ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay Pangunahing tanong? Bakit mahalagang malaman ang kagamitan sa pananahi? Pananahi sa kamay Pananahi sa kamay Mga kagamitan saPananahi 1. Karayom Ito ay pangunahing kagamitan sa pananahi Apat na Uri ng Karayom a. Sharp Ito ang ginagamit sa bahagyang makakapal na tela gaya ng maong. b. Tapestry Ito ay mas maikli kung ikukumpara sa harap ngunit mas malaki at mahaba ang butas nito. c. Crewel kahalintulad ito ng tapestry at ginagamit sa pagmamarka at pagbuburda. d. Between Ito ay ang pinakapinong karayom na may bilog na butas. 2. Aspile Ang aspile ay parang karayom ngunit wala itong butas na pagsusuotan ng sinulid. 3. Pin cushion Ito ang tusukan nang karayom at aspile na hindi ginagamit. 4. Emery bag Ito ay katulad ng pin cushion ngunit sa halip na bulak at kandila ang laman nito ay buhangin. 5. Gunting Ito ay yari sa metal na ginagamit sa paggupit ng tela,sinulid at pardon. 6. Didal Ito ay maaring yari sa plastic o metal. Ito ay isinusuot sa hinlalato bilang proteksyon. 7. Sinulid Ito ay hibla na isinusuot sa sa karayom bilang panahi. 8. Medida Ito ay ginagamit sa pagkuha ng sukat ng katawan, tela, pardon at iba pang kailangan sukatin. 9. Threader Ito ay ginagamit upang mapabilis ang pagsuot ng sinulid sa butas ng karayom. 10. Lapis o Tailor’s chalk Ito ay ginagamit pangmarka sa tela o pardon. 11. Kahong Panahian Ito ay lalagyan ng mga gamit sa panahi. Pangangalaga ng Kagamitan sa Pananahi 1. Palaging iayos at itabi ang kahon na naglalaman ng mga kagamitan sa pananahi. 2. Ilagay ang kahon sa lugar na hindi naaabot ng nakababatang kapatid. 3. Tiyaking matalas at maganda ang kinalalagyan ng gunting na gagamitin. 4. Huwag gamitin ang gunting na panggupit sa tela sa mga papel, karton, goma o balat. 5. Ilagay ang karayom at aspile sa emery bag. 6. Ang medida ay dapat nakabalumbon matapos gamitin. 7.Bago itago ang kahon siguraduhing nasa loob ang lahat ng kagamitan. Dalawang Uri ng Tela 1. Natural fiber 2. Synthetic Fiber