PANG-EKONOMIKO NG MGA LIKAS NA YAMAN YUNIT 2: ARALIN 3
Ms. Shane P. Ababao
Guinobatan West Central School Guinobatan, Albay PAKINABANG SA KALAKAL AT PRODUKTO
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya,
ang Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito. Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa. …
Pangunahin nang kapakinabangan sa ating likas na yaman ang mga
produktong nakukuha rito. Ang mga isda at iba pang lamang dagat at tubig; mga prutas at gulay at pang-agrikulturang produkto; mga torso; mga mineral, ginto, pilak at tanso; at marami pang iba ay napagkakakitaan natin ng malaking halaga. Ang mga produktong ito ay iniluluwas din sa ibang mga bansa. Nangangahulugan na karagdagang kita ito sa ating kabang-yaman at dagdag na pag-angat ng ating ekonomiya. PAKINABANG SA TURISMO
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing
ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan, at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista ang mga makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito, Malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya. PAKINABANG SA ENERHIYA
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa. Isa itong
malaking bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis. Pinatatakboo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte sa pamamagitan ng windmill. Ilan lamang ang mga ito sa kapakinabangang nakukuha sa ating mga likas na yaman. GAWIN MO: GAWAIN A Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot sa notbuk.
LIKAS NA YAMAN KAPAKINABANGANG
PANG-EKONOMIKO Hal: Produkto Pinagkukunan ng ikabubuhay bilang eksport, >Tuna at iba pang isda lokal na konsumo Tanawin >Bulkang Mayon Turismo TANDAAN MO
Ang mga likas na yaman ay nakapagdudulot ng
maraming kapakinabangan sa ating ekonomiya. Ilan sa mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang- ekonomiko ay ang mga produkto at kalakal mula sa mga likas na yaman, turismo, at kalakalan. NATUTUHAN KO Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang mga pakinabang na pang- ekonomiko mula sa mga sumusunod: ____ 1. Taniman ng strawberry sa Baguio ____ 2. Lungsod ng Tagaytay ____ 3. Puerto Galera ____ 4. marmol ____ 5. Bulkang Mayon ____ 6. ginto, pilak, at tanso ____ 7. Puerto Princesa Underground River _____ 8. Tarsier TAKDANG ARALIN:
Lumikha ng isang poster na nagpapakita ng
pakinabang na pang-ekonomiko mula sa likas na yaman ng bansa. Ipaliwanag sa klase ang kahulugan ng nilikhang poster.