Paraan ng Pagbubungkal ng Lupa MISS NIKAEL DONNA R. PERALTA UNSON ELEMENTARY SCHOOL PAGSANJAN, LAGUNA Alamin Natin
Maaaring maghalaman na gumagamit ng ilang piraso
ng kagamitan lamang ngunit lalong mainam at maginhawa ang gawain kung may angkop na paghahanda sa paghahalaman. Kung may kakulangan sa kasangkapan, maaaring gumawa ng mga panghalili kung ikaw ay masipag at mapamaraan. Dapat alam din ang wastong paraan ng paggamit ng iba’t ibang kagamitan. Linangin Natin
Ayusin ang mga titik upang matukoy ang inilalarawang kagamitan
sa paghahalaman. 1. SOLUD – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng mga punla. 2. LROSAA – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa. 3. RAGEDRA – ginagamit sa pagdidilig ng halaman. 4. YALKAKAY – ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uri ng basura. 5. PAAL – ginagamit sa paglilipat ng lupa. Tandaan Natin
Angwastong paggamit at pangangalaga sa mga
kagamitan sa paghahalaman ay makapagpapatagal ng panahong magagamit ang mga ito. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod: Punan ang patlang ng
bawat pangungusap:
1. _____ ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng
halaman. 2. _____ ginagamit na pamutol ng mga sanga. 3. _____ ginagamit pandilig ng halaman. 4. ______ ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng mga tuyong dahon at iba pang uri ng basura. 5. _________ ginagamit sa paglilipat ng lupa.