Oct 17-21 2022 (Ikawalong Linggo) - 3rd

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FilipiKNOW

TAPON-PABALIK
Imo
LAYUNIN

1.Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga


ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri
nito;
2.Nakasusulat ng sariling opinyon tungkol sa mga
dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang
Asyano; at
3. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag
ng sariling pananaw.
DEBATE

Ang debate ay may estrukturang pagtatalo na


kung saan ang dalawang panig o pangkat ay
naglalahad ng magkasalungat na ideya o
pangangatwiran ukol sa napagkaisahang paksa. Ang
kadalasang paksa sa debate ay mga kontrobersyal o
napapanahong isyu. Ang panig na sumasang-ayon sa
paksa ay tinatawag na proposisyon, samantalang
ang oposisyon naman ang panig na sumasalungat. 
DEBATE

Sa isang debate ay maaaring mayroong moderator


o tagapamagitan na siyang nagsisilbing gabay sa
kaayusan ng daloy ng debate. Ang tagapamagitan
ang nakatalaga upang simulan ang pagtatalo,
gabayan ang mga kalahok, at tapusin ang debate.
Bukod dito, kinakailangan din ng mga hurado upang
mapagpasyahan kung sino ang mas nakakahikayat sa
dalawang panig. Ang mga hurado ay dapat na
hindi bias at walang kinikilingan sa dalawang panig
Pangkatang gawain

Gawain: Debate
Mekaniks:
1. Hahatiin ang klase sa dalawa. Bawat pangkat ay
magkakaroon ng Tagapamagitan, proposisyon at
oposisyon.
2. Bibigyan ng limang minuto para sa brainstorming
ukol sa parehong paksa. (Susukatin ng guro ang
pagkakaiba ng paraan ng pag-atake ng ideya ng
magkaibang pangkat sa parehong sitwasyon)
Pangkatang gawain

3. Bawat punto ay ipapahayag sa loob ng apatnapung


segundo. Sa bawat kakulangan o kalabisan sa
naturang minuto ay may kaukulang bawas sa puntos.
4. Ang debate ay tatagal lamang ng pitong minuto
PARAAN NG PAGPUPUNTOS

10 puntos (KABUUAN)
-1.0 (mali/ malayong punto)
-0.5 (20 segundong kulang)
-0.5 (20 segundong sobra)
-0.5 (10 segundong patlang
sa ere)
 
+1 (mabigat na punto)
BAONG
KAALAMAN
PAKSA: Dapat bang
tuluyang tanggalin ang
pagbibigay ng takdang
aralin sa mga mag-aaral?

You might also like