Panahon NG Katutubo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

PANAHON NG

KATUTUBO
Panimula

Bago ang pananakop ng iba’t ibang lahi


sa ating bansa, may sarili na itong
pamahalaan, batas, pananampalataya,
sining, panitikan, at wika. Isa sa mga
nagpatunay nito ay si Padre Pedro
Chirino. Sinabi niyang may sariling wika
at sistema ng pagsulat ang Pilipinas na
tinatawag na alibata.
Ang Alibata
 Nilalagyan ng kudlit sa ibabaw kapag
bibigkasin ang BE/BI

 Nilalagyan ng kudlit sa ilalim kapag


bibigkasin ang BO/BU

 Nilalagyan ng + sa tabi kapag


nawawala ang bigkas na A
Paghahati ng Panahon

Nahahati ang panahon ng katutubo sa:

1. Panahon ng Kwentong-bayan

2. Panahon ng Epiko at Tulang-bayan


PANAHON NG KWENTONG-BAYAN

 Mayaman sa kwentong-bayan ang


Pilipinas. Ito ang kabang-yaman ng ating
panitikan. Msasalamin dito ang buhay ng
atin mga ninuno.

 Ang panahon na ito ay kinabibilangan ng


mga (a) kwentong-bayan, (b) kantahing-
bayan at (c) karunungang-bayan at
bulong.
a. Kwentong-bayan
 Batay sa artikulong sinulat ni Dr.
Damiana Eugenio na kilala sa larangan
ng Folklore sa Pilipinas, ang “Legends
and Folklores”, nahahati sa tatlong
mahahalagang pangkat ang
kwentong-bayan:
-Mito - Alamat -Salaysayin
- Mito
o Tuluyang pagsasalaysay na itinuturing
na totoong naganap sa lipunan noong
mga panahong nagdaan.
o Pinaniniwalaan ito sapagkat tinuruan
silang ito’y paniwalaan.
o Karaniwan itong itinuturing na
sagrado. Kaugnay rin dito ang
teolohiya at ritwal.
Mga halimbawa ng Mito ng
mga Katutubo

o “Kaawn Kissa Hi Apu Adam Iban Hi Apu’


Hawa”
–Tausug
(Si Lolo Adan at Si Lola Eba)

o “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”


–Maranao
- Alamat
o Tuluyang pagsasalysay na kaiba sa mito dahil
itinuturing itong totoo ng mga nagkukwento at
nakikinig.

o Tao ang pangunahing tauhan.

o Isinasalaysay rito ang tagumpay na nagawa ng mga


bayani, hari o datu at ng mga nangungulo sa bayan.

o Nabibilang dito ang mga natatagong yaman, mga


santo, engkanto at mga multo
- Alamat
o May dalawang pangkat ang alamat:

Etiological- mga nagpapaliwanag na mga alamat


na sumasagot sa tanong na kung paano
pinangalanan ang mga bagay o pook

Non-etiological- nauukol sa mga dakilang tao at


sa pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasama
rito ang mga aswang, tikbalang, engkanto,
multo.
Mga halimbawa ng Alamat ng
mga Katutubo

o “Ang Alamat ng Ilog- Cambinlew”


o “Ang Alamat ng Adjong”
o “Ang Alamat at mga Milagro ng Nuestra
Senora del Pilar”
o “Ang Bayan ng Sta. Cruz”
o “Ang Alamat ng Pulang Curacha”
o “Ang Santelmong Nais Maghiganti”
b. Kantahing-Bayan
 Oral na pagpapahayag ng damdamin
ng mga katutubo. May iba’y ibang uri
ito batay sa okasyong pinaggagamitan
nito. Naririto ang mga kantahing-
bayan:
-Oyayi - Diona -Soliranin o Talindaw
-Kundiman -Kumintang
Mga halimbawa ng Kantahing-bayan

Oyayi- Awit sa Pampatulog ng sanggol


Diona- awit sa kasal
Kundiman- awit ng pag-ibig
Kumintang- awit-pandigma na
tinatawag ding tikam.
c. Karunungang-Bayan

 Nagpapairal sa talas ng isip ng ating


mga katutubong ninuno. Ang
Karunungang-bayan ay binubuo ng
mga:

-Bugtong -Palaisipan
-Salawikain -Kasabihan
Mga halimbawa ng Karunungang-
bayan

Bugtong at Palaisipan- binubuo ng mga


parirala o pangungusap na patula at
patalinghaga. Iba’t ibang bagay ang
ginagawang bugtong at palaisipan ng
mga ninuno.
Bugtong Palaisipan
Dala mo, dala ka, Nang maliit pa’t
Dala ka ng iyong Batang paslit
dala. Araw-gabi’y nakatapis
Nang lumaki’t magkaisip,
Di hari, di pari Araw-gabi’y nakabulislis
Nagdadamit ng
sarisari
Mga halimbawa ng Karunungang-
bayan

Salawikain at Kasabihan- Nagpapayahag


ng aral at nagiging batayan ng mabuting
pag-uugali ang mga salawikain.
Kinasasalaminan naman ng mentalidad
ng sambayanan ang mga tinatawag na
kasabihan.
Salawikain Kasabihan
Ang kapalaran ko May dumi sa ulo
Di ko man hanapin Ikakasal sa Linggo.
Dudulog lalapit
Kung talagang akin

Ang dila ng tao ay Putak, putak


tatatlong dali, Batang duwag
Ngunit pinapatay kahit Matapang ka’t
isang hari Nasa pugad.
PANAHON NG EPIKO
 Ang epiko ang naglalarawan ng mga
buhay-buhay ng kanilang mga
bayani na nais nilang gawing
huwaran ng kanilang kabataan.

 Ang kahalagahan ng kalinangang


matatagpuan sa epiko’y ang pag-
iingat ng kahalagahang institusyunal.
a. Ritwal: Pinag-ugatan ng mga Dula

 Ang mga sayaw at ritwal na ito’y naglalarawan at


nagsasalaysay ng iba’t ibang aspekto ng pag-
araw-araw na kabuhayan at kultura ng bawat
tribu. Maaaring ang mga ito’y nauukol sa pag-ibig,
kamatayan, pakikipagdigmaan, pag-aani ng palay,
o kaya’y panggagaya ng mga kilos ng mga hayop.
Halimbawa ng Ritwal

1. Binabayani 6. Igal-kusa
2. Balamban 7. igal-buwani
3. Banog-banog 8. Dual
4. Kabal-kabal 9. Kalapati
5. Kin-naras 10. Culebra
b. Epiko

 Isang mahabang tulang-buhay o tulang


pasalaysay na nagpapakilala ng
pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Tauhang
may di-pangkaraniwang lakas sa
pakikipagtunggali sa kanyang mga kalaban.
Dalawang Uri ng Epiko Batay sa Punto

o Epiko ng mga Kristiyano

o Epiko ng mga Di-Kristiyano


o Epiko ng mga Kristiyano

 Mga epikong tumatalakay sa masidhing


pamumuhay ng isang kristiyanong may
pambihirang katangian.
Hal:

Ibalon
Labaw Donggon
o Epiko ng mga Di-Kristiyano
 Epikong tumatalakay sa pambihirang
pakikipagsapalaran ng isang taong may
ibang relihiyon o ispiritwal na paniniwala na
may natatanging pagkatao.
Hal:

Hudhud Tuwaang
Alim Darangan

You might also like