3rd Summative

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

3

rd

Summative
Test in EPP 5
I. Piliin ang titik ng tamang salita na angkop sa puwang. Isulat ang titik
sa bawat patlang bago ang bilang.
_____________1. Ang ay ginagamit upang maalis ang gusot ng damit
at maging maayos itong tingnan.
a. karayom b.sinulid c. plantsa d.sabon
_____________2. Ang ay isang paraan ng pag-aalis sa mga gusot o
lukot sa damit na dulot ng paglalaba upang bumalik ito sa dating
hugis at anyo.
a. paglalaba b. pagsusulsi c. pag-aalmirol d. pamamalantsa
____________ 3. Maayos at magandang tingnan ang __________
kung wasto ang pagkakaplantsa nito.
a. kasuotan b. laruan c. halaman d. kurtina
____________ 4. Tiyaking walang ibang ginagawa at nakatuon ang
buong atensiyon sa pamamalantsa upang maiwasang ___________
ang damit.
a. bumaho b. masunog c.sumikip d. lumuwang
____________5. Tanggalin ang pagkakasaksak sa ________ ng
plantsa matapos gamitin. Ang pangangalaga ng kasuotan ay isa sa
mga tungkuling dapat gampanan ng batang nasa iyong edad.
a. plug b.switch c. plantsahan d. hanger
____________6. Ano ang ginagamit sa paglilinis ng kisame?
a. basang basahan b. walis tambo c. bunot d. walis tingting
____________7. Paano aalisin ang mga alikabok sa mga kuwadro
ng larawan?
a. Walisan ang mga ito. b. Lagyan ng floor wax
c. Kuskusin ng eskoba d. Punasan ng tuyong basahan
____________8. Ano ang ginagamit sa mabilis at madaling
pagpapakintab ng sahig?
a. bunot b. basahan c. floor polisher d. mop
____________9. Ano ang ginagamit na pangtanggal sa mga parte
ng bentilador kung ito ay lilinisan?
a. gunting b. lagari c. martilyo d. screwdriver
____________10. Alin ang ginagamit na pangkumpuni sa
umuugang upuan?
a. lagari b. martilyo c. plais d. screwdriver
I. Isulat ang Tama kung sumasang-ayon sa pangungusap at Mali
kung hindi.
11. Ang paglilinis ng tahanan ay ginagawa araw-araw.
12. Maghanda ng plano o iskedyul ng mga gawaing-bahay.
13. Bigyan ng gawain ang nakababatang kasapi ng pamilya na
ayon sa kanyang kakayahan.
14. Responsibilidad lang ng magulang ang pangasiwaan ang
kaayusan ng tahanan.
15. Ang paggawa ng talatakdaan ay isang paraan ng
pagpaplano.
16. Ang pamamalantsa ay paraan ng pag-aalis ng gusot sa
damit.
17. Isaksak ang plug ng plantsa kahit basa ang
kamay.
18. Magandang matuto ng pamamalantsa habang
bata pa lamang.
19. Tiyakin na nasa wastong init o temperatura ang
plantsa bago ito gamitin.
20. Magandang tingnan ang bata kapag ang suot
niyang damit ay may gusot.

You might also like