Aralin 3 Day 4 Naisasalaysayang kuwento ng mga makasaysayang pook o pangyayari na nagpapakilala sa lalawigan ng Rizal Awit ( sa tono ng Leron-Leron Sinta) Pangunahin itong lalawigan Masisikap mga mamamayan Rizal kang lalawigan Sa pamumuno ng mga taong may dangal Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR), Pamahalaang Lalawigan ng Rizal at Pamahalaang Panglungsod ng Antipolo. Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na panturismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, inihayag bilang isang Pambansang Dambanang Makasaysayan ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 6964. Noong 2000, idineklara ang Hinulugang Taktak bilang isa sa mga protektadong tanawain ng Pilipinas alinsunod sa Batas Republika Blg. 7586. Ang tubig ng talon ay madumi at hindi na angkop para paliguan ngunit marami sa Lokal at Pambansang Pamahalaan ay kumikilos para mailigtas ang natural nitong kagandahan at sinisikap para mapangalagaan ang itaas na bahagi nito para gawing liwasan. BANTAYOG NG MGA BAYANI SA CAINTA, RIZAL Saksi ang bayan ng Cainta sa kasaysayan ng ating lalawigan at maging ng buong bansa. Makikita sa bantayog na ito ang ilan sa mahahalagang kaganapan noong panahon ng digmaan. Sinasabing ang unang imahen ng Birhen ng Arzanzazu ay dala ng isang kapitan ng isang barko ng mga Kastila na nayayao't dito sa Filipinas at Mejico. At palibhasa ang naturang kapitan ay isang mamamayang Vasco, kung kaya ang imaheng hatid niya ay larawan ng Birhen na pipipintuho sa kanyang bayan ng Oñate, sa España, ang "Birhen ng Aranzazu." Dahilan sa imahen o larawang itong Birhen ng Aranzazu ang mga mamamayang Vasco na naninirahan sa San Mateo bilang peregrinacion at nakikipagdiwang sa kapistahan ng Birhen ng Aranzazu. Noong ika-6 ng Disyembre 1742, sa bisa ng "autorizacion" ng Papa Benedicto XIV, ay natatag ang isang "Cofradia" o Kapatiran ng Birhen ng Aranzazu sa Maynila. Aranzazu! Aranzazu -- ito'y buhat sa dalawang katagang Vasco - "Arantzan" at "Su." Ang katagang "arantzun" -- ay wikang Vasco na ang kahuluga'y "Isang liblib na pook sa kabundukan at sagana sa matitinik na halamanan." Mga Petroglyph- Hindi lamang mga minanang kultural ang mga petroglyph na nasa hangganan ng bayan ng Angono at Binangonan. Isang pinaka-antigong banal na ala-ala ito ng mga Pilipino. May 127 mga inukit na larawan ng hayop at tao sa bato rito. Inihayag itong National Cultural Treasure ng bansa. Blanco Family Museo ( Angono Rizal) – Punong-puno ito ng mga koleksyon ng mga ipinintang o galeriya ng sining ng kilalang pintor na si Jose D. Blanco at ng kanyang mga anak. Pumili ng isang makasaysayang pook sa Lalawigan ng Rizal. Sabihin sa paraang pasulat ang nalamang detalye tungkol dito. Takda