L3-Gamit NG Wika Sa Lipunan - PERSONAL

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Paano masasabing personal ang isang pakikipag-usap?

Ano-ano ang mga halimbawa o batayan ng personal na


pakikipag-ugnayan?
FILIPINO 113
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG FILIPINO
GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN BILANG
PERSONAL
Ayon sa isang propesor sa Matematika, ang asignaturang
ito ay kasa-kasama raw natin mula sa ating panggising,
pagkain ng agahan hanggang sa pagpasok sa paaralan o
trabaho. Lahat ng ito ay may kaugnayan sa numero, bilang
ng oras sa panggising, bilang ng kakainin sa agahan, at
distansya ng ating pupuntahan sa pagpasok.
Sa konseptong ng wika higit pa sa bilang ng salita ang
sinasaklaw nito sapagkat maging ang damdamin ng
kaluluwa, paghiwatig, o senyas ay itinuturing na wika.

Ang kaluluwa ay tumutukoy sa buong pagkatao,


itinuturing itong pinakabuod ng isang tao.

Sa pamamagitan ng wika naipapakita sa labas ang ating


kaluluwa o pagkatao.
Ang personal ay nagmula sa salitang personalidad.
Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y
nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.

Ang personalidad ay may kaugnayan sa pag-uugali,


psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal,
ebolusyon, at perspektibo sa kaalamang panlipunan.
Apat na dimensiyon ng ating pagkatao:

1. Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion)


– inilalarawan kung paano nagkakaroon ng enerhiya

2. Pandama laban sa Sapantaha


(Sensing vs. Intuitio) – inilalarawan kung paano kumukuha
ng impormasyon ang mga tao
Apat na dimensiyon ng ating pagkatao:

3. Pag-iisip laban sa damdamin


(Thinking vs. Feeling) – inilalarawan ang paraan na
ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon

4. Paghuhusga laban sa Pag-unawa


(Judging vs. Perceiving) – inilalarawan ang bilis ng pagbuo ng
desisyon ng isang tao.
PERSONAL BILANG PAGPAPAHAYAG NG
SARILI
Ginagamit ang wika upang maipahayag ang
sarili at anumang pansariling layunin.

Halimbawa, sa isang sanggol na hindi pa


marunong magsalita sinisikap niyang
makapagpahayag sapamamagitan ng ungol at
pag-iyak.
Kaakibat ng personal na pagpapahayag
nang salita man o pasulat, nakapagpapahayag
din ng personal na kalooban ang isang tao sa
pamamagitan ng “selfie”.
MALIKHAING SANAYSAY

Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla


ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.” Ito ay nagmula sa dalawang
salita-sanay at pagsasalaysay.
Ang malikhaing sanaysay ay naglalaman ng
sariling pananaw ng may akda at nasa
puntodebista ng manunulat. Madalasa gamitin ang
“ako” o unang panauhan bilang puntodebista.
Maari ding manggaling ito mula sa panayam,
talakayan, talaarawan, at mga alala ng isang tao.
Mga Halimbawa:

• Biograpiya – talambuhay na nagsasaad ng


kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa
mga tunay na tala, pangyayari, at
impormasyon.
• Awtobiograpiya – Talambuhay ng isang tao na
siya mismo ang sumulat.

• Alaala (Memoir) – salaysay o kuwento ng


buhay na pinagdadaanan.

• Sanaysay o tala ng paglalakbay –


Pagsasalaysay na paglalarawan ng mga lugar
na nabisita o napuntahan.
• Personal na sanaysay – Pagsasalaysay ng
mga personal na pangyayari sa buhay.

• Blog – isang webpage o online na dyornal na


maaring ma-access ng madla.
BAHAGI NG SANAYSAY

1. Panimula – pinakamahalagang bahagi ng sanasay


dahil ito ang manghihikayat sa babasa.
2. Katawan – inilalatag ang mahahalagang ideya
upang maipaliwanag ang paksa.
3. Wakas – binibigyan ng kongklusyon ang
sanaysay upang maipabatid sa mambabasa ang
diwa ng binasa.
Mga paalala sa pagsulat ng Masining
na sanaysay

1. Pumili ng paksang may dating sa mambabasa


2. Gumawa ng balangkas
3. Gumamit ng mga salitang akma sa paksa at inaasahang
babasa.
4. Tiyaking tama ang gramatika
5. Gamitin ang sariling material o kaya’t magsaliksik
6. Magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon.

You might also like