Filipino Sa Piling Larang (Akademik) PPT (Aralin 1)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

ANG AKADEMIKONG

PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
INAASAHANG MATATAMO ANG SUMUSUNOD NA
LAYUNIN:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


2. Nakikilala ang iba’t ibang sulatin ayon sa: layunin, katangian, gamit at
anyo.
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
TALASALITAAN
1. Pagdukal  Pag unawa
2. Pagdiskurso  Pormal na paraan na pakikipag-usap o pagpapahayag ng mga ideya ng pagtatalakay sa
iba’t-ibang paksa.
3. Pagbalangkas  Ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunod-
sunod sa isang katha o seleksyon.
4. Sanaysay  Isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong maibahagi ang saloobin ng nagsulat

5. Sintesis nito.
 Ang sintesis ay ang buod o pinakamaikli pero pinaka importanteng impormasyon galing sa

6. Sumipi isang kwento o pangyayari.


 Tumutukoy sa isang gawain kung saan inaatasan o ginagabayan ang isang tao na gumawa
ng kopya mula sa isang dokumento tungo sa isa pang kopya.
PAGSULAT…

 ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang


maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang
kaniyang/kanilang kaisipan.
AYON KAY…

Xing at Jin ( 1989, sa Bernales, et al., 2006)


Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng
kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
AYON KAY…

Badayos (2000)
na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa
unang wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila
ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang
ito.
AKADEMIKONG PAGSULAT

 ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan


kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
 Nakabatay ang akademikong pagsulat sa pagsusuri ng
anumang nahahalaw na ideya mula sa natutunang aralin.
AKADEMIKONG PAGSULAT

 isang pagsulat na isinagawa ng mga mag-aaral upang


maipahayag ang kanilang kaalamang nabatid mula sa iba’t
ibang asignatura. Mapatutunayan dito ang paghahasa ng
kritikal na pag-iisip ng bawat mag-aaral.
 Kinakailangan din dito na intindihin ng mga manunulat
kung bakit sila nagsusulat, para saan at para kanino.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN

• Pormal – Ang antas ng wikang gagamitin ay may mataas na kaantasan. Ang paggamit ng
balbal at kolokyal na mga salita ay iniiwasan.
• Obhetibo – Ang impormasyong gusting ilahad ay binibigyang-diin.
• Malinaw – Ang mga ideya ay malinaw, sunod-sunod at magkakaugnay.
• May Paninindigan – May sariling pagpapasya
• May Pananagutan – Ihayag ang mga katibayan at pangangatwiran sa bunga ng
pananaliksik at pag-aaral.
LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT:

1. IMPORMATIB NA PAGSULAT - Kilala rin sa tawag na expository


writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga
paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.

Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya, balita, at teknikal o businesss report
2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT - Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito
ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o
paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensyahan ng isang awtor.

Halimbawa:
editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel
3. MALIKHAING PAGSULAT - Ito ay ginagawa ng mga
manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling
katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na
akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kumbinasyon ng mga ito
4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG Pagsulat o pagtatala ng
mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning
ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y
mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat
ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba
5. MAPANURING LAYUININ
Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.
Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang
tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.
TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika
2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang
pantao
4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon
AKTIBITI# 2A

GAWIN NATIN
PANUTO: IBIGAY ANG KASINGKAHULUGAN NG
SULATING AKADEMIKO. ISULAT ANG MGA ITO
SA SPEECH AT THOUGHT BALLOONS SA IBABA.
AKTIBITI # 2B: SANAYIN NATIN

Panuto: Sumipi ng isang abstrak ng tesis na may digri sa


edukasyon mula sa isang kilalang pamantasan na ang mga digri
ay sa larangan ng edukasyon. Basahin ito at suriin batay sa
sumusunod:
a. Wikang ginamit sa abstrak
b. Layunin ng nilalaman ng pananaliksik
c. Paraan o daloy ng paglalahad ng sulating akademiko
d. Katangiang masasalamin sa abstrak batay sa
kakanyahan ng sulating akademiko
AKTIBITI # 3
AKTIBITI # 3B
MAIKLING PAGSUSULIT

PANUTO:
Basahin nang mabuti at unawain ang mga
sumusunod na katanungan at isulat ang titik
ng tamang sagot
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa
katangian ng isang Akademikong
Sulatin gamit ang mga sumusunod na
salita na makikita sa ibaba:
 Pormal
 Obhetibo
 Malinaw
 May Paninindigan
 May Pananagutan
Ipaliwanag ang mga sumusunod kung
BAKIT kailangan na ang layunin ng
akademikong pagsulat ay:
 Mapanghikayat
 Mapanuri
 Impormatibo
 Malikhain
 Pansarili
MARAMING
SALAMAT!

You might also like