng
sundalo ang dugo ng kanyang kalaban habang
nasa digmaan. 
Natapos ang kasalukuyang gera sa ika-limang
talata na may linyang “Narating ko’ng rurok na
mithiin” (nagawa niya ang layunin na tapusin ang
gera) . Nang matapos ang gera ay naisip ng
sundalo ang kanyang buhay noong siya’y bata pa
at naninirahan ng masaya at tahimik.
Sa ika-anim na talata ay napagtanto na ng
sundalo na huli na ang lahat para talikuran ang
pagiging sundalo at bumalik sa matahimik niyang
buhay.
Pamprosesong Tanong

1. Bakit sinasabing hudyat ng digmaan ang kanyang ligaya?


Anong bagay kaugnay ng digmaan ang nais niyang gawin?
Mahalagang KAisipan
Isa sa uri ng panitikan ay ang tula. Ito ay isang kaisipan na ang
lalarawan ng damdamin, karanasan, at hangarin. Nangangailangan
ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang mabuo ang
tula, upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o
damdamin. Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay,
nangyayari man o kathang-isip.

You might also like