Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Kasaysayan

ng

Linggwistika
3. Panahon ng Kalayaan
•Nagsimula ang panahong ito pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at makamit ng Pilipinas ang kalayaan
noong 1946.
•Sa panahong ito ay masasabing dumami na nang dumami
ang pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas (cf. Constantino 1972)

•Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika sa


Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang
pangyayari:
(1) Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng ‘Summer
Institute of Linguistics’ noong 1953.
•Mula noon ay marami nang mga linggwistang misyonero
na kasapi sa nasabing organisasyon ang nagtungo rito sa
Pilipinas at nagsagawa ng mga pagsusuri sa mga iba’t-
ibang wika at wikain sa kapuluan.
•Ginamit ng mga linggwistang ito ang kanilang natutuhan
sa mahigit na maunlad na paaralan ng linggwistika sa
Estados Unidos.
(2) Ang ikalawa ay ang paggamit ng makalinggwistikang
pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na
lumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin ang mga
wika sa kapuluan.
•Ang ganitong interes ay humantong sa pagtatag noong
1957 ng ‘Philippine Center for Language Study’ sa ilalim
ng pangangasiwa ng Departamento ng Edukasyon ng
Pilipinas at ng Unibersidad ng California sa LA.
•Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang
Pilipino, lalo na pagkaraan ng 1960.
•Masasabi hanggang noong matapos ang 1950 ay iisa ang
Pilipinong maituturing na linggwista sa tunay na kahulugan
nito.
•Ngunit pagkaraan ng ilang taon dahil sa patuloy na
nagiging impluwensya ng Amerika sa Pilipinas ay
naragdagan na nang naragdagan ang mga linggwista sa
kapuluan.
•Ang mga linggwistang Pilipinong ito ay mahahati
sa dalawang pangkat:
(1) Mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados
Unidos at ng Canada. Mababanggit dito ang ilang
kilalang mga linggwista sa kasalukuyan, tulad nina
Constantino at Casambre ng UP, Sibayan at Otanes ng
PNC, Gonzales ng De la Salle, Llamzon at Pascasio ng
Ateneo, Natividad ng DEC, atbp.;
(2) Mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo-
PNC Consortium for a Ph.D. in linguistics,
halimbawa ay mayroon ng walong nakatapos- Ma.
Lourdes Bautista, Elvira Vergara, Gloria Chan-
Yap, Rosa Soberano, Sis. Ma. Isabelita Riego de
Dios, Casilda Luzares, Teresita Rafael at Emma
S. Castillo.
•Mapapansin na ang Pilipinas ay nagiging laboratoryo o
larangan ng mga linggwistang dayuhan na karamihan ay
mga Amerikano.
•Sa katotohanan, di-iilang wika sa Pilipinas ang ginagamit
upang subukin ang mga modelong pangwika, prinsipyo o
pamaraan.
•Sa kasalukuyan ang pag—aaral sa mga wika sa Pilipinas
ay masasabing isinasagawa ng iba’t-ibang pangkat ng mga
linggwista.
Ang pinakamalaki at pinakamalaganap sa mga
ito ay ang sangay sa Pilipinas ng ‘Summer
Institute of Linguistics’.
•Masasabing higit na pinag-uukulan ng pansin ng
pangkat na ito ang mga wikang di gaanong
malaganap.
•Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkat
ang Bibliya at iba pang babasahing panrelihiyon.
•Halimbawa:
 ‘Overt Relation Markers in Maranao’ - isa sa mga pag-aaral na
isinagawa ni McKaughan (cf. McKaugha 1972)

•Nagbigay ng konklusyon si McKaughan na isa sa mga katangian ng


Maranao (at ng iba pang wika sa angkang Malayo-Polinesyo) ay ito:
o Ang binabanghay na pandiwa ay nagsasaad hindi lamang
ng panahon, uri ng kilos, at iniisip na sikolohikal ng
nagsasalita kundi pati na rin ng relasyong gramatikal ng
pandiwa at ng paksa ng pangungusap; na ang relasyong
gramatikal ng aktor, layon, di tuwirang layon at gamit ay
nakikilala sa Maranaw sa pamamagitan ng katagang o, sa
at ko.
•Ang, primary relation ay isinasaad ng katagang so.
•Sa bahaging ito’y masasabing malaki ang naging
kontribusyon niya sa pagkakatuklas ng ngayo’y
palasak na palasak nang pokus sa Pilipino.
Ang isa pang pangkat ng mga linggwista sa Pilipinas
ay matatagpuan sa Departamento ng Wikang
Oryental at Lingwistika sa Unibersidad ng Pilipinas.
•Sa katotohanan, ang pangkat na ito ang maituturing
na pinakamatanda sa lahat ng pangkat.
•Itinatag ang nasabing departamento noong 1923
upang magsagawa ng pahambing na pagsusuri sa
iba’t-ibang wika sa kapuluan.
•Mababanggit dito ang isinasagawang proyekto ng
nasabing pangkat sa huling limang taon- ang
pagtitipon ng mga datos na leksikal at gramatikal
mula sa lahat ng wika at wikain sa kapuluan upang
gamitin sa pahambing na pagsusuri sa ponolohiya,
morpolohiya at sintaksis ng nasabing mga wika.
•Maaari ring magamit ang matitipong mga datos sa
pagsulat ng mga diksyunaryo sa bawat wika.
•Ayon kay Constantino ay hindi kukulangin sa
2,000 pangungusap na naglalarawan ng hulwarang
morpo-sintaktikal at mahigit na 4,000 salitang-
ugat ang natitipon na mula sa 300 mga wika at
wikaing sinusuri.
•Ang mga manuskrito at tapes ay iniingatan ng
‘Archieves of Philippine Languages and Dialects.’
Ang iba pang pangkat ng mga linggwista ay
matatagpuan sa ‘Language Study Center’ ng
Dalubhasang Normal ng Pilipinas, sa Ateneo de
Manila, sa De la Salle, sa Unibersidad ng San Carlos,
at sa ‘Interchurch Language School’.
•Ang ‘New Tribes Mission’ sa Pilipinas ay may isa o
mga dalawang linggwista.
•Sa ‘Language Study Center’ ng PNC ay nagsasagawa ng
mga pagsusuring-wika sa linggwistikang pamamaraan
upang iangkop sa pagtuturo ng wika.
•Taun-taon ay nagpapadala ang UCLA ng mga linggwista
upang makatulong sa mga proyekto ng LSC.
•Sa mga naipadala na ng UCLA ay mababanggit ang
pangalan nina Dr.Tommy Ray Anderson (S. L. N.),
Dr.Richard Tucker, Dr. Henry Feenstra, at Dr. Robert
Gardner.
•Nag-aanyaya rin ang LSC ng mga kilalang linggwistang tulad nina
Isidore Dyen, Eugene Nida, Howard McKaughan, Clifford Prator,
Donald J. Bowen, atb. upang magbigay ng panayam sa mga mag-aaral
at guro sa linggwistika.
•Bukod dito ay nagpapadala pa rin ang LSC ng mga
iskolar sa Estados Unidos at sa Canada upang magpakadalubhasa sa
aghamwika.
•Ang aklatan ng LSC ay masasabing isa sa pinakamayaman sa mga
aklat panlinggwistika sa buong kapuluan.
•Ang mga panaliksik-wika sa iba’t-ibang wika sa
Pilipinas ay mapapansing isinasagawa hindi lamang
ng mga linggwista sa Pilipinas kundi gayon din ng
mga linggwista at mag-aaral sa mga unibersidad sa
Amerika, tulad ng Unibersidad ng Yale,
Unibersidad ng Michigan, Unibersidad ng
California sa Los Angeles, at Unibersidad ng
Hawaii.
•Masasabi rin na ang mga isinasagawang pag-aaral
sa wika ay mauuri sa tatlo:
(1) pag-aaral na nauukol sa pagkaklasipika ng mga
wika sa Pilipinas, at

(2) mga pagsusuring historikal, at


(3) mga pagsusuring palarawan.
•Iilan-ilan lamang ang nagsagawa ng pananaliksik
na historikal.
•Dyen –mula sa Unibersidad ng Yale na itinuturing
na pinakakilala sa mga mananaliksik. –
nakapagpalathala siya ng isang monograp at
maraming artikulo tungkol sa rekonstruksyon ng
ilang ponema at salita sa Proto-Austronesian na
tinawag niyang Malayo-Polinesian.
Isa sa kanyang mga artikulo ay tinalakay nya
ang kanyang teorya na ang D ng Proto-
Austronesian ay naging d sa Tagalog sa mga
pusisyong inisyal at kapag pinangungunahan ng
katinig, at hindi nagiging l na tulad ng sabi ni
Dempwolff.
•Fr. Llamzon (1966)- sumulat ng isang artikulo na
tumatalakay sa kanyang isinagawang muling
pagsusuri sa ə ng Proto-Austronesian (PA).
Nagbigay sya ng konklusyon na ang ə ng PA ay
regular na nagiging i at di-regular na nagiging a o
kaya’y u sa Tagalog.
Mapapansing gayon din ang konklusyon ni
Costenoble noong 1940.
•Masasabing higit na napakiling ang mga linggwista sa
pagsusuring palarawan pagkaraan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
•Masasabi ring karamihan sa mga pag-aaral na isinagawa
noon ay nakalundo sa ponolohiya ng isang wika.
•Ngunit nang mga dakong 1960 ay dumami na nang
dumami ang mga pagsusuring tumutugon sa gramatika o
sintaksis ng isang wika.
•Mga Modelo sa Paglalarawang-Wika
Tatlong modelo ang nangibabaw sa paglalarawan ng mga
wika sa Pilipinas pagkatapos ng digmaan.
(1) Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa
Tagalog at Ilocano.
(2) Tagmemic Model na nilinang ni Kenneth L. Pike na syang
karaniwang ginagamit ng mga linggwista ng SIL

(3) Transformational-Generative Model ni Chomsky na syang


higit na pinaniniwalaan ng mga linggwista ng UCLA at sa
UP (cf. Constantino 1972).
Ano ang pagkakaiba-
iba ng tatlong modelo
sa isa’t-isa?
•Masasabing hindi gaanong nagkakaiba-iba ang
tatlong modelong nabanggit, lalo na ang dalawang
una,tungkol sa kung papaano sinusuri ang mga
datos.
•Nagkakaiba-iba lamang sila sa paraan ng pag-
aayos o paglalahad at sa pagbibigay-ngalan sa
resulta ng pagsusuri.
• Tagalog -masasabing higit na napagtutuunan ng
mga linggwista, gaya rin ng nangyari noong panahon
ng Kastila.
• Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang
naisasagawang pag-aaral sa ibang pangunahing
wika.
• Marahil dahil Tagalog ang batayan ng wikang
pambansa.
•Si Constantino ay may sinulat noong 1965 tungkol sa
mga padron ng pangungusap sa 26 na wika sa
Pilipinas, kasama na ang walong pangunahin.
•Inilahad sa nasabing artikulo ang ‘immediate
constituent (IC) analysis’ na sinundan ng
‘transformational-generative analysis’ ng mga
pangungusap sa wika.
•Pinangkat ni Constantino ang mga pangungusap na
predikatibo (predicative sentences) ayon sa mga
balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri:
1. Definite
2. Indefinite
3. Situational
• Bawat isa sa mga IC ng pangungusap na tiyak
ay pinangungunahan ng ‘particle’ o ‘marker’.
•Kinilala ni Constantino ang mga unang IC ng mga
pangungusap na tiyak at di-tiyak at ang pangalawang
IC ng mga pangungusap na sitwasyonal bilang simuno
ng mga pangungusap, at ang pangalawang mga IC ng
mga tiyak at di-tiyak na mga pangungusap at ang
unang IC ng pangungusap na sitwasyonal bilang mga
panaguri.
Simuno

IC1 IC2
<tiyak at di-tiyak <pangungusap na
pangungusap> na
sitwasyonal>
Panaguri

IC2 IC1

{Tiyak at di-tiyak na pp.} {pangungusap na


sitwasyonal}

You might also like