Aralin 5 - Morpolohiya

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Caraga state university

Ampayon, Butuan City 8600, Philippines


URL: www.carsu.edu.ph

MORPOLOHIY
A

1
PAGBABALIK-ARAL

2
Mga Tatalakayin
MORPOLOHIYA

MORPEMA

PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO

3
Pagkatapos ng aralin, ang mga estudyante
ay inaasahang:

 Matatalakay ang katuturan at halaga


ng palabuuan o ang morpolohiya.
 Matatalakay ang sintaks at semantika
ng wikang Filipino.

4
MORPOLOHIYA
 Ang morpolohiya ay tungkol sa pag-aaral
ng mga morpema ng isang wika at ng
pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng mga salita.
 Sa linggwistika, kilala din sa katagang
palabuuan.
 Ito ay pag-aaral ng istraktura ng mga salita
at ng relasyon nito sa iba pang mga salita.
5
MORPEMA
 Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang
salita na nagtataglay ng kahulugan.
 Ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay hindi na
maaari pang mahati nang hindi nawawala ang
kahulugan nito.
 Ito ay maaaring isang salitang-ugat o panlapi

6
Halimbawa
makahoy = ma + kahoy = [ma] = unlapi [kahoy] = salitang
ugat
Ang unlaping [ma] ay nangangahulugang marami
makahoy = maraming kahoy
Kaya ang salitang makahoy ay may dalawang morpema –
ang [ma] at [kahoy] dahil bawat isa sa kanila ay may
sariling kahulugan.
kahoy = hindi na mahahati sa ka at hoy (wala ng
kahulugan)
7
Halimbawa
mabahay = ma + bahay = [ma] unlapi [bahay] salitang-ugat
Ang unlaping [ma] ay nangangahulugang marami
mabahay = maraming bahay
Kaya ang salitang mabahay ay may dalawang morpema –
ang [ma] at [bahay] dahil bawat isa sa kanila ay may
sariling kahulugan.
bahay = hindi na mahahati sa ba at hay (wala nang
kahulugan)

8
ANYO NG MORPEMA

makabuluhang tunog o ponema


 isang panlapi
 isang salitang-ugat.

9
ANYO NG MORPEMA
1. Morpemang binubuo ng isang ponema.
( /o/ , /a/ = naghuhudyat ng kasarian )
• Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila :
senador/ senadora;
mayor/mayora/director/direktora/propesor/propesora
• sa mga salitang nagtatapos sa o na
nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang
nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae—
barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.

10
ANYO NG MORPEMA
• Halimbawa:
• direktor + [a] = direktora

• Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na


tumutukoy ng `kasariang pambabae.’ propesor
+ [a] = propesora doktor + [a] = doktora

11
ANYO NG MORPEMA
• 2. Ang morpemang binubuo ng panlapi. (maaring
unlapi, gitlapi o hulapi. Kombinasyon-
kabilaan/lagihan)
Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kaya
bawat isa ay isang morpema.
Sila ay dumadagdag ng kahulugan sa isang
salitang ugat.

12
ANYO NG MORPEMA
Halimbawa:
Ang pandiwang umawit ang um- ay nagsasaad
na `ginagawa ang kilos ng pag-awit.”
Ang mga panlapi ay tinatawag na di-malayang mga
morpema dahil laging inilalapi sa ibang morpema:

13
ANYO NG MORPEMA
Halimbawa:
mag- [maglaro], pag- [pagbili], i- [itapon], maka-
[makakain], atbp.
• May mga panlaping di-magkarugtong:
mag-….-an [magtawagan]
na may kahulugang “gantihang pagsasagawa ng
diwang isinasaad ng pandiwang sulat.”

14
ANYO NG MORPEMA
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat.
 Ito ay mga salitang payak at walang panlapi.
Ang salitang-ugat ay tinatawag na malayang
morpema kung maaari itong makatayong mag-isa.
Halimbawa:
sila, takbo, dagat, bili, siyam, kahon,
takbo at bili sa tumakbo at binili.

15
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
Tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng
kaligiran nito.
Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang
maaring makaimpluwensya upang mabago ang
anyo ng isang morpema.
Ito yaong sinusundan ng morpema o ang
sinusundan nito.

16
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO

• 1. Asimilasyon- ito ang mga pagbabagong


nagaganap sa /ŋ/ sa pusisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito.

17
Uri ng Asimilasyon
• Asimilasyong parsyal- karaniwang
pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ at
nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa
kasunod na tunog.
• Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos
sa /ŋ/ ay ikinakabit sa isang salitang-ugat na
nagsisimula sa /p/o/b/, ang/ŋ/ ay nagiging /m/
ang /h/.

18
Uri ng Asimilasyon
Mga halimbawa:

[pang] + paaralan = pampaaralan

[pang] + bayan = pambayan

19
Uri ng Asimilasyon

• Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang


morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay
alinman sa mga sumusunod na ponema:
/d,l,r,s,t/.
Mga halimbawa:
[pang] + dikdik = pandikdik
[pang] + taksi = pantaksi

20
Uri ng Asimilasyon
• Asimilasyong ganap- bukod sa pagbabagong
nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sap unto ng
artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa
rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil
sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa
sinusundang ponema.
Mga halimbawa:
[pang] + palo ----- pampalo -----pamalo
[pang] + tali ----- pantali ------ panali

21
Uri ng Asimilasyon
May mga salitang maaring gamitan ng alinman
sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may
mga salitang nakamihasnan ng gamitan lamang
ng asimilasyong parsyal.
Sa ibang salita, hindi na nagaganap ang
pagkawala ng unang ponema ng ikalawang
morpemang isinasama sa pagbubuo ng salita.

22
Uri ng Asimilasyon
Mga halimbawa:
• Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng
asimilasyon:
[pang] + kuha ------ pangkuha ----- panguha
[pang] + tabas ------ pantabs ------ panabas

23
Uri ng Asimilasyon
• Yaong hindi ginamitan ng asimilasyong ganap :

[pang] + bansa ----- pangbansa ----- pambansa


(*pamansa)

[pang] + luto ----- pangluto ------ panluto


(*panuto)

24
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
• 2. Pagpapalit ng ponema
• May mga ponemang nababago o napapalitan sa
pagbubuo ng mga salita.
• Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay
nasasabayan ng pagpapalit ng diin. /d/ /r/
• Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng
salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan
ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling
ponema ng unlapi.
25
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
Mga halimbawa:

ma + dapat ----- marapat


ma + dunong ----- marunong

26
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
• May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa
pusisyong pinal ng salitang nilalapian.
• Kung ito ay hinuhulapian ng [an] o [in] ang /d/
ay karaniwang nagiging /r/
• Mga halimbawa:

lapad + an lapadan ---- laparan


tawid + in tawidin ---- tawirin

27
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
May pagkakataong ang pagkakapalit ng /d/ o /r/
sa pagitan ng dalawang patinig ay hindi
nakakaapekto sa kanyang kahulugan. Hal.
Marunong at Madunong.
Ngunit mas palasak ang ikalawang anyo
sapagkat ito ang lalong magaan at madulas
bigkasin.

28
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
• May pagkakataon rin namang ang pagkakapalit
ng /d/ at /r/ ay nakakaapekto sa kanyang
kahulugan tulad ng
madamdamin (full of feeling) at
maramdamin (sensitive). /h/ ----- /n/

29
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
/h/ ----- /n/
• Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /han/
ay nagiging /n/
Halimbawa:
tawa + han ----- tawahan ----- tawanan

30
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
/o/ ----- /u/
• Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang
ugat ay hinuhulapian o salitang inuulit ay
nagiging /u/.
• Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/
sa unang hati lamang ng mga salita.

31
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
Mga halimbawa :

dugo + an ------ duguan mabango


------ mabangung-mabango

32
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
3. Metatesis
• Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/
o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping [in], ang /i/ at /n/
ay nagkakapalitan ng pusisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad nilipad
-in- + yaya niyaya

33
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
• May mga salitang nagkakaroon pa ng
pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit
ng pusisyon ng dalawang ponema.
Halimbawa:
atip + an ---- atipan ---- atpan
tanim + -an ----- taniman ---- tamnan

34
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
4. Pagkakaltas ng Ponema
 Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang
huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.

Halimbawa:
takip + -an ----- takipan ----- takpan
kitil + -in ----- kitilin ------ kitlin

35
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
5. Paglilipat-diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag
nilalapian.
Maaring malipat ng isa o dalawang pantig ang
diin patungong huling pantig o maaaring
malipat ng pantig patungong unahana ng salita.

36
PAGBABAGONG
MORFOFONEMIKO
Halimbawa :

basa + -hin ----- basahin


ka + sama + han ----- kasamahan
laro + an ------ laruan (lugar)

37
PAGSASANAY
Tukuyin kung anong pagbabagong
morpoponemiko ang nangyari sa salita.
Asimilasyon,
Paglilipat-diin,
Pagpapalit ng Ponema,
Pagkakaltas ng Ponema, o
Metatesis.
38
PAGSASANAY
1. pan- + talo = pantalo = panalo
2. lipad + -in- = linipad = nilipad
3. [la:pat] [-an] = lapa:tan
4. mang- + dukot = mangdukot = mandukot
5. [dakip] [-in] = dakpin
6. ma- + dumi = madumi = marumi
7. takip + -an = takipan = takpan
8. [kamit] [-an] = kamtan
9. [i:was] [an] = iwa:san
10. ma- + dapat = madapat = marapat
39
MGA SAGOT
1. Asimilasyon
2. Metatesis
3. Paglilipat-diin
4. Asimilasyon
5. Pagkakaltas ng ponema
6. Pagpapalit ng ponema
7. Pagkakaltas ng ponema
8. Pagkakaltas ng ponema
9. Paglilipat-diin
10.Pagpapalit ng ponema
40
WAKAS

Salamat sa
pakikinig…
41
Sanggunian
 
KWF manual sa masinop na pagsulat / Virgilio S.
Almario, punong editor. -- Quezon City :
Komisyon sa Wikang Filipino, c2014. 
Santos, Angelina L. et.al. 2014. Ang Akademikong
Filipino sa Komunikasyon. Lungsod Iligan:
Mutya Publishing House, Inc.

42

You might also like