Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Aralin 2

Ang Alamat ng Isla


ng Pitong
Makasalanan
Mga anak, magulang ninyo’y
igalang at mahalin
Mga payo at pangaral nila’y inyo
sanang sundin
Para sa ikabubuti n’yo, iwasang
sila’y suwayin
Panuto: Magbigay ng sarili mong interpretasyon sa mga
salitang ito sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
salitang maaring iugnay sa bawaat isa.

MAPAGKALINGA MAUNAWAIN

Mapagmahal
na Ama
MAPAGBIGAY
RESPONSABLE
Panuto: Magbigay ng sarili mong interpretasyon sa mga
salitang ito sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
salitang maaring iugnay sa bawaat isa.
MATIGAS ANG IRESPONSABLE
ULO

Suwail na
Anak
HINDI
PASAWAY MASUNURIN
Panuto: Magbigay ng sarili mong interpretasyon sa mga
salitang ito sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
salitang maaring iugnay sa bawaat isa.

DAYUHAN BAGUHAN

Estranghero
WALANG
HINDI KILALA NAKAKAALAM
Talasalitaan:
Baybayin – Dalampasigan
Humagulgol – Umiyak ng malakas
Lulan – Sakay
Nimpa – Diwata
Naghahangad – umaasang makuha
Pumalaot – namangka papunta sa gitna ng dagat
Mga Tanong:
1. Ano ang katangian ng mga dalagang labis na
hinahangaan ng bawat makakita sa kanila?
2. Ano naman ikinatatakot ng ama nang dahil sa
katangiang ito ng kanyang mga anak?
3. Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam
ang kanyang mga anak na sasama sa mga
binatang bago pa lang nilang nakilala?
4. Makatwiran ba ang hindi pagpayag ng ama sa
kagustuhan ng kanyang mga anak?Bakit?
Mga Tanong:
5. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, susunod ka ba
o susuway sa iyong ama? Bakit?
6. Kung ikaw naman ang ama, ano ang maari mo
sanang ginawa para ang hindi Ninyo
pagkakaunawaan ay hindi na sana humantong sa
pagtakas ng iyong mga anak?
7. Ano ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng
labis na sakit ng kalooban sa kanilang ama?
8. Ano ang nangyari sa kanila dahil sa pagiging
suwailnilang anak?
Sagutan:
Ang binasa nating alamat ay nagtataglay ng
mensaheng maaaring kapupulutang ng aral. Piliin at
lagyan ng TSEK ang lahat ng mensaheng taglay ng
binasa.
1. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang
anak.
2. Ipinagbili ng ama ang kanyang mga anak
3. Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng
kanilng ama.
4. Nagkatuluyan ang mga dalaga at estranghero
5. Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang nasa
isipan ng ama kahit pa naging suwail sila sa kanya,
6. Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak
na hindi sumusunod sa kanilang magulang.
7. Ikinamatay ng ina ng pitong dalaga ang hirap sa
pag aalaga sa kanila.
8. Nagsisi at muling nagbalik sa naghihintay na
ama ang kanyang mga anak.
Gawain
Punan ang Graphic Organizer sa ibaba para sa
gagawin mong paghahambing
Paghahambing ng Dalawang Alamat Ayon
sa mga Elementong mga Ito
Alamat ng Isla ng Elemento ________________________
Pitong Makasalanan Pamagat ng Isa pang Alamat
Tauhan
Tagpuan
Elemento Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
Tauhan Pitong dalaga
Pitong Estranghero
Ama ng Pitong dalaga
Tagpuan Lalawigan ng Ilo-ilo, Sa bayan ng
Dumangas
Banghay

Simula May matandang mangingisda at pitong


dalaga na masayang naninirahan sa
baybayin-dagat.
Tunggalian Ikinatatakot ng ama na makapag asawa ang
sinuman sa kanyang mga anak na dalagang
mga lalaking maaring maglayo sa kanya
Kasukdulan Habang nasa dagat ang ama, nagdesisyon
ang isa sa mga anak na sumama sa mga
estranghero. Nang sila;y nasa baybayin ng
Guimaras kung saan nangingisda ang
kanilang ama, natanaw ng ama ang
sasakyang ng mga estranghero lulang ng
pitong anak. Hinabol niya ito ngunit siya
ay nabigo.
Kakalasan Lumong-lumo ang ama pag uwi sa kanilang
tahanan, katahimikan ang kanyang
nadatnan pag-uwi. Kinaumagahan muli
siyang nagpalaot upang hanapin ang
kanyang mga anak
Wakas Nalaman ng Ama na ang kanyang mga anak
ay nagging Isla dahil sa nangyari
Mahalagang aral na Ang tamang pagsunod sa magulang ay
taglay magbibigay sayo ng mahabang buhay.

Sundin at makinig sa mga payo ng


Magulang natin.

Ang pagiging suwail ay hindi nagdudulot


ng Mabuti.
Alamat ng Isla ng Elemento ________________________
Pitong Makasalanan Pamagat ng Isa pang Alamat
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Simula
Tunggalian
Kasukdulan
Wakas
Mahalagang
aral na taglay
Pagwawastos
KATUTURAN NG ALAMAT
Ang salitang alamat o legend ay mula sa salitang
Latin na legendus na nangangahulugang “upang
mabasa”. Isang mahalagang bahagi ng kulturang
Pilipino ang mg alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung
paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan
itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang paksa ng
alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian
at kapaligiran.
MGA ELEMENTO NG ALAMAT
1.Tauhan- ang mga taong gumaganap sa kuwento.
May dalawang uri ng tauhan, ang protagonista na
siyang itinuturing na bida at ang antagonista na
itinuturing na kontrabida sa akda.
2.Tagpuan- ang lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda.
1.Buod/ Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa akda. Nahahati ito sa mga
pangyayari. Ang simula, pataas na aksyon,
kasukdulan, pababang aksyon at wakas.
2.Mensahe- ang aral na nais ipabatid ng akda.
KATUTURAN NG PANG-URI

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o


nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.
Narito ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri.
1. LANTAY- anyo ng pang-uri na naglalarawan lamang
sa isang pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
Maliwanag ang sikat ng araw.
Malaki ang responsibilidad ng magulang.
2. PAHAMBING- naghahambing o nagtutulad ng
dalawang pangngalan o panghalip.

a. Pahambing na pasahol o Palamang-


nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na
katangian ng isa o dalawang pangngalan o
panghalip. Gumagamit ito ng mga katagang
higit, mas, lalong, di-gaano, di gasino, at iba
pa.
Halimbawa:
Mas maliwanag ang sikat ng araw ngayon
kaysa kahapon.
b. Pahambing na Patulad- nagsasaad na
magkatulad na katangian ng isa o dalawang
pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga
panlaping tulad ng sing/sin/sim/, magsing, kasing
o mga salitang kapwa, pareho.

Halimbawa:
Magkasing-liwanag ang sikat ng araw ngayon at
kahapon.
3. PASUKDOL- nagpapakita ng
pinakamatinding katangian ng paghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka-,
pagka-, kasunod ng pag-uulit ng salitang ugat o ng
mga salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra.

Halimbawa:
Ang sikat ng araw ang pinakamaliwanag sa
buong mundo.
Pangkatang Gawain:
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga
pahayag sa paghahambing, Gawing paksa sa mga
bubuoing pangungusap ang pagiging mabuting anak,
kapatid o kapamilya. Magbigay ng dalawang
halimbawa sa mga sumusunod:
1.Higit na Mabuti
2.Di gaanong malakas
3.Mas masaya
4.Lalong mahirap
5.Di gasinong mabilis
Ano ang Pang-uri?

Ano ano ang kaantasan ng pang uri?


Panuto: Punan ang tamang gamit ng pahambing
ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. ____________ na maraming mag-aaral ang
nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa sa
nakalipas na taon. (Higit, Mas, Kapwa)
2. Ang halik niya ay ______tamis ng tsokolate.
(Lalong, Di-gasino, Kasing)
3. Ang daloy ng trapiko ngayon sa NLEX ay______
mabigat na tulad ng daloy ng trapiko kahapon.
(Higit, Di-gaanong, Pareho)
4. Pakiramdam ko ay ____ lakas ko na si Herkulis!
(Sin, Lalong, Di-gaano)
5. Ang ani ng mga magsasaka ay ___ masagana
ngayon kaysa nakaraang panahon.
(Di-gasino, Mas, Kapwa)

You might also like