Aralin 8 Migrasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

MIGRASYON:

KONSEPTO AT KONTEKSTO
Panimula
Tuwiran ang ugnayan sa isyu ng
paggawa sa panlipunang
kalagayan ng marami sa mga
Pilipino. Sa katunayan, ang pag-
alis ng mga manggagawang
Pilipino ay lumikha ng mga
oportunidad at hamon sa
pamahalaan at lipunang Pilipino.
Sandaling Isipin
Kung ikaw ay
mabibigyan ng
pagkakataong
makapanirahan sa
ibang bansa, pipiliin
mo bang umalis ng
Pilipinas? Bakit?
MIGRASYON
Tumutukoy ito sa proseso ng
pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito
man ay pansamantala o
permanente.
MIGRANTE
Ito ang tawag sa mga taong lumilipat
ng lugar na nauuri sa dalawa
• pansamantala (migrant)
• pampermanente
(immigrant)
2 URI NG MIGRASYON

1. INTERNAL MIGRATION
Migrasyon sa loob lamang ng bansa.

2. INTERNATIONAL
MIGRATION
Migrasyon kapag lumipat ang mga tao sa
ibang bansa upang doon na manirahan o
mamalagi ng matagal na panahon.
DAHILAN NG
MIGRASYON
1. Hanapbuhay (economic migrants)
2. Paghahanap ng ligtas na tirahan (refugee)
3. Panghihikayat ng mga kapamilya o
kamag-anak na matagal nang naninirahan
sa ibang bansa;
4. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na
kaalaman partikular sa mga
industrialized countries
FLOW
Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga
nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon. Madalas ditong gamitin
ang mga salitang inflow, entries or immigration.
Kasama din dito ang bilang ng mga taong
umaalis o lumalabas ng bansa na madalas
tukuyin bilang emigration, departures or
outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis
sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag
na net migration.
STOCK
Ito ay ang bilang ng nandayuhan na
naninirahan o nananatili sa bansang
nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-
unawa sa trend o daloy ng paglipat o
mobility ng mga tao habang ang stock
naman ay makatutulong sa pagsusuri sa
matagalang epekto ng migrasyon sa isang
populasyon.
PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, bakit kaya may mga


Pilipinong ninais na manirahan sa ibang
bansa?
• May epekto ba sa Pilipinas ang
pandarayuhan ng mga Pilipino sa ibang
bansa?
 Ang migrasyon ay tumutukoy sa
proseso ng pag-alis o paglipat mula
sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente. Ang
dahilan ng pag-alis o paglipat ay
kalimitang mauugat sa iba’t ibang
kadahilanan.
1. Globalisasyon ng Migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang
nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon. Ang mga bansang madalas
puntahan o dayuhin tulad ng Australia,
New Zealand, Canada at United States ay
patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan
ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga
bansang pinagmumulan nito.
2. Mabilisang Paglaki ng
Migrasyon
Ang kapal o dami ng mga
nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas
sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig.
Malaki ang implikasiyon nito sa mga
batas at polisiya na ipinatutupad sa
mga destinasyong bansa.
3.Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Migrasyon
.Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang
nararanasan ng halos lahat ng mga
bansang nakapaloob sa usaping ito. May
mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay at irregular, temporary at permanent
migrants.
4. Pagturing sa Migrasyon bilang
Isyung Pulitikal
Ang usaping pambansa, pakikipag-
ugnayang bilateral at rehiyunal at
maging ang polisiya tungkol sa
pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
5. Paglaganap ng Migration
Transition
Ang migration transition ay nagaganap kapag
ang nakasanayang bansang pinagmumulan
ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at
refugees mula sa iba’t ibang bansa tulad ng
South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico,
Dominican Republic at Turkey.
 Sa pangkalahatang obserbasyon sa
migrasyon, mabilis na lumaki ang
migrasyon at dumami ang uri nito,
dumami ang transition migration,
itinituring ito sa kasalukuyan bilang
isyung politikal at nagkaroon ng
peminisasyon sa migrasyon.

You might also like