Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MGA DAPAT

ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG ARALIN 8
TALUMPATI
PANIMULA
Ang talumpati ay isang uri ng sining. Kaiba nga ito sa ginagawa
nating pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi natin ang gusto
nating sabihin nang walang pinatutungkulan o binibigyang-diing
paksa. Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago
bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y biglaan. Ang
pagsulat ng talumpati ay ang susi sa mabisang pagtatalumpati.
Bago pa man ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na
ng isang komprehensibong sulatin upang mas maging kapani-
paniwala at kahika-hikayat ito para sa mga nakikinig.
Kaugnay nito, sa unang bahagi nga ng ating
modyul ay binigyang-katuturan natin kung ano nga
ba ang talumpati gayundin din ay ating nalaman at
pinag-aralan ang iba’t ibang uri ng talumpati batay
sa kung paano ito bigkasin at maging batay sa
layunin nito. Kaya naman sa modyul na ito, atin
namang tatalakayin ang mga dapat isaalang-alang
sa pagsulat ng epektibong talumpati.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG TALUMPATI

Uri ng Tagapakinig
Ayon kay Lorenzo et.al. (2002) sa kanilang aklat na Sining ng
Pakikipagtalastasang Panlipunan, ang ilan sa dapat mabatid ng mananlumpati
sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod:
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
Mahalagang alam ng mananalumpati ang edad ng kanyang tagapakinig
sapagkat sa tulong nito maiaakma niya ang paksa maging wika kanyang
gagamitin. At tiyak na madaling mapupukaw ng mananalumpati ang interes
ng kanyang tagapakinig.
2. Ang bilang ng mga makikinig
Importante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa
talumpati. Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at
saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati.
3. Kasarian
 Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman
ng kalalkihan at kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang
pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.
4. Edukasyon o Antas sa Lipunan

Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga


tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga tagapakinig ay
kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o
halimbawa na akma sa kanila. Ngunit kung karamihan naman sa
mga tagapakinig ay mga edukado o kabilang mataas na antas ng
lipunan iba rin dapat ang pagtalakay na gagawin sa kanila.
5. Mga Saloobin at dati nang alam ng mga
nakikinig

Dapat ding mabatid ng mananalumpati kung gaano


na kalawak ang kaalaman at karanasan ng
tagapakinig tungkol sa paksa at kung may alam na
ang mga tagapakinig sa paksa siguraduhin na
sasangkapan ito ng bagong impormasyon upang
hindi sila mabagot o mawalan ng interes.
B. TEMA O PAKSANG
TATALAKAYIN
Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang
talumpati, dapat ang mananalumpati ay makitaan ng sapat
na kaalaman hinggil sa isang paksa. Ang kaalaman niya
ay dapat na nakahihigit sa kanyang mga tagapakinig at
matatamo lamang niya ito kung siya ay may sapat na
paghahanda, pagpaplano at pag-aaral ukol sa paksa.
Narito nga ang mga hakbang na maaaring isagawa sa
pagsulat ng talumpati.
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay
na babasahin

Sa tulong ng iba’t ibang uri ng babasahin ay maaaring


makakuha ng imporamsyon ang isang mananalumpati
na maaari niyang magamit sa kanyang susulating
talumpati kailangan lamang siguraduhin nito na kasama
niyang kukuhanin ang sanggunian na pinagmulan ng
nasabi ng impormason. Maaari din na mag-interview
ang mananalumpati ito ay upang higit na maging
makatotohanan ang kanyang gagawing panulat.
2. Pagbuo ng Tesis

Matapos mangalap ng impormasyon o datos ang


mananalumpati ang kasunod na hakbang na dapat
niyang gawin ay ang makabuo ng tesis o
pangunahing kaisipan sa paksang tatalakayin.
Mahalagang matukoy niya ang tesis ng kanyang
paksa sapagkat dito iikot ang mensaheng nais
niyang ibahagi sa mga tagapakinig.
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o
Punto

Kapag may tiyak nang tesis o paksa para sa


talumpati, maaari nang alamin ng
mananalumpati ang mga pangunahing punto
na magsisilbing batayan ng talumpati.
Mahalaga nga na ang bawat punto ay kanyang
mahimay lalo’t higit ang mga detalye nito.
C. HULWARAN SA PAGBUO NG
TALUMPATI

Ayon Kina Casanova at Rubin (2001), may tatlong hulwarang


maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati.

1. Kronolohikal na Hulwaran
Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay
sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring
isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang nangyari
hanggang sa panghuling pangyayari.
2. Topikal na Hulwaran

Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay


nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay
kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mas mainam
na ito ang gamitin. Halimbawa: kung kultura ang paksa
mas magiging mainam kung kanyang hahatiin ito sa mas
espisipikong paksa tulad ng sosyolohiya. Antropolohiya,
at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga
tao.
3. Hulwarang Problema-Solusyon

Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang


pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito;
ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa
solusyon na maaaring isagawa. Kalimitan ang
ganitong hulwaran ay ginagamit sa talumpating
nanghihikayat.
KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA
BAHAGI NG TALUMPATI
Ayon kay Alcmitser P. Tumangan, Sr. et.al., may akda ng Retotika sa
Kolehiyo ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong
bahagi.
1. Introduksyon – ito ang pinakapanimula ng talumpati. Mahalaga ang
isang mahusay na panimula upang:
Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga nakikinig.
Makuha ang kanilang interes at atensiyon.
Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
Maipaliwanag ang paksa.
Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin.
Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe.
Maaaring simulan ang talumpati sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag sa ginaganap na okasyon o
pagdiriwang, paglalarawan ng isang tanawin o
pangyayaring kaugnay sa paksa, pagbanggit ng
isang salawikaing angkop sa paksa, pagbanggit o
paggamit sa sinabi ng isang tao o awtoridad,
pagtatanong tungkol sa isyu, pagsasalaysay ng
isang kwentong nakatatawa, at marami pang iba.
2. DISKUSYON O KATAWAN
– dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati
sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang
nais ibahagi sa mga nakikinig. Narito ang mga katangiang
kailangang taglayin ng katawan ng talumpati.
a) Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng
talumpati. Dapat ay totoo at maipaliliwanag nang mabisa
ang lahat ng kailangang detalye upang maipaliwanag ang
paksa.
b) Kalinawan
– kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng
talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. Mahalagang tandaan
ang sumusunod:
Gumamit ng angkop o tiyak na salita.
Umiwas sa paggamit ng mga hugnayang pangungusap o yung
mahahabang pahayag.
Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasan ang maging paligoy-
ligoy.
Gawing parang karaniwnag pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga
tagapakinig.
Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag
Kaakit-akit – Sikaping mapaniwala ang mga nakikinig sa mga
katotohanang inilalahad ng talumpati.
3. Katapusan o Kongklusyon – dito kalimitang
nilalagom ang mga patunay at argumentong
inilahad sa katawan ng talumpati. Kalimitan din ito
ay maikli ngunit malaman.
4. Haba ng Talumpati – ito ay nakasalalay sa kung
ilang mminuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas
o presentasyon nito.

You might also like