Professional Documents
Culture Documents
3 Misa de Gallo A
3 Misa de Gallo A
3 Misa de Gallo A
HALINA
Koro:
Halina, Hesus, halina!
Halina, Hesus, halina!
(2x)
I. Sa simula isinaloob Mo, O
Diyos, kaligtasan ng tao;
Sa takdang panahon ay
tinawag Mo: isang bayang
lingkod sa Iyo.
II. Gabay ng Iyong bayang
hinirang, ang pag-asa sa Iyong
Mesiya;
"Emmanuel" ang pangalang
bigay sa Kanya: "Nasa atin ang
D'yos sa tuwina."
Koro:
Halina, Hesus, halina!
Halina, Hesus, halina!
(2x)
III. Isinilang S'ya ni Maria,
Birheng tangi, Hiyas ng
Hudea;
At "Hesus" ang pangalang
bigay sa Kanya: "Aming
D'yos ay tagapag-adya."
IV. Darating muli sa takdang
araw, upang tanang tao'y
tawagin,
At sa puso Mo, aming Ama'y
bigkisin, sa pag-ibig na 'di
mamaliw.
Koro:
Halina, Hesus, halina!
Halina, Hesus, halina!
(2x)
Sa ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espiritu
Santo.
Amen.
Kami’y
nangungumpisal sa Iyo,
O Diyos na
makapangyarihan,
sa lahat ng mga Santo
at sa isa’t-isa na kami’y
nagkasala
sa aming naisip, sa
aming nasabi, sa aming
mga nagawa,
at sa nakaligtaan
naming gawin; at ito’y
sarili naming kamalian.
Kaya isinasamo namin
sa Iyo, O Diyos, na
kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na
ipanalangin kami sa
Iyo Panginoong Diyos.
AMEN
LUWALHATI
LITURHIYA NG
SALITA NG
DIYOS
Isaias 11:10-12
Sa araw na iyon, lilitaw
ang isang hari mula sa
angkan ni Jesse, at ito ang
magiging palatandaan para
sa mga bansa.
Ang mga bansa'y tutungo
sa banal na lunsod upang
siya'y parangalan. Sa araw
na iyon, muling kikilos ang
Panginoon
upang pauwiin ang mga
nalabi sa kanyang bayan
na mga bihag sa Asiria, sa
Egipto, sa Patros, sa
Etiopia, sa Elam, sa
Sinar, sa Hamat at sa mga
pulo sa karagatan.
Magbibigay siya ng isang
palatandaan sa mga bansa,
at titipunin niya ang mga
anak nina Israel at Juda na
itinapon sa ibang lupain.
Pauuwiin ang mga nangalat na
anak ni Juda mula sa apat na
sulok ng daigdig.
Ang Salita ng
Panginoon!
Salamat sa Diyos!
YAHWEH, ILIGTAS
MO KAMI
Tito 3:4-7
Ngunit nang mahayag ang
kabutihan at pag-ibig ng
Diyos na ating
Tagapagligtas, iniligtas
niya tayo, hindi dahil sa
ating mabubuting gawa
kundi dahil sa kanyang
habag sa atin. Tayo'y
iniligtas niya sa
pamamagitan ng Espiritu
Santo na
naghugas sa atin upang
tayo'y ipanganak na muli at
magkaroon ng
bagongbuhay. Masaganang
ipinagkaloob ng
Diyos sa atin ang Espiritu
Santo sa pamamagitan ng
ating Tagapagligtas na si
Jesu-Cristo, upang tayo'y
gawing matuwid
sa pamamagitan ng kanyang
kagandahang-loob, at tayo'y
maging tagapagmana ng
inaasahan nating buhay na
walang hanggan.
Ang Salita ng
Panginoon!
Salamat sa Diyos!
At sumainyo rin.
Mateo 1:18-24
Luwalhati sa Iyo,
Panginoong Hesukristo!
ALLELUYA
Alleluya, alleluya,
alleluya. (2x)
SOLO: Hinirang tayo ni
Kristo upang
mamungang totoo,
bilang mabubuting tao.
Alleluya, alleluya,
alleluya. (2x)
Mateo 1:18-24
Ito ang naganap nang
ipanganak si Jesu-Cristo.
Si Maria na kanyang ina at
si Jose ay nakatakda nang
magpakasal. Ngunit bago
sila makasal, nagdadalang-
tao na si Maria sa
pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu
Santo. Subalit dahil isang
At sumainyo rin.
BAYAN:
Itinataas namin sa
Panginoon.
BAYAN:
Nararapat na Siya’y
ating pasalamatan at
purihin.
BANAL,
BANAL,
BANAL
MYSTERIUM
FIDEI
LULUHOD
ANG LAHAT.
PATER NOSTER
AGNUS DEI
PANALANGIN
BAGO ANG
PAKIKINABANG
Dumudulog kami sa
Iyong hapag, maawaing
Panginoon,
na hindi nagtitiwala
sa sarili naming
pagkamatuwid,
kundi sa Iyong marami’t
dakilang awa. Hindi kami
karapat-dapat
na mamulot ng mga
mumo sa ilalim ng
Iyong hapag.
Subalit likas
sa Iyo ang
pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa amin,
kung gayon, butihing
Panginoon,
na aming
tanggapin ang
Katawan ng Iyong
mahal na Anak
na si Hesukristo, at
inumin ang
Kanyang dugo,
upang kami na
pinalalakas at
pinagiging bago ng
Kanyang buhay,
ay manahan sa
Kanya, at
Siya’y sa amin,
magpakailanman.
AMEN
ANG
KOMUNYON
PAYAPANG DAIGDIG
Ang gabi’y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit.
Kay hinhin ng hangin
Waring umiibig
Sa kapayapaan
Ng buong daigdig
Payapang panahon
Ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos
Sa sangkatauhan
Ang gabi’y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit.
HIMIG NG PASKO
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa't damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Makapangyarihan
at walang
Hanggang Diyos
pinasasalamatan
Ka namin, sapagkat
kami’y Iyong pinakain
ng pagkaing
espirituwal; ang
kamahal-mahalang
Katawan at Dugo
ng aming Tagapagligtas
na si Hesukristo.
At sa mga Banal na
misteryong ito ay
tiniyak Mo
na kami’y mga buhay
na bahagi ng katawan
ng
Iyong Anak,
at mga tagapagmana ng
Kanyang walang
hanggang kaharian.
Ngayon Ama, isugo Mo
kami upang
gawin namin
ang tungkuling
Iniatas Mo sa amin,
upang Ikaw ay ibigin
at paglingkuran at ang
aming kapwa, bilang
mga tapat na saksi
ni Kristong aming
Panginoon:
sa Kanya, sa Iyo, at sa
Espiritu Santo,
ang lahat ng karangalan
at kaluwalhatian,
ngayon at
magpakailanman.
AMEN
Walang hanggang Diyos
na aming Ama,
Tinanggap Mo kami
bilang buhay na bahagi
ng katawan ng Iyong
Anak na si Hesukristong
aming Panginoon.
at kami’y Iyong
pinalakas sa
pamamagitan ng
sakramento ng kanyang
matagumpay na buhay.
Kami nawa ngayo’y
maging pirasong
tinapay
na handang ipamahagi
sa mga tao,
Ang pag-ibig Mo sa
ami’y lumunas nawa sa
mga sugat na nilikha
namin.
Ang Iyong salita sa
aming mga labi nawa’y
magpahayag ng
kapayapaan sa lahat
ng Tao. Isugo Mo kami
nang may magandang
tinatanaw at lakas
upang mapaglingkuran
ang Iyong Anak
Maging sa pinaka-aba
niyang mga kapatid.
Kaya’t pupurihin at
luluwalhatiin ang Iyong
pangalan, ngayon at sa
panahong darating
hanggang ang lahat ay
maganap sa Iyong
kaharian. AMEN.
LULUHOD
ANG LAHAT.
AMEN
At sumainyo rin.
Salamat sa
Diyos!