Professional Documents
Culture Documents
Aralin 3 Register Bilang Varayti NG Wika
Aralin 3 Register Bilang Varayti NG Wika
Aralin 3 Register Bilang Varayti NG Wika
ng Wika
Layunin
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
• Nasasabi kung ano ang register bilang varayti ng
wika;
• Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o
laranggang pinaggagamitan nito;
• Nakapagtatala ng mga halimbawa ng register ayon
sa ibat-ibang larangan o disiplina;
• Nakasusulat ng maikling talatang ginagamitan ng
mga register; at
• Nakabubuo ng word list sa ibat-ibang larangan o
disiplina.
monitor printer scroll shift
megabyte
Mga Salitang pangkompyuter
lamang. Mga Salitang hindi lamang
pangkompyuter.
_______________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _____________
Sa artikulong iyong binasa, tiyak na
napansin mo ang mga terminong
ginamit ng may-akda na may
kaugnayan sa paggamit natin ng cell
phone. Tiyak din na ang mga
terminong ito ay madalas mong
sinasambit lalo na kapag hawak mo o
ginagamit mo ang iyong cell phone.
• Gaya ng paggamit ng cell phone
napakarami pang gawain ng tao na
ginagamitan ng mga espesyalisadong
termino. Madalas, ang mga terminong ito
ay hiram na mga salita o mula sa mga
banyagang kultura. Kasabay sa
pagtanggap at panghihiram ng banyagang
kultura ang patuloy na pagdami ng mga
espesyalisadong terminong ginagamit ng
mga tao gaya natin dito sa Pilipinas.
Halimbawa: nang hiramin natin ang
kultura ng paggamit ng washing
machine, ang mayamang salita natin
sa paglalaba gaya ng kuskos, kusot,
piga, kula, babad, banlaw, palo-palo,
palanggana, batya, at iba pa ay
nadagdagan ng mga salitang wash,
rinse, spin, reserve, soak, speed,
hyper speedy, normal, mini, delicate,
tub, tub hygiene, at iba pa.
Sa larangan halimbawa ng
komunikasyon gamit ang cell phone,
bukod sa mga terminong iyong nabasa
sa artikulo, marami pang
espesaylisadong terminong ginagamit
gaya ng text, call, outbox, unlimited
text, unlimited call, massage, camera,
bluetooth, post paid, ringtone,
earphone, send, inbox, at iba pa.
Register bilang Espesyalisadong
Termino
Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing
machine at pang-cell phone ay ginagamit din sa
ibang larangan. Mapapansin din na kapag ginamit
sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na
ang taglay na kahulugan ng mga ito.
Halimbawa: ang spin sa washing machine ay
nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina
upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit.
Samantala, sa paggawa ng
sinulid, nangangahulugan ang
spin ng paghahabi ng hibla o fiber
upang maging sinulid. Ang text sa
cell phone ay tumutukoy sa
ipinadalang mensahe patungo sa
isa o iba pang cell phone.
Samantala, sa literatura, ang text
ay tumutukoy sa anomang
nakasulat na akda gaya ng tula,
sanaysay, at kuwento.
Ang isang salita o termino ay
maaaring magkaroon ng iba’t
ibang kahulugan ayon sa
larangan o displinang
pinaggamitan nito. Register ang
tawag sa ganitong uri ng mga
termino.
REGISTER -Tinatawag na register
ang mga espesyalisadong termino
gaya ng mga siyentipiko at teknikal
na nagtatalakay ng ibat ibang
kahulugan sa ibat-ibang larangan o
disiplina.
Halimbawa ng Register :
- Ang Salitang Kapital ay maaring magkaroon ng
dalawang kahulugan ayon sa register o larangan na
kinabibilangan nito.
SALITA: KAPITAL KAPITAL
1. Credit
2. Miidyum
3. Load
4. Text
5. Prepaid Load