Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Mga Layunin:

-Naipaliliwanag ang pahayag na kabaatang kidnapper sa mga mag-aaral.


-Nakagagawa ng isang poster making tungkol sa kahandaan ng mga kabataan.

II. Paksang Aralin :


Kabataang Kidnapper
III: Pamamaraan:
a. Aktibity
b. Pagpapakita ng larawan.

Ano ang napapansin ninyo sa larawan?


Ang lahat ng inyong opinyon ay may kinalaman sa aralin natin ngayon.

b. Pagsusuri:
-Bakit kinakailangan na magiging mapagmatyag at mabusisi tayo sa lahat ng bagay lalong lalo na kung hindi pamilyar
sa atin?
c. Paglalahad:
Ilahad ang paksang aralin.
Kabataang Kidnappers

Pilipino Star Ngayon, Agosto 12, 2018


NAGDUDULOT ng pangamba ang ginagawa ng ilang kabataan ngayon para magkapera- nangingidnap sila
at matindi, kaeskuwela nila ang kinikidnap at saka ipatutubos sa mga magulang nito. Wala nang takot ang
mga kabataan na para bang ang gawaing pangingidnap ay karaniwan na lamang.

Ang nangyayaring ganito ay hindi dapat balewqalain ng mga awtoridad at mga magulang. Kapag hindi
nasawata, maaaring gayahin ng iba pang kabataan para magkapera. Kaya talagang mahalaga ang
pagsubaybay ng mga magulang sa kanilang mga anak para hindi maligaw ng landas.
Sa nakalipas na lingo, tatlong kabataan ang kinidnap, ayon sa Anti-Kidnapping Group (AKG). Dalawa sa
mga kinidnap ang na-rescue ng AKG samantalang isa ay nakatakas sa mga kidnaper. Ayon sa AKG ang
dalawang kinidnap ay mga estudyante. Na-rescue nila si Denzhel Gomez, student ng San Juan de Letran at
ang isang estudyanteng babae sa Quezon City na itinago ang pangalan. Hinahanap pa ng mga pulis ang
kidnaper na umano’y mga estudyante rin. Ang ikatlong kinidnap saubalit nakatakas ay estudyanteng lalaki
sa Quezon City din. Pero naaresto na ang suspect.

Ayon sa AKG, ngayon lang daw sila naka-encounter ng ganitong mga kaso na ang mga kinapper ay mga
kabataan pa at nag-aaral sa kolehiyo. Hindi raw nila akalain na sa ganitong edad – 16 hanggang 19 ay mga
kidnapper na. At tunay na nakapanlulumo pa, ang kinidnap ay kaklase rin nila.
• Ganyan ang nangyari kay Denzhel Gomez ng letran na kinidnap ng mga kaklase
habang naghihintay ng sasakyan sa Central Station sa Arrocerros, Maynila. Ayon sa
AKG, kasama ni Gomez sa paghihintay ang kaklaseng si Julius Atabay ng isang van
ang tumigil sa harap nila at sapilitan silang isinakay. Subalit pinakawalan si Atabay
(kasabwat pala) para makapag-negosasyon sa mga magulang ni Gomez at humingi
ng P30 Milyong ransom. Nahuli si Atabay at umamin na kasama siya ng kidnapper.
Itinuro niya ang safehouse at nailigtas si Gomez.

• Habang maaga pa, putulan na ng sungay ang mga kabataan bago pa lumala at
makaugalian na nila ang pangingidnap.. Mabuti at nalutas ng AKG ang
pangingidnap ng mga kabataan. Hindi na talaga dapat mangyari ang ganitong
masamang gawain.
d. Paglalapat:
Gumawa ng isang POSTER MAKING na naglalayon na hikayatin ang mga mag-aaral na maging aware sa mga
pangyayari sa lipunan. Ilagay ito sa isang buong papel.

IV. Ebalwasyon:
Sa ILLUSTRATION BOARD gumawa ng mga kasabihan ukol sa “ Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.

You might also like