Q2 Week8 Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 76

Filipino Week 8

Pagsusunod-sunod
ng mga
Pangyayari
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay
inaasahang makapagsusunod-sunod ng
mga pangyayari sa napakinggang
kuwento sa tulong ng larawan at
pamatnubay na tanong.
Ang mga pangyayari sa kuwento ay
napagsusunod-sunod sa pamamagitan
ng paggamit ng mga salitáng pang-
ugnay tulad ng una, pangalawa, sunod,
pagkatapos, at huli.
Filipino Week 8
Day 1- Lunes
Balik-aral
Sabihin kung ilang
pantig ang bawat salita.
1.bahay-
2.Sabado
3.ikaw
4.simbahan
Makinig sa kwentong
babasahin.
Ang pamagat ng
kwento ay

Ang Dagang Mahilig sa


Keso
Halaw sa Kuwento ni Ofelia Concepcion
Inilathala ng: The Bedtime Stories in
Full Color
Si Bubuwit ay
isang makulit na
daga. Mahilig
siyang kumain ng
keso.
Ang kaniyang tatay
ay nagtatrabaho sa
pabrika ng keso kaya
laging may baong
keso si Bubuwit sa
paaralan. Mahal na
mahal si Bubuwit ng
kaniyang mga
magulang.
Maginhawa ang buhay ni Bubuwit. Lahat ng
kanilang pangunahing pangangailangan ay
natutugunan.
Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama
ni Bubuwit. Dahil sa sama ng loob, ito ay
nagkasakit.
Lahat ng kanilang naipon ay
pinambayad at ibinili ng gamot
hanggang sa wala na silang
makain. Hindi nawalan ng pag-
asa ang nanay ni Bubuwit.
Siya muna ang naghanapbuhay
para sa kanilang pamilya,
habang si Bubuwit ay nag-
aaral nang mabuti at
tumutulong din sa
mga gawaing
Makalipas ang
ilang buwan ay
gumaling ang
tatay ni Bubuwit.
Siya ay muling
nagkaroon ng
maayos na
hanapbuhay.
Naging maayos ang buhay ng
pamilya ni Bubuwit.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Sagutin ang mga tanong


tungkol sa kuwento. Piliin ang
letra ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang trabaho ng
tatay ni Bubuwit?
A. gumawa ng keso
B. gumawa ng kape
C. gumawa ng tinapay
2. Sino ang nagtatrabaho
sa pabrika ng keso?
A. kuya ni Bubuwit
B. ate ni Bubuwit
C. tatay ni Bubuwit
3. Saan lagi nagdadala ng
baong keso si Bubuwit?
A. sa bukid
B. sa paaralan
C. sa palengke
4. Bakit natanggal sa
trabaho ang Tatay ni
Bubuwit?
A. yumaman
B. yumabong
C. nagkasakit
5. Ano ang pamagat ng
kuwento?
A. Ang Dagang Mahilig sa
Keso
B. Ang Dagang Mahilig sa
Kape
C. Ang Dagang Mahilig sa
Tinapay
Tandaan:
Ang mga pangyayari sa kuwento ay
napagsusunod sunod sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
salitáng pang-ugnay tulad ng una,
pangalawa, sunod, pagkatapos, at
huli.
Pagtataya:
Pagmasdan ang mga
larawan ayusin ang mga ito
ayun sa pagkakasunod
sunod sa kwento. Isulat ang
bilang 1 -5
Filipino Week 8
Day 2- Martes
Balik-aral
Pagmasdan ang mga
larawan ayusin ang mga ito
ayun sa pagkakasunod
sunod sa kwento. Isulat ang
bilang 1 -5
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
Gámit ang mga larawan, sa ibaba,
pagsunod-sunurin ang mga ito upang
makabuo ng maikling kuwento.
Maaaring gumamit ng salitáng pang-
ugnay tulad ng una, pangalawa,
sunod, pagkatapos, at huli. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel
_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
Makinig sa kuwento
Filipino Modyul pahina
34
Ang Karera ni Pagong at Kuneho
Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at Kuneho ay
nagkita. “Kaibigang Pagong, ano kaya kung magkarera
tayo?” wika ni Kuneho. “O sige, “ tugon ni Pagong.
“Hanggang saan ang ating tatakbuhin?” tanong ni
Pagong. “Hanggang sa punong iyon sa tabi ng bundok.
O, hala handa, takbo!” ang tugon ni kuneho. Mabilis
ang takbo ni Kuneho. Naging malayo ang agwat niya
kay Pagong. Mabagal tumakbo si Pagong, “matutulog
muna ako,” wika ni Kuneho.
“Ay! Nahimbing ako! Nasaan na kaya si Pagong! Aba!
Hayun na siya. Sayang! Kung di ako nakatulog, ako
sana ang panalo.” Kahit na mabagal kung matiyaga,
matatapos din ang iyong ginagawa
Gawain sa Pagkatuto
Bílang 3:
Batay sa napakinggang kuwento,
sagutin ang sumusunod na mga
tanong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Alin ang unang
nangyari sa
kuwento?
A. “Kaibigang Pagong, ano
kaya kung magkarera tayo?”
wika ni Kuneho.
B. “Hanggang saan ang ating
tatakbuhin?” tanong ni Pagong.
C. Isang Linggo ng umaga, sina
Pagong at Kuneho ay nagkita.
2. Alin ang huling
nangyari sa
kuwento?
A. Mabagal tumakbo si Pagong,
“matutulog muna ako,” wika ni
Kuneho.
B. Mabilis ang takbo ni Kuneho.
Naging malayo ang agwat niya kay
Pagong.
C. Kahit na mabagal kung
matiyaga, matatapos din ang
iyong ginagawa.
Tandaan:
Ang mga pangyayari sa kuwento ay
napagsusunod sunod sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
salitáng pang-ugnay tulad ng una,
pangalawa, sunod, pagkatapos, at
huli.
Pagtataya
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari upang makabuo ng
malinaw na kuwento. Lagyan ng
bílang 1–5 ang patlang. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
____ 1. Namasyal ang magkakaibigan sa
parke.
____ 2. Natutuhan nila na mahalaga ang
pagsunod sa mga babala.
____ 3. May nakita siláng karatula na
“Bawal Magbisikleta”.
____ 4. May batang hindi sumunod sa
babala.
____ 5. Hinuli ng pulis ang batang hindi
sumunod sa babala.
H.W Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
Maghanap ng larawan ng
anumang uri ng hayop na
matatagpuan sa inyong lugar.
Gupitin at idikit ito sa iyong
kuwaderno. Bumuo ng
kuwento mula sa larawan.
Filipino Week 8
Day 3-
Miyerkules
Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat
ng 1-unang pangyayari,2-para sa
sumunod na pangyayari at 3- para sa
huling pangyayari.
-Isulat ang bilang sa ibaba ng tamang
larawan.
Pakinggan mong mabuti
ang kuwento upang
mapagsunod-sunod mo
nang wasto ang mga
pangyayari.
Sina Betsie at Botsie
Ni Daisy M. Doral Guhit ni
Jayson Casareno
Isang maulang umaga nang dumungaw
sa bintana si Botsie. “ Maghanda na
kayo, isuot na ninyo ang inyong mga
kapote at bota,” wika ni Nanay
Bing. Agad na sumunod si Betsie at
isinuot niya ang kaniyang lilang bota
at kapote.
“ Oops, Oops, Oops! Lampas tuhod
na ang tubig- baha! Basangbasa na
ang medyas at sapatos ko,” sambit
ni Botsie. “Hindi ka kasi
nag-iingat sa paglakad,”wika ni
Betsie. Ipinagpatuloy nila ang
kanilang paglalakad patungo sa
kalapit na barangay,sa bahay
niTita Betty.
Narating nila ang bahay ni Tita Betty.
Nang hindi kalaunan sumakit ang kaniyang
tiyan at nakaramdam ng pagsusuka.
Isinugod siya ng kaniyang Tita Betty sa
kalapit na RuralHealthUnit.Pagkalipas ng
dalawang araw, maayos na ang kalagayan
ni Botsie. Masaya na siyang
muli.Naglalaro silang kaniyang kakambal
na si Betsie nang marinig nila ang kanilang
Nanay Bing.
“Pumasok na kayo at
matindi na ang sikat ng araw, hindi
mabuti ang naidudulot ng matinding
sikat ng araw.”Agad na sumunod sa
utos ng nanay ang magkapatid at
masayang pinagsaluhan ang
inihandangkakanin at mga prutas ng
kanilang Nanay Bing.
Tingnan ang mga
larawan. Buuin mo ang
kuwentosa tulong ng
mga larawan. Isalaysay
mo muli ito.
Tandaan:
Ang mga pangyayari sa kuwento ay
napagsusunod sunod sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
salitáng pang-ugnay tulad ng una,
pangalawa, sunod, pagkatapos, at
huli.
Pagtataya
Ayusin ang pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa pamamagitan
ng pagsulat ng 1-unang
pangyayari,2-para sa
sumunod na pangyayari at 3 para
sa huling pangyayari. Isulat ang
bilang sa ibaba ng tamang
larawan.
Homework:
Dalahin bukas.
Gumupit ng larawan ng
Batang sanggol
2 taong gulang na bata
6 na taong gulang na bata
Magdala ng paste/pandikit.
Filipino Week 8
Day 4- Huwebes
Ayusin at idikit sa papel
ayon sa tamang
pagkasunod-sunod ng
pangyayari.
Magkuwento sa bawat
maaaring pangyayari sa
bawat larawan.
Basahin nang malakas ang
kuwento sa bata at hayaang
sagutin niya ang susunod na
gawain.
Pagsunod-sunurin ang mga
larawan batay sa napakinggang
kuwento.
Isulat ang bilang 1-3.
Si Rambo
Kuwento ni Daisy M. Doral Guhit ni
Domingo G. Radam

Masayang naglalaro sina Faye at


Erick sa likuran ng kanilang silid
aralan. Hindi nila napansin si
Rambo, ang aso ni Gng. Malou
Valdez, na mahimbing na natutulog
sa ilalim ng puno ng mangga.
“Naku! Tinamaan natin ng bola si
Rambo,” gulat nasabi ni
Erick.Nilapitan niya ang aso upang
kunin ang bolana tumama sa aso.
Nang biglang kinagat ang kaniyang
binti.” Aray!” biglang napatakbo
papalayo sa aso si Erick.Nabigla
din si Faye.
Humingi sila ng tulong kay
Binibining Ana. Agad na dinala
ni Bb. Ana si Erick sa gripo,
binuksan ang gripo at itinapat
ang bahaging nakagat na binti.
Sumunod na hinugasan ng
sabon sa loob ng limang
minuto.
Pagkatapos ay dinala saAnimal
Bite Center upang mabigyan ng
anti-rabies vaccine.
Mula noon hindi na sila naglalaro o
lumalapit sa hindi nila alagang
aso o kay Rambo.
Pagsunod-sunurin ang mga
larawan batay sa
napakinggang kuwento.
Isulat ang bilang 1-3 sa loob
ngbilog.
Pagtataya
Ayusin ang pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa pamamagitan
ng pagsulat ng 1-unang
pangyayari,2-para sa
sumunod na pangyayari at 3 para
sa huling pangyayari. Isulat ang
bilang sa ibaba ng tamang
larawan.
Filipino Week 8
Day 5- Biyernes
Game day
Paunahan kung alin
ang tamang
pagkakasunod sunod
ng mga pangyayari

You might also like