Uptest Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

PANALANGIN

Ama Namin, pakinggan Mo po


Ang pagtawag namin
Sa Iyong Banal na Pangalan.
Basbasan mo po ang aming pagtitipon
At kami’y kaluguran mo
Sa hapong ito.

Pagyamanin Mo po, Panginoon


At maging nakaayon sa iyong kalooban
Ang aming pagkikita-kita,
Mula sa simula hanggang katapusan.

AMEN.
UPTEST 2022
FILIPINO
MGA ARALIN:

MASUSING PAGBASA

TALASALITAAN

BALARILA

IDYOMA
MASUSING PAGBASA

• nangangahulugang
pagbabasa na may
layunin ng paghahanap ng
malalim na pag-unawa sa
isang material , tinataglay
rin nito ang mapanuri at
kritikal na pagbasa.
Ang Kalupi
Ni: Benjamin Pascual

Isang araw, pumunta sa Aling Marta sa palengke upang bumili ng ulam para sa
hapunan. Ngunit, nung siya’y kailangan ng magbayad, hindi na niya mahanap
ang kanyang kalupi. Inalala ni Marta na bago siya pumunta sa palengke ay
nabangga siya ng isang batang lalaking may maruming maong at punit-punit na
kamiseta. Kaya naman, hinabol kaagad ni Marta ang bata at inakusahang
nagnakaw. Pagkatapos nito, tumawag pa si Aling Marta ng pulis ngunit wala sa
bata ang nawawalang kalupi. Subalit, pinilit pa rin ni Marta na ang bata talaga
ang nagnanakaw. Pero, nagpumiglas ang bata at nakawala. Dumiretso ito sa
isang maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan.
Matapos ang ilang sandali, namatay agad ang bata.
 
Umalis si Marta sa outpost at bumalik sa palengke.
Nangutang na lamang ito para makabili ng ulam para sa
hapunan. Noong pabalik na siya sa kanyang bahay, nakita
niyang ang kanyang mag-ama na nagtataka kung paano
siya nakabili ng ulam. Kaya naman pumunta sila sa outpost
upang ang isyu nila ay masuri ng maigi. Pinilit ni Aling
Marta na paaminin ang bata sa pagnakaw at sinaktan pa
ito. Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya
ang pera mula sa kanyang pitaka. Ngunit, Sinabi ng
kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at
nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.
Panuto: Basahin ng may pag unawa ang akdang “Ang kalupi” ni Benjamin Pascual at
sagutan ang mga tanong batay sa akdang binasa.

1. Ano ang ibang pagpapakahulugan sa salitang kalupi?


a.bayong c. pitaka
b.panyo d. pamaypay

2. Anong suliraning panlipunan ang nangingibabaw sa akda?


c.Kahirapan c. kakulangan sa edukasyon
d.Korapsyon d. Maagang pagbubuntis/teenage preg.
3. Sa iyong palagay, bakit marami pa rin ang mga taong mapanghusga sa
lipunang ating ginagalawan?

a. Dahil marami pa rin ang mataas ang pagtingin sa sarili

b.Hinuhusgahan ng tao ang kanilang kapwa batay sa panlabas na anyo

c. Ito ay itinuturing nang isang sakit sa lipunan na mahirap ng malunasan dulot


ng modernisasyon.

d.Gumagawa ng sariling batayan o standard ang mga tao sa ating lipunan na


kung saan ay lahat dapat ay sumunod sa kung ano ang mga nauuso tulad ng
damit, pagkain, sayaw, teknolohiya at iba pa. Dulot rin ng pagiging
mapanghusga ay ang “insecurity” sa sarili.
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita kung paano
maiiwasan ang pagiging mapanghusga sa kapwa?

a. Pinagtatawanan at kinukutya nina Hanna at Cora ang selfie post sa


Instagram nang kanilang kamag-aral na si Georgia.
b.Palaging iniiwasan at pinandidirihan si Pablo sa kanilang barangay dahil
may mga tattoo ito sa katawan.
c. Isa sa mga aktibidad na sinusuportahan at inaabangan tuwing kapistahan
sa Barangay Maunlad ay ang pagkakaroon ng patimpalak o pageant sa isa
mga miyembro ng LGBTQIA+ upang maipamalas ang kanilang galing at
adhikain.
d.Hindi pinapasok ng guwardiya si Faye sa isang establisyemento na
nagbebenta ng mga mamahaling bag, damit at alahas dahil umano sa
simpleng kasuotan niya.
5. Anong uri ng akdang pampanitikan napapabilang ang akdang iyong binasa?
a.Anekdota c. Sanaysay
b.Maikling Kuwento d. Nobela
TALASALITAAN
Panuto: Piliin at bilugan ang katumbas na kahulugan ng salitang may
salungguhit at naka BOLD.
6. Ang binagtas na bukid ay lubhang napakalayo sa kanilang paaralan.
c.sinaka c. dinaanan
d.inararo d. pinuntahan
7 . Ginalugad nila ang buong baryo ngunit wala silang Nakita.
a. hinanap c. iniharap
b. sinilip d. ipinakita
8. Si Mang Kaloy ay sumakay sa kanyang bangka at pumalaot sa dagat.
Siya ay namasol.
a. nangaso c. nangisda
b. naligo d. nanghuli
9. Dahil sa nakitang pag-iyak ng dalaga, ang binata ay nagmakaamo sa
harap nito.
a. nagsayaw c. nagalit
b. naawa d. nanuyo
10. “O, aking mahal, nasaan ka na ba? Bakit di mo lingapin ang pusong
nagdurusa”?
a. puntahan c. tingnan
b. balikan d. suyuin
11. Ang dalagang Pilipina ay mayumi lalong lalo na sa kaniyang pagkilos.
a. mahina c. mahinhin
b. tahimik d. mabagal
12. Lulan ng isang sasakyan, mabilis na nilisan ni Juana ang Barangay
Dolores.
a. sakay c. dala-dala
b. bitbit d. sa tabi
13. Dahil sa kaniyang matamis na salita, hindi nahimok si Selena na
bumalik sa kaniyang pamilya.
a. naengganyo c. nagustuhan
b. napilitan d. nakumbinsi
14. Ang kaniyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang
bumabalani sa pandinig.
a. nakikita c. umaakit
b. nararamdaman d. nakakairita
15. Natuliro si Sisa nang makitang nangingisay ang kaniyang anak
sa kinaing panis na sardinas.
a. natuwa c. nahilo
a. natakot d. nagulat
BALARILA
Panuto: Basahin ng mabuti ay may pag unawa ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
16. “Ang kabaitan _____ tao ay hindi dapat inaabuso dahil hindi natin magugustuhan kapag
sila naman ang umabuso ng kabaitan natin.
a.ng c. na ng
b.nang d. raw
17. Bumili ­_____ tatlong dosenang itlog sa palengke si Ivy upang gamitin sa kanilang
negosyong “takoyaki”.
c.ng c. na ng
d.nang d. raw
18. Iyak ____ iyak si Jazmine dahil sa parehong araw namatay ang kaniyang alagang pusa at
ang kaniyang Lola Flor.
e.ng c. daw
f. nang d. raw
Gamit ng
“NG” at
“NANG”
Gamit ng Ginagamit kapag ang susunod
“NG”
na salita ay pangngalan, pang-
uri, mga pang- uring pamilang
Ginagamit kapag nagsasaad
ng pagmamay-ari ng isang
bagay o katangian.
Gamit ng Inilalagay sa gitna ng mga
“NANG” pandiwang inuulit ng dalawang
beses.
Sumasagot sa mga tanong na
 PAANO?
 GAANO?
 BAKIT?
 KAILAN?
19. Napahanga _____ husto ang mga tao dahil sa angking galing, lakas
at talino ni Darna.
a. ng c. daw
b.nang d. doon
20. Hindi _____ makakasama bukas sa ating paggala si Veronica dahil
nag positibo siya sa Covid 19 ngayon.
c. raw c. doon
d.daw d. roon
21. Labis ang pagkadismaya ng mga magsasaka dahil hindi ____ sila
nabibigyan ng pansin ng ating pamahalaan.
e.raw c. doon
f. daw d. roon
22. Nakita ko mismo _____ sa aking kinatatayuan kung paano nasagasaan ni
Mang Diego ang isang matandang babae.
a. rito c. raw

b.dito d. daw
23. Isa sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas ay ang maagang pagbubuntis
o teenage pregnancy ng mga kababaihan na kung saan dapat _____ pagbigyang
tuon ito ng Kagawaran ng kalusugan at kagawaran ng Edukasyon.
c. din c. raw
d.rin d. daw
24. Hindi ­____ natin maikakaila na maraming Pilipino ang gustong mangibang
bansa dahil sa mataas na pasahod kumpara sa mga pasahod sa ating bansa.
e.din c. raw
f. rin d. daw
Wastong Gamit
ng Raw, Daw, Dito,
at Rito
Ang raw, rito, rin at roon
ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig
(vowel - a, e i, o, u) o
malapatinig (semi-vowel -
w, y).
Ang daw, dito, din,
doon at dine ay
ginagamit kung ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig
(consonant).
Gamit ng Ginagamit ang “may” kapag
“MAY” ang susunod na salita ay
pangngalan, pandiwa at pang-
uri.
HAL.
• May nabili akong magandang
libro kahapon sa National
Book store.
Gamit ng Ginagamit kapag may
“MAYROON” nagpapasingit na kataga sa
salitang sinusundan nito.
Hal.
• Mayroon pa bang ulam?
• Mayroon pa rin natitirang
kabutihan sa kaniyang
puso.
IDYOMA
Panuto: Unawain at hanapin ang tamang kahulugan ng idyomang naka
“ITALIZED”. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

25. Walang gustong makipagbiruan kay Marco dahil siya ay may “magaan na
kamay”.
a. walang gana c. maliit na kamay
b.madaling mapikon d. wala sa pagpipilian
26. Nakita ko kanina si Aling Victoria sa SM Sorsogon na punong puno ng
kolorete sa mukha na tila isang “nagmumurang kamatis”.
c. pulang pula ang mukha c. hindi na makilala

d.makinis ang mukha d. matandang nag aayos dalaga


27. Masuwerte si Zephanie dahil bata pa lamang ito ay “may gintong
kutsara na ito sa bibig”.
a. Malusog c. may mapagmahal na mga magulang
b.mayaman d. wala sa pagpipilian

28. Kung saan-saan na magagandang pasyalan nakakapunta si Taylor


kaya naman binansagan siyang may “makating paa”.
c. mahilig sa gala c. mabilis maglakad
d.may alipunga d. maruming paa
29. Hindi naging hadlang kay Alice ang maging isang “anak-
dalita” dahil alam niya na ito ang magiging daan tungo sa
tagumpay na kaniyang inaasam asam.
a.mahirap c. mata pobre
b.mayaman d. mapagkakatiwalaan

30. “Halang ang bituka” ng mga taong walang awang


pumapatay at nananamantala ng mga kababaihan.
c.makapal ang bituka c. walang konsensiya
d.maingay d. may sakit sa bituka
MARAMING
SALAMAT

You might also like