STEM

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Filipino

sa Piling Larang
Akademik
INTRODUKSIYON
• Bilang wikang pambansa, kinakailangang lumagpas
ang wikang Filipino bilang wika lamang ng
komunikasyon sa iba’t ibang mga sektor sa lipunang
Pilipino. May pangangailangang mapaunlad ito bilang
wika ng kaalaman at wika sa produksiyon mismo ng
kaalaman. Kapag nasa wikang Filipino ang pagdukal at
pagdiskurso ng iba’t ibang mga akademikong disiplina,
mas nailalapat ito sa pagkatao, karanasan, at
kalinangan ng mga Pilipino. Sa pagbuo at
pagbalangkas ng isang makabayang edukasyon, mas
napalilitaw ang ganitong tunguhin, habang napauunlad
ang paggamit at pag-iintelektuwalisa ng wikang Filipino
• Bagaman hindi pinakauna, nananatiling bukas ang mga
tinipong babasahin sa seryeng ito hinggil sa lalong
pagdaragdag at pagbubuo ng mahuhusay na mga exemplar
para sa kalinangan ng mga mag-aaral. Ang mga tinipong
babasahing ito ay isang inklusibong pagsisikap upang
maisama ang ilan sa mga anyo ng teksto na may tuon sa
akademikong diskurso ng iba’t ibang mga napapanahong
usapin. Mula sa balangkas ng Kagawaran ng Edukasyon,
ginamit ang mga teknikal at malikhaing teksto habang
naipakikilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga paksa
na nagmumula sa iba’t ibang mga akademikong disiplina.
May pagsasaalang-alang din na nararapat na maging
popular pa rin ang mga ito, nang sa gayon ay maging kawili-
wili sa mga mag-aaral ang pagbabasa.
• Sisimulan sa Unang Bahagi ang mga batayang kaalaman at
katangian ng pagsulat, partikular sa akademikong larangan.
Ipaliliwanag ng mga babasahin ang tuon at layunin ng
akademikong pagsulat, lalo na sa tipo ng mga mambabasang
tatangkilik nito. Isa sa pinakamalahalagang gampanin ng
akademikong pagsulat ay ang tungkulin at responsibilidad ng
iskolar na siyang lumulubog sa proseso ng pananaliksik.
Hindi lamang nararapat na maunawaan niya ang daynamiks
ng mismong pagsulat, ngunit nararapat rin niyang mailapat
ang mga ito sa isang makabuluhang proseso ng pagsulat.
Bilang isang Pilipinong iskolar, kinakailangan niyang
matutunan ang pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at
lipunang Pilipino, ugnay sa iba’t ibang mga akademikong
disiplina sa antas ng unibersidad.
• Sa Ikalawang Bahagi, ilan sa mga anyo ng pagsulat na masasabing
propesyonal at/o teknikal ang isinama sa mga babasahin. Ang ilan sa mga
ito’y katitikan ng pulong, panukalang proyekto, posisyong papel, bionote,
abstrak, at buod. May dalawang pangunahing mga layunin ang mga
babasahin sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa pangangailangan ng
mga mag-aaral na makilala at maunawaan ang ilang prominenteng mga
indibidwal at ang kanilang mga milyu, adbokasi, at ambag sa lipunang
Pilipino. Pagkilala ito sa nagawa at ginagawa ng mga iskolar na ito,
habang napayayaman ng mag-aaral ang kaniyang kaalaman hinggil sa
mga ito, na ugnay sa kaniyang binabasa at pinag-aaralan. Ikalawa, upang
tumugon sa pangangailangan ng mag-aaral na makasulat ng mga
mahahalagang ulat at impormasyon mula sa mga lumitaw na diskusyon, at
gayundin naman sa gagawing pagdiskurso. Walang mag-aaral ang hindi
lulubog sa isang pulong halimbawa, ito man ay sa pagitan ng kaniyang
mga kamag-aral, o kaya ay sa mga magiging katrabaho; at ang pagbuo ng
isang makabuluhang talumpati o presentasyon na ihaharap sa isang panel
hinggil sa isang ulat, bubuuing proyekto o pananaliksik.
• Katangian ng propesyonal na pagsulat ang
pagpapasimple ng mga komplikadong pahayag.
Kinakailangan ang mainam na pagsasala at paggamit
ng mga salita, nang sa gayon ay hindi magkaroon ng
maling pag-unawa sa babasa ng teksto. Ang estilo ng
manunulat ay kinakailangang objektiv, direkta, maikli, at
malinaw, partikular sa mga nais niyang sabihin. Kaiba
halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na
kung saan may mga pagkakataong kailangang
palalimin at pabulaklakin pa ang mga pahayag, ang
propesyonal na pagsulat ay nangangailangan ng
malinaw na direksiyon at pagpapaliwanag, sa isang
hindi emosyonal na paraan.
• Hindi nakukuha nang agaran ang mga
kasanayang kinakailangan sa propesyonal na
pagsulat subalit, mahalaga ang masteri sa iba’t
ibang mga katangian na maaaring paglubugan ng
mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang
pagpapalawig ng mga katotohanan, pagsisintesis
ng mga impormasyong kinakailangan, at pagbuo
ng mga objektiv na pagpapahayag. Kadalasan,
ang propesyonal na pagsulat ay ginagawa sa
ekspositoring pamamaraan, na nagbibigay ng
impormasyon na may kinalaman sa trabaho o
pagtatrabaho.
• Dalawa sa mga pinakagamiting mga anyo ng propesyonal na pagsulat
na masasabing generic sa anumang propesyon ay ang katitikan ng
pulong at panukalang proyekto. Sa sinumang bahagi ng isang
organisasyon o kompanya, ang pag-upo sa pulong sa pulong ay bahagi
ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa
pakikisangkot sa iba’t ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng
misong organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano
sasalaain ang lahat ng mga pinag-usapan sa isang maikli at malinaw na
paraan. Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan
at responsibilidad ng gumagawa ng katitikan sapagkat nasa kaniyang
atentibong pakikinig at pagsulat ang muling pag-uulat ng esensya ng
anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga gagawing plano, at
pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng isang mahusay
na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa
pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong
dokumento sa mga hindi nakadalo.
• Sa isang banda, mahalaga naman ang panukalang
proyekto sa paglatatag at pagpaplano ng gagawing
proyekto. Hindi lamang ito simpleng paglalahad
upang ipaunawa ang gagawing proyekto; bagkus,
kinakailangan nitong maging mapanghikayat, nang sa
gayon ay pahintulutan ang pagsasagawa ng
partikular na proyekto. May tatlong pangunahing
layunin ito: angpagtitiyak sa kung anong proyekto ang
kinakailangang gawin, pagpapaliwanag kung bakit ito
kailangang gawin, at panghihikayat sa mambabasa (o
panel) na mayroong sapat na plano, metodo,
pinansya, at panahon upang isagawa ang proyekto.
• Ipakikita rin ng mga piniling babasahin na maaari pa rin namang gamitin ang
mga kinagisnan nang anyo ng pagsulat sa mas mataas na pagtalakay at
diskurso. Sa pagsulat ng buod halimbawa, kinakailangang makalabas na sa
kahon ng maikling kwento, nobela, at pelikula ang binubuod ng mga mag-
aaral. Habang sa pagsulat naman ng posisyong papel, kinakailangang
masanay ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling mga argumento hinggil
sa isang napapanahong isyu, habang isinasalang-alang ang iba’t ibang mga
katotohanang ugnay dito. Lampas sa minimum competencies na inihanda ng
DepEd ang pagsulat ng papel pananaliksik, subalit iminumungkahing ito ang
maging panghuling gawain ng mga mag-aaral nang sa gayon ay maisulat
nila ang isang akademikong diskurso na bunga ng kanilang pananaliksik,
bilang paghahanda na rin sa kalikasan ng pagsulat sa antas ng unibersidad.
Kasama na ang abstrak bilang bahagi ng pag-uulat sa papel-pananaliksik,
kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral ang ganitong anyo ng
akademikong pagsulat, nang sa gayon ay maipasa at mailathala nila sa
hinaharap ang mga pananaliksik na ito. Maraming journal sa Filipino ang
nag-aabang lamang sa mga artikulo na nagmumula sa iba’t ibang mga
disiplina.
• apat sa mga anyo ng malikhaing pagsulat ang isanama sa mga babasahin:
talumpati, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. May
iisang layunin ang mga tekstong ito: ang makagbigay ng impormasyon sa isang
masidhing pamamaraan. Masasabing emosyonal ang ganitong anyo ng pagsulat.
May kalayaan ang manunulat sa pagpili ng mga salitang sasabihin o isusulat, nang
sa gayon ay mas makapukaw ng atensyon at emosyon sa tagapakinig o
mambabasa. Hindi na iba ang ganitong gawain sa mga kabataan ngayon, lalo’t sila
ay kabilang sa tinatawag na milenyal na edad. Halos lahat na lamang ng kanilang
nasasaisip at nararamdaman ay iniuulat sa lahat. Gamit ang teknolohiya ng new
media, partikular ang internet at Social Networking Sites, malaya nilang
ipinamamalita sa mundo kung ano man ang nais nilang sabihin. Popular
halimbawa sa blogosphere ang pagpapaskil ng mga lakbay-sanaysay, replektibong
sanaysay, at piktoryal na sanaysay. Bagaman lubog at babad na ang mga mag-
aaral sa ganitong mga anyo ng pagsulat, ipamamalas ng mga babasahin na hindi
lamang nararapat na makulong sa kalungkutan, hinaing, at pag-ibig ang mga
paksa ng mga ito, bagkus kinakailangang umangat pa ito sa mga isyung
pangkultura’t panlipunan. Kahit pa seryoso o masaya/malungkot ang tinig, hindi
nawawala ang tali ng emosyon upang mailugar ang kanilang mga sarili sa mundo
na kanilang ginagalawan.
• Sa kaso ng malikhaing pagsulat, ang hamon ay kung
paano ipapakita nang bago ang mga dati nang
naipakita. o kaya’y kung paano ipapakita ang hindi pa
naipapakita ng iba. Kadalasan, ekstensyon ng sarili
ang anumang nabubuong malikhaing sulatin.
Interpretasyon ng manunulat ang mundo na kaniyang
ipinapakita sa kaniyang mga sulatin. Kung gayon,
ang isang mananaliksik ay nakauunawa na ang isang
malikhaing akda ay binuo ng mga salitang pinili ng
manunulat. Makatagpo man sa akda ng sensitibong
salita sa paningin ng iba, higit pa dito, ito’y dapat
tingnan sa pagka-akda at pagka-likhang sining nito.
•Matutunghayan sa mga talumpating
isinama sa mga babasahin, ang pagbanggit
at paggigiit sa mga personal na karanasan
bilang panghabambuhay na aral.
Mababasa ang mga pinagdaanang
karanasan sa buhay na tinitingnan bilang
resipi sa tagumpay. Pinatutunayan ng mga
talumpating ito na kaya ng bawat isang
maging matagumpay, anuman ang
kalagayan sa buhay.
• Wala rin namang pinag-iba ito sa mga lakbay-
sanaysay na nagpapakita ng mga pampersonal
na karanasan bilang lunsaran sa pagkatuto.
Ang paksa ng “ako,” “siya/sila,”
“Pilipinas/Pilipino” at “ibang bansa,” ay
mailalantad na masasabing normal na diskurso
lamang ng higit pa sa pampersonal na motibo.
Lagpas pa sa mga larawan ng lugar at pagkain
ang pag-unawa sa sarili, bagkus ito ay produkto
ng pagbasa at pag-alam matapos ang mga
hindi malilimutang karanasan ng paglalakbay.
• Samantala, ang mga replektibong sanaysay ay
nakabalangkas sa talabang sarili-pagkabansa.
Paglulugar ang mga sanaysay na ito ng mga
manunulat hinggil sa problematisasyon ng uri,
identidad, at pagkabansa. Sentral sa mga ito ang
kani-kanilang mga karanasan bilang tao, at bilang
iskolar na bahagi at nakikibahagi sa mas malawak
na mundo ng tunggalian
•Habang ang mga piktoryal na sanaysay ay
nakatuon sa ilang mga isyung panlipunan,
at sa paglulugar ng sarili sa usapin ng
pagkabansa. Aktwal ang mga larawang
ginamit nang sa gayon ay makaugnay ito
sa mismong mga karanasan ng sangkot na
mga indibidwal. Ito ang pinakamalapit sa
sinasabing “paglubog” ng sarili, sa
karanasan ng iba
• Bilang mga Pilipino, mahalaga sa mga mag-aaral
ang makisangkot sa ba’t ibang isyung pumapaloob
sa pagiging Pilipino, at pagbubuo ng bansa.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mga
babasahing ito, mas mapalalawak at mapalalalim
pa ang paraan at antas ng repleksyong ginagawa
ng bawat isa. Lagpas pa sa awit, tula, nobela, o
pelikula ang kailangang bigyan ng repleksyon at
pag-unawa.
TAKDANG ARALIN

•Pananaliksik:
Kahulugan, Katangian at
Layunin

You might also like