Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 149

kahulugan ng

wika
Ayon kay Henry Gleason,
ang wika ay isang
masistemang balangkas
ng mga sinasalitang
tunog na pinili at
isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit
sa komunikasyon ng isang
pangkat ng taong
nabibilang sa isang
kultura.
ANO ANG MGA
KATANGIAN NG WIKA
MASISTEMANG
BALANGKAS
MASISTEMANG BALANGKAS
Kapag sinasabing
masistema, ang ibig
sabihin nito ay may
kaayusan o order,
bawat wika kung
ganoon ay may
kaayusan ang
istruktura
Sinasalitang
Tunog
Maraming mga tunog sa
paligid na makahulugan
ngunit hindi lahat ay
maituturing na wika.
Pinipili at isinasaayos
sa paraang
arbitraryo
Ang kahulugan ng
arbitraryo ay
napagkasunduan.
Ang bawat wika ay
isinasaayos sa paraang
pinagkasunduan ng
pangkat ng mga taong
gumagamit nito.
Ang wika ay
Binubuo ng
mga Tunog
Upang magamit nang
mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-
sama ang mga binibigkas
na tunog upang makalikha
ng mga salita.
Ang Wika ay may
Kakanyahan
Lahat ng mga wika ay may
sariling set ng mga
palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika.
May katangian ang isang
wika na komon sa ibang
wika samantalang may
katangiang namang
natatangi sa bawat wika.
Ang Wika ay
buhay o Dinamiko
Patuloy na nagbabago
at yumayaman ang
wika. Nagbabago-
bago ang kahulugan
ng isang salita na
dumaragdag naman
sa leksikon ng wika
Humihiram ang
wika ng fonema
at morfema sa
ibang wika
kaya’t ito’y
patuloy na
umuunlad.
 Maraming mga salita ang hindi
maisalin sapagkat wala silang
katumbas sa ibang mga wika.
Dahil sa ganitong pagkakataon,
napipilitang humiram ng salita
mula sa isang wika sapagkat
hindi komon ang salita sa kultura
ng wikang patutunguhan.
Ang wika ay bahagi ng
karamihang anyo/uri ng
komunikasyon
 sa komunikasyon ng
mga pipi, hindi wika
ang kanilang
ginagamit kundi kilos.
Hindi wika ang
kanilang midyum
sapagkat hindi nito
taglay ang katangian
ng isang ganap na
wika.
Nasusulat ang
Wika
Bawat tunog ay
sinasagisag ng mga
titik o letra ng
alpabeto. Ang tunog
na “bi” ay
sinasagisag ng titik
na “b”. /b/
May lebel o
antas ang wika
Pantao
Natatangi
Malikhain
Kahulugan ng Wika
Nagmula ang salitang wika sa salitang Latin na
Lengua na ang literal na kahulugan ay dila, kaya’t
magkasintunog ang mga salitang lengua (dila) at
lingua (wika).
Isang Sistema
Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog
Ginagamit para sa komunikasyon ng tao
Ang wika ay kumakatawan sa kung ano ang sinasabi
ng isang tao at kung ano ang kanyang pagkatao.
Ang wika ay dumudukal at lumilinang ng
karunungang ginagawang salalayan sa pagtatamo ng
makabuluhang landas ng buhay.
KALIKASAN
NG WIKA
• Pinagsama-samang tunog
• May dalang kahulugan
• May ispeling
• May gramatikal istraktyur
• Sistemang oral-awral
• Pagkawala at o pagkamatay ng
wika
• Iba-iba, diversifayd, at
pangkatutubo
Mga pangunahing
gamit ng Wika
• Pagpapangalan
(labeling)
• Interaksyon
• Transmisyon
Kahalagahan ng
Wika
o Behikulo ng kaisipan
o Daan tungo sa puso ng isang tao
o Nagbibigay ng mga kautusan o
nagpapakilala sa tungkulin at
katayuan sa lipunan ng nagsasalita
o Kasasalaminan ng kultura ng isang
lahi maging ng kanilang karanasan
o Tagapagbigkis ng lipunan
o Pagkakakilanlan ng bawat
pangkat o grupong gumagamit ng
kakaibang mga salitang hindi
laganap
o Luklukan ng panitikan sa kanyang
artistikong gamit
o Kasangkapan sa pag-aaral ng
kultura ng ibang lahi
MGA TEORYANG
PANGWIKA

Inihanda ni:
Jean June P. Rodriguez, Maed
MGA TEORYANG
PANGWIKA
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika.
Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao, hindi pa
rin maipaliwanag kung saan, paano at kalian talaga
nagsinula ang wika.
Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon
ay wal pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa
pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahapan ng patunay subalit nananatili
pa ring hiwaga.
Teorya

Ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t


ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga
batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng
iba’t ibang eksperto.
Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman ang sa iba. May ilang
nagkakaugnay at may ilan naming ang layo ng
koneksyon sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya:
Tore ng babel
Batay sa estorya ng Bibliya, iisa lamang
ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan
ang tao.
Naghangad ang tao na higitan nag
kapangyarihan ng Diyos. Naging
mapagmataas at nag-ambisyong mapataas
ang langit at nagtayo ng pagkataas-taas na
tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao,
subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng
kanyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore.
Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat
isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-
hiwalay ayon sa wikang sinasalita (Genesis
kab. 11:1-8).
Bow wow

bow wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw


ng tao ay mula sa panggagaya ng tunog ng
kalikasan. Ang primitibong tao diumano ay
kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa
kanilang paligid ay natutunan nilang tinagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng tao.
Marahil ito ang dahilan kung bakit
ang tuko ay tinatawag na tuko dahil sa
tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang
natuto pa lamang magsalita. Hindi
ba’t nagsisimula sila sa panggagaya
ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag
nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay
miyaw.
DINGDONG
Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika
ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi
limitado sa mga kalikasan lamang kung ‘di maging sa mga
bagay na likha ng tao.
Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog ang siyang
ginagad ng mga sinaunang tao na kauna’y nagpabago-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Tinatawag din itong Max Muller na simbolismo ng tunog.
POOH-POOH
Unang natutong magsalita ang tao
nang hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap kalungkutan, takot, pagkabigla
at iba pa.
YO-HE-HO
Pinaniniwalaan ng linggwistang si
A.S. DIAMOND (Berel, 2003) na ang tao
ay natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayo’y nakalilikha ng tunog kapag tayo’y
nag-eeksert ng pwersa.
YUM-YUM
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi nito
na ang na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang
bagay na nangangailangan ng aksyon. Ang
pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng
dila. Katulad halos ng teoryang tata ang
mga paliwanag ng mga proponent ng
teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
TA-TA
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o
galaw ng kamay tao ng kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita.
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat
kapag ang isang tao nga naming nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay ng pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas ng galaw ng dila
kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
SINGSONG
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson
na ang wika ay mula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw
at iba pang bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sda iba
pang teorya, ang mga unang salita ay
sadyang mahahaba at musikal,at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.
HEY YOU
Hawig ng teoryang pooh-pooh.
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na
bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao ang wika. Ayon sa kanya,
nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napabulalas din tayo
bilang pagbabadya ng takot, galit o
sakit )Saklolo!).
COO COO

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay


nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang
ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa
paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na
ang mga bata ang nanggagaya ng mga tunog
ng mga matatanda.
BABBLE LUCKY

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay


nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng
tao. Sa pagbulalas ng tao, sinuwerte daw
lamang siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha
ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na
kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
HOCUS POCUS
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang
pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga
unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng
mga mahikal na tunog na kalaunay nagging
pangalan ng bawat hayop.
Eureka!
Sadyang inembento ang wika ayon sa teoryang
ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may
ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog
upang ipakahulugan bsa mga tiyak na bagay .
Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis
na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay
(Boeree, 2003).
La-la
Mga pwersang may kinalaman sa
romansa. Ang salik na nagtutulak sa
tao upang magsalita.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may
mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa
paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay
ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong.
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat
sa mga tunog na kanilang nililikha.
MAMA

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa


pinakamadaling pantig ng pinakamahalagang
bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’y
hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit
dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang
mama bilang panumbas sa salitang mother.
RENE DESCARTES

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t


likas sa kanya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kanyang kalikasan bilang tao. May aparato ang
taolalo na sa kanyang utak gayundin sa pagsasalita
upang magamit sa mataas at komplikadong antas
ang wikang kailangan niya hindi lamang para
mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang
tungkulin nito sa kanyang buhay.
PLATO

Nalikha ang wika bunga ng


pangangailangan. Necessity is the mother
of all inventions. Sa paniniwalang ito,
gaya ng damit, tirahan at pagkain,
pangunahing pangangailan din ng tao ang
wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.
JOSE RIZAL
Kung lahat ng likas na bagay ay
galing sa Poong Maykapal, bakit
hindi ang wika? Nanininwala ang
pambansang bayani na kaloob at
regalo ng Diyos ang wika sa tao.
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo
ang wika. Surivival of the fittest, elimination of
the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin.
Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika.
Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na
may pamagat na “On the Origin of the Language”,
sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao
para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makallikha ng iba’t ibang wika.
Wikang aramean
Believes that all language originated from their
language, Aramean or Aramaic, Syria.
May paniniwalang ang kauna-unahang wika
ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean.
Sila ang mga sinaunang taong naninirahan sa
Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na
Aramaic ang kanilang wika.
Haring psammatichos
Sinasabi sa paniniwalang ito na ibang hari ng
Ehipto, gumagawa ng isang eksperimento si
Psammatichos kung paano nga ba nakapasasalita
ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki
sa loob ng kuweba at mahigpit na ipinag-utos na
hindi ito dapat makarinig ng anumang salita.
 Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng
“Bekos” ang dalawang bata na ang ibig sabihin
ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan
ng tao ang wika kahit hindi ituro ang
pinanghawakan ang teoryang ito.
Sa pananaliksik naman ay
ginawa sa larangan ng sikolohiya,
ang sumusunod na teorya ay may
malaking impluwensya sa proseso
ng pagkatuto, (Castillo et. al.,
2008).
Teoryang behaviourist
◦ Batay sa teoryang ito, ang mga bata ay ipinanganak na may
sapat na lakas at kakayanan sa pagkatuto. Ang gawi at kilos ay
maaring habugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang
kapaligiran. Ayon kay Burhuss Frederic Skinner (1968),
pangunahing tagapagsulog ng teoryang behaviourist, higit na
pinagtuunan ng pansin sa teoryang ito ang pag-aalaga kaysa
sa pag-unlad ng intelektwal. Maaring mapatibay ang
kakayahan sa pamamgitan nang pagganyak (motivation) na
makapagkilos, makapagbigay sigla at mapapatibay ng
pagpapahalaga.
Teoryang behaviourist
◦ Batay sa teoryang ito, ang mga bata ay ipinanganak na may sapat
na lakas at kakayanan sa pagkatuto. Ang gawi at kilos ay maaring
habugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.
◦ Ayon kay Burhuss Frederic Skinner (1968), pangunahing
tagapagsulog ng teoryang behaviourist, higit na pinagtuunan ng
pansin sa teoryang ito ang pag-aalaga kaysa sa pag-unlad ng
intelektwal.
◦ Maaring mapatibay ang kakayahan sa pamamgitan nang
pagganyak (motivation) na makapagkilos, makapagbigay sigla at
mapapatibay ng pagpapahalaga.
◦ Para kay B.F Skinner, ipinagpalagay na nag
bawat isa sa atin ay may kakayahang matuto ng
wika. Ang konsepto ng pagkatuto para kay
Skinner ay itinatakda sa mga panloob na salik.
◦ Ang ilan sa mga halimbawa ng mga panloob na
salik ay ang mga mekanismo ng mga pagsasalita
tulad ng dila, ngipin, bibig, labi at iba pa.
◦ Tumutukoy naman ang mga panlabas na salik sa
mga tunog na naririnig o ipinakikinig sa mga
bata.
Sa punto naman ng eksternal na
pagkatutuo, ipinalalagay ng mga
behaviourist na mga pagkatuto ng wika
ay naapektuhan din ng kanyang
kapaligiran. Kapuna-puna na ang mga
batang madalas kausapin ay higit na
madaling magsalita.
◦ Sa pag-aaral na ginawa sa ibayong dagat,
(Journal of Nature Neuroscience), may
malaking ugnayan ang mga tunog na
ipinakikinig sa mga batang wala pang taong
gulang sa bilis ng kanilang pagkatuto sa
pagsasalita.
◦ Sa pag-aaral ng kanilang utak, Nakita na ang
mga tunog ay maaaring makaistimyuleyt ng
bahagi ng utak na may kinalaman sa
pagkatuto ng wika. Ito ay dahil sa ang bahagi
ng utak na may kinalaman sa wika at musika
ay nasa isang bahagi at rehiyon lamang ng
utak (Brocas Area).
Teoryang Innative

◦ Ito ang teorya na nagsasabi na ang pagkatuto ng wika


ng bata ay batay sa kanayang angking likas na
kakayanan. Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng
wika sa isang bata sa gulang na lima o anim na taon.
◦ Sa paliwanag ni NOAM CHOMSKY, ang kakayanan
sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula pagkasilang
na umuunald mula sa pakikipag-interaksyon ng bata
sa kanyang kapaligiran kung saan nagbibigay-hugis
ang kanyang kakayahang sosyo-kultural.
◦ Binigyang-linaw din ni Chomsky ang
“LANGUAGE ACQUISITION DEVICE” (LAD).
Ang nasabing instrument ay isang aparato sa isip
na taglay nmg isang bata.
◦ Ito ay tumatanggap ng mga impormasyon mula
sa kapaligiran mula sa anyo ng wika.
◦ Ang wikang ito ang siyang gamit sa pagsusuri
at batayan ng bata sa pagbuo ng tuntunin habang
nakikipag-usap na siyang nagiging
pagpapahalaga ng bata hanggang sa marating
ang kaganapan ng kanyang edad.
Teoryang cognitive
◦ Ayon sa pananaw sa Teoryang cognitive, ang pagkatuto
ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang
bagay o pangyayari. Kailangang nauunawaan ng tao
ang mga impormasyon o kabatirang natanggap upang
makabuo ng isang orihinal na pangugusap.
◦ Sa teoryang ito, ang kamalian sa paggamit ng wika ay
karaniwan aty kadalasang nangyayari. Ayon sa pa rin sa
mga cognitivist, ang pagkakamali ay palataandaan nang
pagkakatuto.
Larangan ng kognitibong sikolohiya
Ayon sa larangang ito, ang mga bata ay unang
natutong bumuo ng biswal na larawan bago pa
man siya magsalita. Mapupuna na tinititigan tayo
ng mga bata nang masinsinan bago niya
masimulan na lagyan tayo ng taguri bilang mama,
papa, daddy at iba pa. karaniwang ipinaririnig
muna natin ang mga salitang ito, nasa kalaunan ay
kakikitaan na natin ang mga bata na pinagsasabay
ang mga tunog (wika) at biswal na pagkilala.
Larangan ng kognitibong sikolohiya
pangunahing proponent ng teoryang
cognitve ay ang mga kognitibong
sikolohista . Itinataguyod ng mga cognitivist
na imposibleng matuto ng lenggwahe ang
mga bata kung hindi sil natutong makapag-
impok ng mga non-linguistic na imahe na
kalaunan ay magiging wika na siyang kusang
lumalabas sa bibig ng mga mananalita.
Larangan ng kognitibong sikolohiya

Sa pamosong haypotesis ni Benjamin


Whorf (1956) sinasabi na…the categories
and relations that we used to understand the
world come from our particular language, so
that the speakers of different languages
conceptualize the world in different ways\
language acquisition, then, would you be
learning to think, not just learning to talk.
Larangan ng kognitibong sikolohiya

maipagpalagay natin na ang diwa ng isang


bata/tao ay maaaring itakda ng wika – ng
iskema o imaheng nabuo niya sa kanyang
isipan, batay na rin sa karanasan na dinanas
niya na nagbunsod sa tao na linangin ang
wika na siya lamang ang makauunawa.
Maaari itong magbago batay sa ebolusyon ng
wikang kanyang ginamit.
Page at pinnel (1979)
 Ang teoryang Cognitive at teoryang Innative ay halos
magkatulad.

 Ang tanging pagkakaiba ng dalawang teorya ay ang


implikasyon nito sa paraan ng pagkatuto ng bata.

 Pinaniniwalaan ng mga innativist na ang supporta ng


pagtatamo ng wika ng bata ay hindi kinakailangan dahil
likas na niya itong natutunan.
 Samantala, pinaniniwalaan naman ng mga Cognitivist
na upang mabilis na matuto ng wika ang bata,
kailangan ang pakikipag-ugnayan sa kapaligiran.
Page at pinnel (1979)
Sa konsepto ni Lev Vygotsky (zone of proximal
development), malaki ang papel na ginagampanan
nang kamalayan ng bata sa kanyan kapaligiran, na
siya namang nagtatakda nang kanyang pagkatuto.
Hindi magsasalita ang isang bata ng isang salita
kung hindi niya ito narinig o hindi ito iparirinig.
Ang kanyang kamalayan sa wika at diwa nito ay
naiimpluwensiyahan ng kanyang kapaligiran.
Halimbawa, ang isang bata ay maaaring
magwika ng mama, ngunit hindi naman
ito pinatutukuyan ang kanyang
biyolohikal na ina, na sa tamang
paghihikayat, maaari natin iayon ang
pagsasalita ng bata tungo sa ating
kagustuhan.
Mula dito, magsisimulang magkaroon
ng kognitibong kamalayan ang bata sa
wikang kanyang ginamit.
TUNGKULIN NG WIKA
PANG –INTERAKSYON
-nakapag papanatili/
Nakapagpatatag ng relasyon sosyal
-hal. Pangungumusta; pagpapalitan ng
mga Biro; Liham Pangkaibigan
PANG-INSTRUMENTAL

tumutugon sa mga
pangangailangan

-hal. Pakikiusap; Pag-


uutos;Liham pangangalakal
PANREGULATORI

kumokontrol / gabay sa kilos


ng iba.

-hal. Pagbibigay ngDireksyon; Paalala


Panuto
PAMPERSONAL

nakapagpapahayag ng sariling
damdamin o opinion

-hal. Pormal/ Di-pormal na Talakayan;


liham sa patnugot
PANG-IMAHINASYON

ito ay nakapagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan

-hal. Pagsasalaysay; Paglalarawan;


Akdang pampanitikan
PANG-HEURISTIKO
naghahanap ng impormasyon/
datos

-hal.Patanong; Pakikipanayam;
Sarbey; Pananaliksik
PANG- IMPORMATIB
nagbibigay ng impormasyon

-hal. Pag-uulat; Pagtuturo;


Ulat; Pamanahong Papel
Ano ang ortograpiyang
Filipino?
Ang ortograpiya ay ang
representasyon ng mga tunog ng
isang wika ng nakasulat o
nakalimbag na mga simbolo tulad
ng alpabeto
BAYBAYIN O ALIBATA SILABARYO
Bago dumating ang mga kastila
ay may sarili nang alpabeto ang
mga lumad sa kapuluang ito. Ito
ay dahil tinatawag na
ALIBATA O BAYBAYIN.
Pinalitan ito ng alpabetong
Romano nang dumating ang
mga kastila.
ALPABETONG ROMANO
•Tinuturuan ng mga kastila ang
mga Pilipino sa paggamit ng
ALPABETONG ROMANO.
Ang mga titik ay tinatawag ng
kastila, alalaong baga’y
nakikilala sa tawag na
ABECEDARIO.
Unang Ortograpiyang
ng wikang Pambansa
(1940-1971)
Taong 1940 o tatlong taon matapos buuin
and wikang pambansa oWikang Pambansa
Batay sa Tagalog Ayon na rin sa nasasaad sa
1935 constitution, isinilang ang kaunaunahang
ortograpiya. Binuo ni LOPE K. SANTOS,
• Ang ABAKADA

TITIK 25 28 20
15=katinig
5-patinig na may 20 letra:
A b k d e g h i l m n ng o p r
s t u w y.
Ikalawang
Ortograpiya ng
Wikang Pambansa
(1971-1987)
•Noong Oktubre 4, 1971 o labing dalawang
taon matapos palitan ng pangalan Pilipino ang
Wikang Pambansa o Wikang Pambansa Batay sa
Tagalog, ipinagtiba ng sanggunian ng Surian ng
Wikang Pambansa (ngayon ay Komunikasyon sa
Wikang Pambansa)
•Ang ortograpiyang Pilipino na tinaguriang
“PINAGYAMANG ALPABETO” na binubuo ng
Titik 30 28 31

•a, b, c, ch , d, e, f, g, h, I, j, k, ,l ll, m, n, ῆ,
ng,o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z,.
•Ikatlong Ortograpiya ng
Wikang Pambansa
(1987-2001: FILIPINO)
Sa 1973 Constitution, nasasaad ang pag develop at pag
kakaroon ng pambansang wikang tatawaging Filipino. Sa
sumunod na taon, tinwag ng Filipino ang wikang
pambansa. Taong 1987 ay ipinakilala ang tinaguriang
ortograpiyang Filipino na tinaguriang “MAKABAGONG
ALPABETO”
TITIK 28 26

a b c d e f g h I j k l m n n ng o p q r s t u v w x y z.
•Inalis ang mga degrapong ch II at rr.
•Ikaapat na ortograpiya ng
Wikang Pambansa
(2001-2006: Filipino)
Noong 2001 muling nagkaroon
ng rebisyon sa alpabetong Filipino
upang tugunan ang patuloy na
development at/ o istandardisasyon
ng sistema ng pag sulat sa Filipino.
Sa rebisyong ito, sinasabi na
pinaluwag ang paggamit ng mga
letrang c f j ῆ q v x z.
Ipinagagamit ang mga ito sa
ispeling ng lahat ng hiram na salita
anoman ang barayti nito kasama
ang hindi pormal at hindi teknikal
na barayti, o iyong tinatawag na
karaniwang salita. Oktubre 9, 2006
ang pansamantalang ipinatigil ito at
ang ikatlong ortograpiya.
1987-
•Sa REKOMENDASYON ng Linangan ng
mga wika sa Pilipinas (ang dating surian
ng Wikang Pambansa at tinatawag na
KWF ngayon), nilagdaan ng kalihim
LOURDES R. QUISUMBING ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at
palakasan ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng
bagong alpabeto at patnubay sa
pagbabaybay ng wikang Filipino.
2001
•Tungo sa mabilis na
estandardisasyon at
intelektuwalisasyon ng Wikang
Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa
wika ang PAGSUSUSPINDE sa
2001 Revisyon ng Ortograpiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino.
2006
Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan
ng Wikang Filipino, ipinagtibay-alam ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang pag
sususpinde sa 2001 Revisyon ng
ortograpiyang Filipino at samantalang
nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-
aaral, konsultasyon at hanggat walang
nababalangkas ng mga bagong tuntunin sa
pagbaybay, magsisilbing tuntunin at
Patnubay sa Ispeling sa Wikang Filipino ng
taong 1987.
2009-
Ipinalabas ng Komisyon ng Wikang
Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay
ng Linggwistika ang Gabay sa Ortograpiyang
Filipino. TULUYAN NG ISANTABI ANG
2001 REVISYON ALPHABETO AT 1987
ALPHABETO, bagamat ano mang tuntunin
sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009
GABAY AY MANANATILING
IPAPATUPAD.
Piliin ang tamang baybay ng mga
salita.
MERALCO /em-i-ar-ey-el-si-o /
/em-ay-ar-ey-el-si-o /
/em-ay-ar-ey-el-si-o/
Boto /bey-o-ti-o/
/be-o-ti-o/
/bi-o-ti-o/
A B C D E F
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/
GH I J K L
/ji//eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/
M N Ñ NG O P
/em/ /en/ /enye/ /enji/ /o/ /pi/
QR S T U V
/kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/
W X Y Z
/dobolyu/ /eks/ /way /zi/
Piliin ang tamang baybay ng mga
sumusunod na salita.
Pizza pie = pissa pay piza pie pizza
pie
Familia = familya pamilya pamilia
Berde = berdeng-berde
Berding-berde
Ano = anu-ano ano-ano ano-anu
Atake = atakehin atakihen atakihin
•Sa pagbaybay ng mga
hiram na salita mula sa mga
banyagang wika, panatilihin
ang orihinal nitong anyo.
•Status quo Pizza pie
•Bouqet Samurai
Familia = familya pamilya
pamilia
•Sa pag baybay ng salita mula sa
español, baybayin ito ayon sa
ABAKADA
•Familia - pamilya
•Baῆo - banyo
•Cheque - tseke
•Maquina- makina
Sa pag-uulit ng salitang-ugat na
nagtatapos sa patinig na e hindi ito
pinapalitan ng letrang i.
Kinakabitan ng pang-ugnay/linker
(-ng) at ginagamitan ng gitling sa
pagitan ng salitang-ugat.
•Berde - berdeng-berde
•Kape - kapeng-kape
•Sa pag-uulit ng salitang –ugat na
nagtatapos sa patinig na o hindi ito
pinapalitan ng letrang u.
Ginagamitan ng gitling sa pagitan
ng salitang-ugat.
•Ano - ano-ano
•pito - pito-pito
•Sino - sino-sino
•Halo - halo-halo
•Kapag hinuhulapian ang huling
pantig ng salitang-ugat na
nagtatapos sa e. ito ay nagiging i
at ang o ay u.
•Korte - kurtihan
•Salbahe - salbahihin
•Atake - atakihin
•Balot - balutin
Alin sa mga sumusunod ang tamang
baybay ng mga sumusunod na salita.
•Student = estudyante istudyante
•Tradicion = tradisyonal tradisyunal
•Convencion = kumbensiyon kunbensiyon
•Dialogue = dayalogo diyalogo
•Bouquet = buket bouquet
•Chapter = sapter tsapter
•Scholar = skolar iskolar
•Sa mga salitang hiram sa Espanol na
may e, panatilihin ang e
•Estudyante - hindi istudyante
•Estilo - hindi istilo
•Espiritu - hindi ispiritu
Tradicion = tradisyonal tradisyunal
•Sa mga salitang hiram sa Español ay
may o, panatilihin O.
•Politika - pulitika
•Opisina - hindi upisina
•tradisyonal - hindi tradisyunal
•koryente - hindi kuryente
•Convencion = kumbensiyon kunbensiyon
May mga salitang hiram sa Español na
Nababago ang kasunod na katinig, ang o ay
nagiging u sa ilang mga salitang sinusundan ng n
o pai-long na katinig. At ang n ay nagiging m.
•convencion - kumbensiyon
•conferencia – kumperensiya
•convent - kumbento
•Conforme - kumporme
•convulcion - kumbulsiyon
•dialogue = dayalogo diyalogo
Mga salitang hiram sa Español at Ingles.
Kung hindi tiyak ang pag-tutumbas, hiramin ang
orihinal na Español at Ingles.
•Español Filipino Ingles
•Imagen imahe image
•Dialog diyalogo dialogue
•Prioridad priyoridad priority
Hindi ipinapayong panumbas ang mga sumusunod:`
•Imeyds - imahe (para sa image)
•dayalog - diyalogo (para sa dialogue)
•prayoriti - priyoridad (para sa priority)
Panghihiram sa Wikang Ingles: kung wikang
Ingles at iba pang wikang dayuhan ang
pinaghiraman, panatilihin ang orihinal na
ispeling
kung makalilito ang pasasa-Filipino ng
baybay.
•toupee habeas corpus
•spaghetti bouquet
•reservoir depot
•Panatilihin ang orihinal na baybay ng
mga salitang
pantangi, teknikal, pang-agham at mga
simbolong
pang-agham at matematika.
•Manuel Quezon varicose vein
Biñan, Laguna
•Video tape X-ray carbon
Dioxide
•Fe (iron) Zno (Zinc oxide)
v(velocity)
Palitan ng ts ang ch at baybayin
sa Filipino.
•chinelas - tsinelas
•chapter - tsapter
•chart - tsart
•chocolate - tsokolate
Piliin ang tamang baybay ng mga
sumusunod na salita.

•Shooting – syuting sowting shoting


•bulletin - boletin buletin bulletin
•Sport - isport esport sport
Censorship - sensorsyip
Sensorship
•Mga salitang may sh
•Panatilihin ang orihinal na anyo
•Shower shuttle
•Shop sheik
•Showcase
•Palitang sy ang sh at baybayin sa Filipino
•Workshop - worksyap
•Shooting - syuting
•Censorship - sensorsyip
•Scholarship - iskolarsyip
Sport - isport esport sport
•Lagyan ng I sa unahan kapag binaybay sa
Filipino
•schedule - iskedyul
•scout - iskawt
•scholar - iskolar
•sport - isport
bulletin - boletin bulletin buletin
Mga salitang mag dalawang magkasunod na
parehong katinig.
Kinakaltas ang isa sa dalawang magkasunod
na parehong katinig
•bulletin - buletin
•pattern - patern
•grammar - gramar
•transmitter - transmiter
Tukuyin ang mga Kaantasan ng wika ng mga
sumusunod na salita.
Jowa bahay Makapal ang palad
meron iso asawa
Dedbol
Anak ermat
Sinungaling
dalita
ina maganda
143 Pa’no papanaw
Kaantasan ng wika
•Ang wika ay nahahati sa iba’t
ibang kategorya sa antas na
ginagamit ng tao batay sa
kanyang ginagalawan, lugar na
tinitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan.
Pormal. Ito ay antas ng wika na istandard
kinikilala/ginagamit ng nakararami.
Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang
Manunulat sa aklat at pambalarila para sa
Paaralan at pamahalaan
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
Pampanitikan o panretorika.
•Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.
Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at
masining.
•Wikang sumusunod sa batas ng
balarila at retorika.
•Halimbawa:
kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Di- Pormal

•Ito ay antas ng wika na


karaniwan, palasak, pang araw-
araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
Lalawiganin
•Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o
Lalawiganin, makikilala ito sa kakaibang tono o
Punto.
•Ay mga salitain o diyalekto ng mga katutubo sa
lalawiganin o panlalawigang salita.
• Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay
may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila.
• Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema
ay ang punto o accent at ang paggamit ng mga
salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.
•Wikang ginagamitan ng isang partikular na lugar o
pook.
•Antas na ito mapapansing ang mga salita ay
pawang konfaynd lamang sa probinsya o rehiyong
pinanggalingan nito.
• May mga salitang hindi maituturing na standard
sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng
pinaggagamitan nito mga wikang ginagamit ng
mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at Iba pa.
• Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng
mga wikang lalawiganin
Halimbawa:

Papanaw ka na ?
(Aalis ka na?)
Nakain ka na?
(Kumain ka na?)
Buang! (Baliw)
Halimbawa:
ditse (Ate)
sangko (kuya)
pasanin (problema)
bilot (Batanggas, tuta)
tubal (Batanggas, labahing damit)
uragon (Bicol, maraming ibig sabihin nito)
ambot (Bisaya, ewan)
kaon (Bisaya, kain)
balay (Ilocano, bahay)
biag (Ilocano, buhay)
Pabalbal/balbal (salitang kalye)
pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na
nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na
nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay
BALBAL o slang ay ang
di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang
wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.
Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
•Sa Ingles ito ay slang. Nagkaroon ng sariling codes
mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
•wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may
kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at
bakla –halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at
ermat’ at ‘cheverloo’.
Halibawa:
parak, lespu (pulis)
iskapo (takas)
Atik (pera)
erpats (tatay)
jokla (bakla)
tiboli (tomboy)
epal (mapapel)
haybol (bahay)
Bogchi, chibog (pagkain)
bomalabs (malabo)
Kolokyal
Ito’y mga pang-araw-araw na salita na
ginagamit sa mga pagkakataong impormal
Maaring may kagaspangan nang kaunti ang
mga salitang ito ngunit maari rin itong maging.
repinado ayon sa kung sino ang ngsasalita
nito.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano).
sa ’kin (sa akin), sa ’yo (sa iyo), kelan (kailan),
meron (mayroon)
•Isulat sa patlang anong mga antas ng
wika ang nasa ibaba.
•Ilaw ng Tahanan 6. epal
•Ama 7. Bakasyon
•Erpats 8. Balay
•Bakal 9. Kabiyak
•Malaya 10. Batsi
BARAYTI NG WIKA
•Aba, ang ganda eh! Pidgin
•Adto nako doh! creole
•Bok, alis ka na ba ?
Diyalekto
•Darla, kumain ka pa!
•Suki, ikaw bili tinda mura. Idyolek
•Buenu katulung Sosyolek
Diyalekto
•Barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko.
•Ang mga salita ay makikilala hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa
ekstraktura ng pangungusap.
Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga
Naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng
isang wika.
•Maynila- Aba, ang ganda!
•Bataan – Ka ganda ah!
•Batangas- Aba, ang ganda eh!
•Rizal – Ka ganda, hane!
Sosyolek
•Naman ang tawag sa barayting nabubuo
sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal
na Barayti ng wika dahil nakabatay ito sa wika ng
matatanda, wika ng kababaihan, wika ng
preso, wika ng mga bakla at ng ibang pangkat.
Makilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon
ng kakaibang rehistro ng tangi sa pangkat na
gumagamit ng wika.
Pansinin kung paanong inilalantad ng
rehistro ng mga sumusunod
na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
•Wiz ko feel ang mga hombre ditech,
day
IDYOLEK
•Ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay
nakakaimpluwensiya pa rin sa paggamit ng
wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal
sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may
kanya-kanyang paraan ngpaggamit ng wika.
Tinatawag itong idyolek. Pansinin kong paano
nagkakaiba-iba ang idyolek ng sumusunod na
brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit
ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at
naninirahan marahil lahat sa Metro Manila.
•Mike Enriquez Nole de Castro
•Mon Tulfo
•Prominente rin ang idyolek ng mga s
umusunod na personalidad kung
kaya madalas silang gayahin ng
impersonator.
•Kris Aquino
• Gloria Macapagal-Arroyo
•Mel Tiangco
• Anabelle Rama
Pidgin
•Ay ang tinatawag sa Ingles na nobody’s
language. Nagkaroon rito kapag ang
dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika ng walang komong wika ang
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong
makeshift.
Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay
hango sa isang wika at ekstraktura naman ay
mula sa isa pang wika.
Pansinin ang pananagalog ng mga
Intsik sa binondo. Ang salitang
gamit nila at tagalong ngunit
eksytraktura ng kanilang
pangungusap ay hango sa kanilang
unang wika. Suki, ikaw bili tinda
mura !
Creole
•ay isang wika na unang naging pidgin
at kalaunan naging likas na wika (nativized).
Nagkaroon nito sapagkat may Kumunidad na
mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang
kanilang unang Wika. Pinakamahusay na
halimbawa nito ang Chavacano na hindi
masasabing purong kastila dahil sa
impluwensiya naging katutubong wika sa
estraktura nito.
Ekolek
Wikang nagmula sa sariling tahanan.
Etnolek
Mula sa etnolinggwistikong pangkat.
Halimbawa:
Vakul- pantakip sa ulo ng mga Ivatan na yari sa
damo
Maraming salamat sa
Pakikinig!!!
Pagpalain nawa ng
Panginoon!

You might also like