Lumikha ng isang pie chart na magpapakita kung paano pinagbabahagi
sa iba-ibang pangangailangan ng iyong pamilya ang badyet sa isang
buwan. Ilan sa mga maaaring isama dito ay ang gastusin sa pagkain, kuryente, tubig, pamasahe, pamimili ng grocery, at mga libangan. ALOKASYON Bagamat permanente at pangmatagalan ang kondisyon ng kakapusan, may mga mahahalagang tugon na ginawa ang tao upang magkaroon ng tamang pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman para sa mas nakararaming tao. Ang tawag sa paraan ng pagbabahagi na ito ay alokasyon. ALOKASYON Sa pag-aaral ng Ekonomiks, tumutukoy ang alokasyon sa isang sistema ng distribusyon o paglalaan at ang pagbabahagdan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng isang sambahayan, at sa mas malaking sakop, ang pamayanan at bansa. Ang pagpaplano ng isang pamilya sa kung paano ibabahagi ang kanilang badyet sa iba-iba nilang pangangailangan ay isang payak na halimbawa ng alokasyon. Ugnayan ng Alokasyon sa Kakapusan Ang pangunahing pakay ng alokasyon ay upang maiwasan ang kondisyon ng kakapusan sa isang ekonomiya at, kung dumating man ang panahon ng kakapusan, upang maibsan ang mga epekto ng kakapusan para tumagal ang dami ng mga pinagkukunang-yaman. Ugnayan ng Alokasyon sa Kakapusan Nagaganap ito kapag ang sambahayan o pamayanan ay nagkakasundo sa bahagdan o porsiyento ng mga yamang ito depende sa antas ng pangangailangan nila. Ugnayan ng Alokasyon sa Kakapusan Halimbawa, sa tuwing may kakapusan ng gamot na paracetamol para sa lagnat sa isang pamayanan, pinagkakasunduan ng mga mamamayan kung sino ang mga agad na dapat mabigyan ng gamot na ito para gumaling sila. Kasunod ang mga taong wala pang sakit ngunit nais mamili nito para sa hinaharap. Ang alokasyon sa pagkakataong ito ay nakabatay sa prayoridad o kung sino ang mahalagang mauna dahil sa agarang atensiyon sa kalusugan. Ugnayan ng Alokasyon sa Pangangailangan Ginaganap ang alokasyon sa mga pangunahing pangangailangan tuwing may mga panahon ng kagipitan para rito at dahil din sa kakapusan sa pinagkukunang yaman na panustos para sa pagkamit nito. Ang paggawa ng isang badyet ay isang halimbawa ng paraan ng alokasyon ng mga pangangailangan. Ginagawa ang isang badyet upang magkaroon ng tamang paglalaan ng mga pondong panustos sa mga pangunahing pangangailangan. Ugnayan ng Alokasyon sa Pangangailangan Halimbawa, ang pambansang badyet ng pamahalaan ng Pilipinas ay ang yaman ng bansa na nagmumula sa mga buwis ng mamamayan na ginagamit para sa mga proyektong tutugon sa pangangailangan ng mamamayan taon-taon. Karamihan sa mga proyektong ito ay nakatuon sa pagpapasigla sa ekonomiya at sa pag-angat sa kahirapan ng mga mamamayan upang matulungan silang makamit ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ugnayan ng Alokasyon sa kagustuhan Nagkakaiba ang mga kagustuhan ng tao sa kanilang mga pangangailangan. Mababa ang dami ng mga kagustuhan, kaya hindi halos ginagawa ang alokasyon dito kung ikukumpara sa mga pangunahing pangangailangan na marami. Halimbawa, mas marami ang bilang ng bigas kaysa bilang ng mga cell phone sa pamilihan dahil walang kakayahan ang maraming tao na makakamit ng cell phone na hindi tulad ng bigas. Paggawa ng Tamang Desisyon Upang Matugunan ang mga Pangangailangan Ang konseptong alokasyon ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang desisyon o pasiya ang mga mamamayan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Dahil sa iba-ibang salik na nakaaapekto o nakaiimpluwensiya sa pangangailangan ng tao, nagkakaiba naman ang alokasyon para rito. Sa paggawa ng mga desisyong ito, mahalagang alamin ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paggawa ng Tamang Desisyon Upang Matugunan ang mga Pangangailangan 1.Ano ang mga mahahalagang produkto o serbisyo na dapat gawin? 2.Paano gagawin o bubuuin ang mga pangangailangang ito? 3. Para kanino ang mga pangangailangang ito? 4. Gaano karami ang gagawin? Bilang paglalarawan o paglalapat, suriin ang nilalaman ng isang balita tungkol sa alokasyon ng mga pondo para sa pagtugon ng isang pangangailangan sa bansa: ang libreng paggamit ng wireless fidelity o wi-fi sa Rehiyon ng ARMM.
P50-M allotted for ARMM Wi-Fi project
(ulat ni Arianne Apatan ng ABS-CBN News Central Mindanao aton - Oktubre 13, 2015) Mga Sistemang Pang-ekonomiya Umiral ang mga sistemang pang-ekonomiya bilang tugon sa alokasyon ng mga pangangailangan sa isang ekonomiya. Kadalasang inaangkop ng mga bansa sa daigdig ang iba-ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya batay sa kanilang mga pangangailangan, kapaligiran, kultura, at paniniwala. Ang mga ito ay pinatatakbo at pinangangasiwaan ng magkakaibang mga sektor ng bansa tulad ng pamahalaan, negosyo, mamamayan, at iba pa. Tunghayan ang apat na sistemang pang-ekonomiya na umusbong sa daigdig sa loob ng iba-ibang panahon Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya (Traditional Economy) Sa ilalim ng sistemang tradisyunal, namumuno ang mga mamamayang nagkakasundo na paunlarin nila ang kanilang mga sarili, kung saan ay sila rin ang makikinabang mula sa pag-unlad na ito. Nabuo ito noong panahong payak pa ang pamumuhay ng mga tao. Payak lamang ang mga pangangailangang tinutugunan ng mga mamamayan sa ilalim ng sistemang ito. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya (Traditional Economy) Nakabatay ang paggawa ng mga produkto o serbisyo mula sa nakasanayang mga gawain at tradisyon. Ang pagmamay-ari ng mga pangangailangan ay naibabahagi sa lahat ng mamamayan batay sa hirap ng kanilang pagtatrabaho para rito. Nakatuon ito sa produksiyon ng pagkain at serbisyo para sa pamayanan. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya (Traditional Economy) Katulad din ito ng teoryang physiocracy kung saan ang pag- unlad sa agrikultura at lupa ay magdudulot ng pinakamalaking kita ng pamayanan, lalo na ng mga magsasaka. Ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan ay nakabatay sa pangangailangan ng pamayanan at sa kapasidad ng lupa na makapagbigay o magbunga ng mga hilaw na materyales na magagamit sa produksiyon ng mga pangunahing Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya (Traditional Economy) Unti-unting nagbago ang pokus ng sistemang tradisyunal mula sa pagtugon sa pangangailangan patungo sa iba pang mga suliranin. Sa paglitaw ng merkantilismo, nabigyang pansin ang kahalagahan ng pakikipagkalakalan. Nabago rin ang mga tradisyunal na kasanayan dahil sa pagkakaroon ng bagong teknolohiya at hindi na nakasalig sa agrikultura ang pag-unlad ng ekonomiya. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya (Traditional Economy) Nalipat na ito sa pananalapi at sa dami ng mga mahahalagang mineral sa pamilihan. Nagkaroon din ng sigalot sa pagitan ng mga nagmamay-ari ng lupa at ng mga magsasaka dahil sa pagbabahagdan ng kita at sa pag-aaksaya at pagkasira ng mga lupang sakahan dulot ng labis na produksiyon ng pagkain. Pinag-uutos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economy). Sa ilalim naman ng isang pinag-uutos na sistemang pang-ekonomiya o command economy ang lahat ng gawain ng isang ekonomiya ay "pinag-uutos” o nasa kontrol ng isang sektor na namumuno sa bansa: ito ay ang pamahalaan o estado, Pinag-uutos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economy). Kung ikukumpara ito sa tradisyunal na ekonomiya na hawak ng mga pamayanan at ang pagmamay-ari ay nasa bawat taong pribado, ang lahat ng gawain ng mga mamamayan ay ibinibigay at iniaalay sa estado at ang mga ari-arian ay para sa publiko. Ang estado ang namamahala sa produksiyon at walang karapatang diktahan ito ng mga pribadong indibidwal o kompanya. Pinag-uutos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economy). Ipinapaubaya ng mga mamamayan sa pamahalaan ang pagpapasiya sa alokasyon ng mga pangangailangan na tatanggapin ng bawat isa. Isinasagawa ito ng pamahalaan upang magkaroon ng mabilis na pagpapasiya tungkol sa mga proseso ng Pinag-uutos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economy). Naaayon sa pagpaplano at utos ng pamahalaan kung para saan o para kanino gagawin ang mga nililikhang mga pangangailangan ng tao. Karaniwang kakikitaan ng pantay-pantay na distribusyon ng mga produkto ang sistemang ito. Ang isang halimbawa ng bansa o pamahalaang umangkop ng sistemang ito sa kasalukuyan ay ang Hilagang Korea. Pinag-uutos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economy).
Bagamat ang layon nito ay maibahagi
nang pantay ang mga pangangailangan, nagbunga naman ito ng higit na pagpapahalaga sa iilang industriya lamang. Pinag-uutos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economy). Ang alokasyon ng mga pangangailangan ay hindi agad naibabahagi dahil sa bagal ng paggalaw ng mga produkto at serbisyo na dulot din ng pagpapahalaga ng kakaunting bilang ng mga industriya. Kaya ito ay tinanggihan ng maraming ekonomista Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy) Tinatawag din itong sistemang pamilihan. Nakabatay ito sa indibidwal na kita at pananalapi bilang pangunahing paraan ng alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman. Nagaganap ang alokasyon sa pagitan ng bawat tao at ang mga pangangailangan nila ay malayang binibili o binebenta. Ang mga pagmamay-ari ay hindi kabilang sa publiko, kundi sa mga pribadong indibidwal. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy) Sila ay may karapatan na magtayo ng kanilang negosyo at kumita mula rito. Sa ilalim ng sistemang ito umiiral ang malayang daloy ng ekonomiya o laissez faire na unang sinuportahan ng mga ekonomista ng paaralang classical. Hindi tulad ng sistemang pinag-uutos, walang anumang pakikialam ang pamahalaan sa alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy) Madalas na tinatawag na sistemang kapitalismo ang sistemang pamilihan dahil nakapaikot sa kapital o kita ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman. Malayang gawin ng mga negosyo ang anumang uri ng produkto at serbisyo batay sa halagang ginugol nila rito. Kita ang kanilang kailangan upang mapatakbo ang kanilang mga negosyo. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy)
Sinasabi ng mga ekonomista na umuunlad ang
ekonomiya kung ang lahat ng mamamayan, negosyante o mamimili, ay nakatatanggap ng kita mula sa mga produkto at serbisyo. Samakatwid, ang alokasyon ng mga pangangailangan ay malayang kinokonsumo o binubuo ng mga mamamayan. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy) Hindi ito perpekto sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil kung walang uri ng kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ay maaaring magdulot ito ng kaguluhan tuwing makakaranas ang isang bansa ng kakapusan. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy)
Kung nagkakaroon ng malaking alokasyon
sa ibang pangangailangan ang ibang indibidwal, ito ay magdudulot naman ng labis na dami nito na nakasasama sa isang ekonomiya dahil hindi lahat ng tao ang magkakaroon ng sapat na kita para rito. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy)
Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan
maaaring umiral ang mga kaisipan ng higit sa isang sistemang pang-ekonomiya sa loob ng isang bansa. Maaaring magkaroon ng pagsasama ang sistemang tradisyunal at sistemang pamilihan o kaya ang sistemang pinag-uutos at sistemang pamilihan, at maaari namang magsama ang tatlong sistemang binanggit. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy) Umiiral ang sistemang ito sapagkat pinaniniwalaang may mga salik sa ekonomiya ng isang pamayanan o bansa na mas mabilis uunlad kung susunod sila sa dalawa o higit pang mga sistemang pang-ekonomiya. Nagaganap din ito sa mga pamayanan sa loob ng bansa na naniniwala o sumusunod sa isang uri ng sistema, samantala ang ibang pamayanan naman ay sumusunod sa iba pang uri ng sistema. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy)
Halimbawa, maaaring sumunod sa sistemang
tradisyunal ang isang pamayanan habang ang iba pang pamayanan naman ay maaaring sumunod sa sistemang pamilihan. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy)
Tinatanggap ng maraming bansa sa daigdig ngayon ang
sistemang pamilihan, ngunit may mga sistemang mas pinapahalagahan o mas ginagamit kaysa iba. Halimbawa, ang bansang Tsina ay may halong sistemang pamilihan at sistemang pinag-uutos sapagkat binuksan nila ang kanilang bansa sa pagkakaroon ng kita, habang nasa kamay ng pamahalaan ang ilang mahahalagang industriya. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy)
Ang Pilipinas naman ay umaangkop sa
sistemang tradisyunal dahil sa agrikultura, sistemang pamilihan dahil sa kita, at ang sistemang pinag-uutos dahil sa pakikialam ng pamahalaan sa alokasyon ng mga pangangailangan Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy)
Naipakita ang mga sistemang ito sa Pilipinas
dahil sa mga programa ng pamahalaan at ng mga negosyong pribado na tinatawag na private-public partnership. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya (Mixed Economy) Nagtutulungan ang publiko sa ilalim ng pamahalaan at mga pribadong indibidwal sa ilalim ng mga negosyo sa pagpapaunlad ng iba-ibang industriya dahil hawak ng mga negosyo ang teknolohiya at kasanayan upang maisagawa ang mga proyekto. Samantala ang pamahalaan naman ang may malaking pondo o pinagkukunang yaman at mga polisiya para pondohan ang mga proyektong ito. Ugnayan ng mga Sistemang Pang-ekonomiya at ang Tamang Desisyon sa Pagtugon sa mga pangangailangan
Sinasagot ng mga sistemang pang-ekonomiya ang
mga mahahalagang katanungan tungkol sa paggawa ng mga tamang desisyon sa pagtugon sa mga pangangailangan. Ugnayan ng mga Sistemang Pang-ekonomiya at ang Tamang Desisyon sa Pagtugon sa mga pangangailangan Sistemang Ano ang mga mahahalagang Paano gagawin o bubuuin Para kanino ang Pang-ekonomiya produkto o serbisyo ang mga ito? na dapat gawin? mga ito?
Ang ginawang produkto o
Nakabatay ang paggawa ng Sistemang Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay naaayon sa . pangangailangan ng mga ito mula sa serbisyo ay para sa mamamayan. Kinakalakal o nakasanayang mga gawain Tradisyunal isang pamayanan. at tradisyon. iniimbak naman ang mga labis na produkto.
Ang mga gagawing Ang estado
ang produkto o serbisyo Ang estado ang Ang mga mamamayan ay nagpapasiya kung paano Sistemang magpapasiya ay nakabatay sa kung paano kung ano ang ipinag- likhain ang mga produkto o gumagawa ng mga produkto at serbisyo sa kaunlaran ng Pinag-uutos uutos, prayoridad mga produkto at pagpaplano ng o serbisyo at serbisyo at ipinagbabawal ang pribadong pagmamay- estado at sa dikta ng pamahalaan. estado. ari. Ugnayan ng mga Sistemang Pang-ekonomiya at ang Tamang Desisyon sa Pagtugon sa mga pangangailangan Sistemang Ano ang mga mahahalagang Paano gagawin o bubuuin Para kanino ang Pang-ekonomiya produkto o serbisyo ang mga ito? na dapat gawin? mga ito?
Mga negosyo o indibidwal
Ang mga gagawing produkto o na na kumokontrol ng Ang mga produkto o Sistemang serbisyo ay naaayon sa mga produksiyon ang siyang serbisyo ay para sa mga Pamilihan pangangailangan ng pamilihan na dinidikta ng presyo. bumubuo sa mga ito. Kontrolado nila ang proseso mamimili na nais magkaroon nito. ng paggawa ng mga ito.
Ang mga gagawwing produkto o Ang mga produkto o
Maaaring ipagsanib ang serbisyo ay batay sa pasiya ng serbisyo ay maaaring publiko at pribadong sector Pinaghaong mga mamamayan, estado o Negosyo at maaaring dalawa o upang matugunan ang mga ipagmay-ari ng estado, mga mamamayan o kaya ay mga Sistema higit pa ang magpapasiya tungkol dito. pangangailangan sa teknoohiya, kasaysayan, at pribadong indibidwal at maaari din itong ipagbili ng puhunan. dalawa.
Ang Alokasyon Ay Isang Terminolohiyang Madalas Gamitin Sa Mga Usapin Tungkol Sa Pamamahagi o Pagtugon Sa Limitadong Mga Yaman o Resources. Ito Ay Tumutukoy Sa Proseso NG Pagtatakda o Pagtutukoy