Fil PPT Adm 2nd Quarter Module 1 Tanka at Haiku

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 1486

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang

Tanka at Haiku
Nobyembre 7, 2022

Fermi, Feynman, Fresnel, at Franklin


Balikan

Naalala mo pa ba ang ating huling aralin?


Magaling! Ating tinalakay ang tungkol sa pagbabahagi ng
sariling pananaw batay sa resulta ng isinagawa mong sarbey.
Tiyak kong natatandaan mo ang iba’t ibang akdang
pampanitikan mula sa Timog- Silangang Asya na ating
tinalakay sa unang markahan tulad ng mga sumusunod;
maikling kwento ng Singapore, Alamat ng Thailand, tula ng
Pilipinas, sanaysay ng Indonesia, at dula ng Pilipinas.
Gawain I. Bilang bahagi ng natutuhan mo sa lahat ng aralin,
subukin mong sagutin ang kasunod na gawain sa iyong sagutang
papel. Gayahin ang pormat sa ibaba.
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Ano ang masasabi mo sa bansa na inyong
nabanggit?
3. Anong kaugnayan nito sa ating paksang
tatalakayin?
Panitikan ng Japan
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Tanka at Haiku
Isinalin sa Filipino ni M.O.
Jocson
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng
panitikang Japan. Ginawa angTanka noong ikawalo siglo at ang Haiku
noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahinang mga
ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Ang
pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na
tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves.
Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula
nakaraniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa
makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang
Tsino ang mga manunulat na Japan. Ang mga unang
makatang Japanese ay sumusulat sa wikang Tsino
sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Japanese sa
pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.Sa pagitan ng
ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat
ng Japanese ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat
sa China upang ilarawan ang tunog ng Japanese. Tinawag
na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig
sabihin ay “ hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga
makatang Japanese ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming
pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga
Japanese na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na
matatawag nilang sariling-sarili nila. Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno
ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa
naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig
na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7
bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan
ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at
babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng
tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo
ang isang Tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito,
noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula
ng mga Japanese. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Japanese sa Pilipinas
lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig
na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa
Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong
antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa English ay cutting.
Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji
naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”.
Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong
parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na
mapag-isipan ang kaugnayan ng na unang berso sa sinundang
berso. Maaari rin namang makapagbigay-daan ito sa marangal
na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring
sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay
“palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman
ay “ unang ulan sa pagsisimulang taglamig”. Mahalagang
maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at
paniniwala ng mga Japanese upang lubos na mahalaw ang
mensaheng nakapaloob sa tula.
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku

Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Japanese.


Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na
may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay:7-
7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng
pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.Samantala, ang Haiku ay mas
pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may
tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5
o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito
pa rin. Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-
ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at
Haiku.
Ano nga ba ang Haiku?
Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang haiku ng mga Hapon.
Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang: 5-
7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
HALIMBAWA

I. B a y a n k o n g s in ta = 5
B u h a y a y ia a la y = 7
Iy a n a y tu n a y . = 5

II. W a la n a n g ib a = 5
P a ra s a a k in , s in ta ! = 7
H abang b uh ay pa. = 5
S i n u l a t n i : Dhutay
I. B a -y a n k o n g sin -ta = 5
III. Kung u m ara w m an = 5
B u -h a y a y i-a -a -la y = 7
O kay Ia-y’ ta a
ny au
y utlu
a-nn =
ay7 =5
H in d i s a s a b la y = 5

IV . M u n t iK
ng su
ab i nuta
ankgop=
a5n tig -- 1 7
Ik a w n a a n g ta h a n a n = 7
H a limAbnagwaak ii tnog nm
guHnadio
k u=, 5
b i n u b u o n g tatlong linya a t b a w a t l i n y a / t a l u d t o d a y
may 5-7-5 na pantig kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: M a a a r i n g m a g k a p a l i t - p a l i t a n g b i l a n g n g p a n t i g s a b a w a t l i n y a o
ta lu d to d , n g u n it k a ila n g a n g ta m a a n g k a b u u a n n ito s a b a w a t s a k n o n g s a
H a ik u -17 n a p a n tig .
H a lim b a w a : 7 - 5 -5 o 5 - 7 - 5 o 5 - 5 - 7
Ngayon kaibigan ano nam an ang Tanka?
Naunang nagawa ang Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Ito ay binubuo ng 31
na pantig na m ay 5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Paksa
nito’y ukol sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.
Ponemang suprasegmental- Tumutukoy sa
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang
hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.

Ponema- Ito ang pinakamaliit na yunit na


salita at makabuluhang ng tunog.
Tatlong Uri ng Suprasegmental

Antala/Hinto- Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap.
Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//)
o gitling (-).

Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng
kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na maaaring
siya’y napagkamalan lamang na ibang tao.
b. Hindi ako, si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang
kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.
Tono/Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig
sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na
halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas o pagbaba ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy sa
rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging
sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng
Quezon, karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay
nagpapahayag ng tindi ng damdamin…

Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono bagama’t iisa ang intonasyon.


*Pagsasalaysay/paglalarawan- Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Julrecca.
*Masasagot ng OO o HINDI-Totoo?
Sila iyon, ‘di ba?
*Pagpapahayag ng matinding damdamin
Naku, may sunog! Hoy! Alis dyan!

*Pagbati- Kumusta ka?


Magandang umaga po. Salamat sa iyo.

*Pagsagot sa tanong - Oo, aalis na ako.


Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tono o hindi pa alam kung ano ang
kahulugan ng salita.
/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay
waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas.
Halimbawa: /SU: ka? /= vinegar
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas
ang hangin mula sa bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit

Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang


tunog ng /h/ ay paulit-ulit na ginamit tulad ng

H i-sa-ka-ta-no Ang tono at damdaming


Hi-ka-ri-no— do-ke-ki TONO nangingibaw sa tanka ay
H a-ru-no-hi-ri kapayapaan at katahimikan
Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku
Ha-na-no-chi-ru-ra-m u LAYUNIN Nagpapahayag ng emosyon
Sa mga Japanese ang tunog ng /h/ ay lumilikha ng damdamin ng kapayapaan at
katahimikan. Ang paghinto sa pagbigkas ng mga salitang Japanese ay hindi laging
nakabatay sa kanilang mga patinig. Binibilang nilang isang pantig ang /n/
Samantalang sa pagbigkas ng Haiku, ang saglit na paghinto ay matatagpuan sa
pagitan ng dalawang larawang diwa o kaisipang ipinahihiwatig sa tula tulad ng:
Naglalahad ng unang ulan

Ha-tsu-shigu-ri
Sa-ru-mo-ko-mi-no-wo Ho-shi-ge-na ri

LAYUNIN

TONO

sa pagsisimula ng taglamig

Pagbabago
Alam mo ba na…
Ang Tanka at Haiku ay ginagamitan ng matalinghagang
salita/pahayag upang mas kawili-wili at kabigha-bighani ito.
Ang Matalinghagang Salita ay malalalim na mga salitang may
simpleng kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak o
kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan
nito. Ito ay ginawang mga talinghaga na inuugnay sa kung ano
ang ibig sabihin ng nagsasalita. Ginagamitan ng mga
kasabihan, idyoma, at tayutay.
Tanaga
Tayo naman sa Pilipinas, ay may TANAGA, isang uri ng sinaunang
tula na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na taludtod na
may tig pipitong pantig sa bawat taludtod. Ang tanaga ay isa sa mga
halimbawa ng maikling katutubong tula sa Pilipinas.
Kung minsan naman, nakasentro ang saknong sa iisang idea o
kalipunan ng mga imahen na nagsasaad ng isang damdamin o
kaisipan. Ang tanaga ay nahahawig sa salawikain sa tinig at tema.
Gayunman, ang tanaga ay itinuturing na nagpapahayag ng mas
matinding damdamin at mas malalim na kabatiran tungkol sa buhay.
Mas matalinghaga rin ito.
Ang tanagang nakarating sa atin ngayon ay sumusunod din sa mas
mahigpit na estruktura kung ikukumpara sa salawikain na mas
pabago-bago ang estruktura.
May tatlong gamit ang mga salitang ito sa panitikan gaya ng tula, nobela, at sanaysay. Suriin ang
kasunod na Tanka at Haiku sa ibaba.

Halimbawa Matalinghagang salita Kahulugan


Tanka:
Gabing naging tahimik Bituin ang sumilip Bulaklak na sumagi Mamasdan saglit Puso’y ngumiti
Ni: Leah L. Lidon Bituin ang sumilip

Puso’y ngumiti Nagbibigay liwanag

maligaya
Haiku:
Dahong sumayaw Hangin ang nagpagalaw Araw dumungaw
Ni: Leah L. Lidon Araw dumungaw Magandang panahon
   
Pagyamanin

Gawain 1.1 PAGHAMBINGIN


(Kompetensi 1. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku.)
Panuto:
Mula sa binasang Tanka at Haiku sa pahina 7-8, isa-isahin ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian o
pagkabuo.
Paglalapat:
PAGBIGKAS: Basahin at suriin ang tono ng
tula. Katapusan ng Aking Paglalakbay ni
Oshikochi Mitsune Isinalin sa Filipino ni M. O.
Jocson
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip
Performance Task #1
Panuto: Sumulat ng Tanka o Haiku na binubuo ng
isang saknong at ang pinapaksa ay hinggil sa pag-
ibig sa bayan. Isulat ito sa makulay na papel at
lagyan ng disenyo na may kaugnayan sa nilalaman
nito. Salungguhitan din ang mga matatalinghagang
salita o pahayag.
Pamantayan sa pagsulat ng Tanka at Haiku

Pamantayan 5 3 2

Paksa: n asu su n od ang paksa


n g T anka o H aiku .

Nilalaman: angkop ang


paggamit at baybay ng mga
salita.
Istrukrura/Anyo: wasto ang mga
sukat/ bilang ng pantig at
taludtod ng tulang Tanka o
Haiku.
Maikling Pagsusulit:
Panuto: A. Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titikng
tamang sagot.
_____ 1. Tulang mula sa Hapon na binubuo ng 31 pantig.
a. Tanka b. Haiku c. Tanaga d. Awit
_____ 2. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at tanka ng Japan?
a. May tugma ang tanaga, sa tanka ay wala.
b. Mas mahaba ang tanka kaysa tanaga.
c. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang tanka ay sa panahon
d. Ang tanaga ay nagpapahayag ng kaisipan, ang tanka ay sa pag-iisa at pag-ibig
_____ 3. Ang haiku ay higit na maikli kaysa tanka, binubuo ito ng tatlong taludtod
at may kabuuang pantig na ______.
a. labing-anim b. labimpito c. labing-walo d. tatlumpu’t isa
_____ 4. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng cherry blossoms sa
mga tanka ng Japan?
a. Mainit na panahon
b. Malapit na ang taglamig
c. Paglipas ng panahon
d. Taglagas
_____5. Payapang ganap ang paligid nang siya ay dumating. Ano
ang ibig ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
e. Tahimik na kapaligiran
f. Puno ng kalungkutan
g. Kapighatian
h. Kasiyahan
Panuto: B. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na tumutugon sa bawat tanong sa ibaba.

Diin Tono Ponema Hinto


Ponemang Suprasegmental

____________ 6. Ito’y nagpapahayag ng lakas at bigat o bahagyang pagtaas


ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Isa rin itong ponema sapagkat
sa mga salitang may iisang tunog o baybay at nakakapagpabago ng
kahulugan.
____________ 7. Nagpapahayag ito ng bahagyang pagtigil sa pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
____________ 8. Ito ay makahulugang tunog at malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
________________9. Tumutukoy sa makahulugang unit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa
pagsulat.
_______________10. Ito ang pinakamaliit na yunit ng
salita at makabuluhang yunit ng tunog.

You might also like