GLOBALISASYON Presentasyon ng Ikalimang Pangkat OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng
globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay. Manggagawang Pilipino iba’t ibang panig ng daigdig: Timog kanlurang Asya • Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates Silangang Asya; • South Korea,Japan, Taiwan, Hongkong at China. Europe, America at Canada GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL NG GLOBALISASYON
Manipestasyon ng globalisasyon sa aspetong Teknolohikal at
Sosyokultural ng mga bansa sa daigdig. • Cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. • Pilipinas, Bangladesh at India. • Mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. • Mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao. • Halimbawa nito’y ang pakinabang na nakukuha ng mga mangingisda ng Kerala sa India. Bago pa man pumalaot ang mga mangingisda ay tinatawagan na nila ang mga ‘prospektibong’ mamimili kaya naman nabibigyang kasiguruhan na sila ay kikita. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL NG GLOBALISASYON
Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa
mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila. Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami. Internet o E-commerce
Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang
uri ng serbisyo tulad ng e-mail. Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e- commerce. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL NG GLOBALISASYON
Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang
mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form • Musika, pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider. • Sikat na awitin, pelikulang, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags, memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet Sosyu-kultural
Ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa kultura ng
karatig-bansa tulad ng Korea. (Korean – Pop Culture) Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa: o pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Pag-usbong ng Social Media
Ang pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong
mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin. Mga social media networking sites Facebook, Instagram at Twitter Aktibo nang nakikibahagi ang mga netizen sa mga usaping lubos na nakakaapekto sa kanila. Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking Mga masamang epekto o maling paggamit ng Socila Media • Intellectual dishonesty • Mabilis na pagkalat ng peke na balita o Fake News • Ang pagkakaroon ng mga Troll Farm • Paggamit ng mga terroristang grupo at mga may masasamang loob na magpalaganap ng takot sa mund ng internet. GLOBALISASYONG POLITIKAL May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang bibigyang pansin. Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay- sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo ASEAN Integration sa Globalisasyon Naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal. Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga GLOBALISASYONG bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon • Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. • Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. • Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal o sosyo-kultural. Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Guarded Globalization
Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na
naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang: • pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at • pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulongpinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.Ilan Maraming Salamat sa Paikinig