Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Entablado

Manonood
LAYUNIN

1. Matutukoy ang pagkakaiba-iba ng


sangkap ng dula.
2. Mabibigyan ng kahalagahan ang
isang dula.
3. Makasasagawa ng isang
kwentong pansarili na nakapaloob
ang sangkap ng dula.
Dula
Dula

Ito ay nahango sa salitang


Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
 Dula

Ito ay isang pampanitikang


panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan.
Ang dula ayon kay: ARISTOTLE

Ito ay isang imitasyon o


panggagagad ng buhay.
Ang dula ayon kay: RUBEL

Ito ay isa sa maraming paraan ng


pagkukwento.
Ang dula ayon kay: SAUCO

Ito ay isang uri ng sining na may


layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa
manonood sa pamamagitan ng
kilos ng katawan, dayalogo at iba
pang aspekto nito.
Ang dula ayon kay: SCHILLER
AT MADAME DE STAELE

Ito ay isang uri ng akdang may


malaking bisa sa diwa at ugali ng
isang bayan
Kahalagahan ng Dula:

Gaya ng ibang panitikan,


karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong
buhay.
Kahalagahan ng Dula:

Inaangkin nito ang lahat ng


katangiang umiiral sa buhay
gaya ng mga tao at mga
suliranin.
Mga Sangkap ng Dula
MGA SANGKAP NG DULA

SIMULA
1. TAUHAN
2. TAGPUAN
3. SULYAP NA SULIRANIN
GITNA
4. KASUKDULAN
5. TUNGGALIAN
6. SAGLIT NA KASIGLAHAN
WAKAS
7. KALUTASAN
8. KAKALASAN
1. Tauhan

Ang mga kumikilos at


nagbibigay buhay sa dula.
2. Tagpuan

Ang panahon at pook kung


saan naganap ang mga
pangyayaring isinasaad
3. Sulyap sa Suliranin

Pagpapakilala sa problema ng
kwento. Pagsasalungatan ng
mga tauhan, o kaya’y suliranin
ng tauhan na sarili niyang likha
o gawa.
4. Saglit na Kasiglahan

Ito ay ang saglit na paglayo o


pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
5. Tunggalian

Maaaring sa pagitan ng mga


tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang
sarili; maaaring magkaroon ng higit sa
isa o patung-patong na tunggalian.
Mga uri ng tunggalian

1. Tao laban sa Tao


2. Tao laban sa sarili
3. Tao laban sa Lipunan
4. Tao laban sa kalikasan
6. Kakalasan

Ang unti-unting pagtukoy sa


kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian
7. Kalutasan

Dito nawawaksi at natatapos


ang mga suliranin at tunggalian sa
dula.
Bahagi ng Dula

1. Yugto
2. Tanghal-eksena
3. Tagpo
1. Yugto (Act)

Kung baga sa nobela ay


kabanata. Ito ang
pinakakabanatang paghahati sa
dula.
2. Tanghal-eksena (Scene)

Ang bumubuo sa isang yugto.


Ito ay maaaring magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon sa
kung saan gaganapin ang
sususnod na pangyayari.
3. Tagpo (Frame)

Ito ay ang paglabas at


pagpasok ng kung sinong
tauhang gumanap o gaganap sa
eksena.
Mga Uri ng Dula

1. Komedya
2. Trahedya
3. Melodrama o
“Soap Opera”
4. Parsa
5. Parodya
6. Proberbyo
1. Komedya

Kapag masaya ang tema,


walang iyakan at magaan sa
loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
2. Trahedya

Kapag malungkot at kung


minsan pa ay nauuwi sa isang
matinding pagkabigo at
pagkamatay ng bida.
3. Melodrama o “Soap Opera”

Kapag magkahalo naman ang lungkot


at saya, at kung minsan ay eksaherado
ang eksena, sumusobra ang pananalita
at ang damdamin ay pinipiga para
lalong madala ang damdamin ng mga
nang sila ay maawa o mapaluha sa
nararanasan ng bida.
4. Parsa

Kapag puro tawanan at walng


saysay ang kwento, at ang mga
aksiyon ay puro “Slapstick” na
walang ibang ginawa kundi
magpaluan at maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan.
5. Parodya

Kapag mapanudyo, ginagaya ang


kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo
ng komentaryo, pamumuna o kaya ay
pambabatikos na katawa-tawa ngunit
nakakasakit ng damdamin ng
pinauukulan.
6. Proberbyo

Kapag ang isang dula ay may


pamagat na hango sa bukambibig
na salawikain, ang kwento ay
pinaiikot dito upang magsilbing
huwaran ng tao sa kanyang buhay.
MARAMING SALAMAT
SA
PAKIKINIG 

You might also like