Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

ARALING PANLIPUNAN

8
QUARTER 2, WEEK 3
JAY MARK V. VILLARICO
TEACHER
ANG PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA
KLASIKONG KABIHASNAN SA AFRICA,
AMERICA AT MGA PULO SA PACIFIC
ANG MGA KLASIKONG
KABIHASNAN SA
MESOAMERICA
Olmec – ay maituturing naging pundasyon ng mga
klasikong kabihasnan sa Mesoamerica –
Ang kabihasnang Maya,
kabihasnang Aztec
kabihasnang Inca.
 Tinawag na rubber people ang mga Olmec dahil tanyag sila sa paggamit ng dagta ng halamang
Castilla elastico o rubber tree sa ingles.
 Pinaniniwalaang sa pagitan ng 400 at 300 BCE, ang kulturang
 Olmec ay unti-unti ng nawawala. Ayon sa pag-aaral ng mga arkeologo, ito ay maaaring dulot ng
pagbabago sa kanilang kapaligiran tulad ng pagputok ng mga bulkan, paglindol at siltasyon.
ANG KLASIKONG
KABIHASNAN NG MAYA
 Ay nabuo sa may Yucatan Peninsula noong 250 CE.
 Narating nito ang tugatog ng kabihasnan noong 300 hanggang 700 CE. Sa pagtatapos ng ikawalong
siglo ay humina ito.
 Karamihan sa mga mamamayan ay nilisan ang mga lungsod, itinigil ang paggamit ng kalendaryo, ang
mga pyramid ay inabandona at hindi na pinagdausan ng mga ritwal. Iniuugnay din sa pagbagsak ng
Maya ang patuloy na kaguluhan, pagkasira ng kapaligiran at ang patuloy na paglaki ng bilang ng
mamamayang Mayan.

Ang kabihasnang Mayan ay nag-iwan ng pamana sa kasaysayan ng Mesoamerica


 sistemang pagsulat na Hieroglyphic,
 kalendaryong pangritwal at ang numerong zero (0).
 Ang human sacrifice o pag-aalay ng tao ay bahagi ng kanilang ritwal pangrelihiyon. Ang pag-aalay ng
dugo ng tao ay isang mahalagang sakripisyo na inaalay ng mga Mayan sa kanilang kinikilalang diyos.
ANG KLASIKONG
KABIHASNAN NG AZTECS
 Aztecs ay bahagi din ng kabihasnang Mesoamerica na umusbong sa gitnang Mexico mga
1300 CE.
 Nabuo bilang isang lungsod-estado mula sa mga pakikipag-alyansa sa lungsod-

estado ng Tenochtilian, Mexica at Tiacopan.


 Ang salitang Aztecs ay hango sa lugar na kanilang pinagmulan, ang Aztlan.
 Ang lupain ng Aztecs ay mataba kaya pagtatanim ang pangunahing kabuhayan. Ang

pagkakaroon ng malaking populasyon at kawalan ng mga kagamitang pantanim ay mga


suliranin ng Aztecs.
 Naging sagot ang paggawa ng mga artipisyal na isla na tinawag nilang chinampas o floating
garden at ang pagtatanim sa malambot na lupa. Nag-aani sila kamatis, kalabasa, sili, patani, at
abokado.
 Nag-aalaga din sila ng aso, pato, pabo at gansa.
ANG KLASIKONG
KABIHASNAN NG AZTECS
 Ginagawa din ng mga Aztecs ang human sacrifice sa paniniwalang kailangan ito ng

kanilang mga kinikilalang diyos upang sila ay lumakas.


Huitzilopochtli - ang diyos ng araw
Tlaloc - ang diyos ng ulan
Quetzalcoatl - ang diyos ng hangin at karunungan.
Maliban sa pagbaba ng populasyon at pagbabago ng kanilang kapaligiran, itinuturing din na
dahilan ng pagbagsak ng imperyong Aztecs ay ang pagdating ng mga kastila sa pangunguna ni
Hernando Cortes noong 1519.
ANG KLASIKONG
KABIHASNAN NG INCA
 Inca ay nangangahulugang mananakop o ruler na tumutukoy sa mga naghaharing pamilya.
 Maliit lamang ang naghaharing pamilyang Inca ngunit sapat upang pamunuan ang buong
lupain kaya binigyan din ng kahulugan ang Inca na “Imperyo ng mga Kastila”.
 Ang Imperyong Inca ay maituturing na pinakamalawak na imperyo bago dumating si
Christopher Columbus sa America.
 Mula 1438 hanggang 1533, ang Inca ay nabuo mula sa kanlurang bahagi ng South America
hanggang sa kabundukan Andes sa pamamagitan ng maaayos na pananakop.
 Nasakop din niya ang Peru, kanlurang Ecuador, kanluran at gitnang timog Bolivia, hilagang-
kanlurang Argentina, at malaking bahagi ng Chile at ang pinakadulong bahagi ng timog-
kanlurang Colombia sa pamumuno ni Panchcutti Yupanqui na ang literal na kahulugan ay
“earth shaker.”
ANG KLASIKONG
KABIHASNAN NG INCA
Ang mga Incas ay sumasamba kay
 Inti - ang diyos ng araw.
 Pachamama - ang diyosa ng daigdig.

Manco Capac
 ang unang hari ng Inca dahil sa kanyang katapangan. Tinuruan niya ang mga Incas na
magtanim, gumawa ng armas, magbahagi ng kakayanan at pagkakaisa.
DAHILAN NG PAGBAGSAK NG IMPERYONG INCA.

 Ang pag-aagawan ng kontrol sa imperyo, ang sobrang lawak nito at ang pagdating ng mga
kastila. ay ilan lamang sa mga pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng imperyong Inca.
 Noong 1572, bumagsak sa mga kastila ang kahuli-huliang puwersa ng imperyong Inca na
pinamumunuan ni Tupac Amaru.
ANG KLASIKONG
KABIHASNAN SA AFRICA
 Maliban sa ilog Nile sa silangan, ang malaking bahagi ng Africa sa hilaga ay kinabibilangan
din ng malawak na disyerto.
 Sahara desert- ang nakapagbigay ng malaking ambag sa pag-usbong at pag-unlad ng mga
pamayanan sa Africa.
 Ilan sa mga ito ay ang Songhai, Mali at Ghana.
 Naging susi ang kalakalang Trans-Sahara dahil dito dumadaan ang mga caravan ng mga
mangangalakal mula Asya, Europa at Africa.
IMPERYONG GHANA
Ghana - Ang salitang ito ay nangangahulugang warrior o war chief na titulong iginawad sa
nagtatag ng kaharihang Ouagadou.
 Tinatawag din silang Kaya Maghan o Lord of the gold sa wikang ingles.
 Pinaniniwalaan na ang imperyong Ghana ay nagsimula noong 300 CE mula sa simpleng
pamayanan.
 Ngunit ng magsimulang gamitin ang mga kamelyo sa pagtawid sa malawak na disyerto ng
Sahara ay naging masigla ang kalakalan at naging daan ito upang pamunuan ng Ghana ang
kalakalang Trans-Sahara na kung saan ginto at asin ang pinakamahalagang kalakal. Salat sa
asin ang kanlurang Africa kaya kalimitang ipinapalit dito ay ginto na kung saan sagana naman
ang Ghana.
IMPERYONG GHANA
 Dahil sa maunlad na kalakalan, naging sentro ng kalakalan o melting pot ang Ghana ng lahat
ng mga kalakal na nagmumula sa Europa, Asya at maging sa karating lugar sa silangan at
timog Africa.
 Lalong yumaman ang Ghana dahil sa mga buwis na ibinabayad sa hari para sa proteksyon ng
kanilang mga kalakal.
 Sa kabila ng kaunlaran, katanyagan at kayamanang taglay ay bumagsak din ang
pamamayagpag ng Ghana dahil sa mga paglusob ng mga mandirigma mula sa karatig imperyo
na nais na makontrol ang pag-aari nito. Sa huli ay nakipag-isa ang Ghana sa Mali noong 1240
CE.
IMPERYONG MALI
Ang pagtatapos ng imperyong Ghana noong 13 CE ay ang pag-usbong naman ng
 imperyong Mali na itinatag ni Sundiata Keita. ang Mali ay matatagpuan sa kanlurang Africa.
 Makikita ang impluwensiya nito sa mga kultura, wika, mga batas at paniniwala ng mga karatig lugar sa rehiyon ng
kanlurang Africa.
 Nagsimula ang kaharian ng Mali sa pampang ng Niger River, ang pangunahing ilog na nagbibigay ng masaganang suplay
ng tubig sa kanlurang Africa.
 Nang mamatay si Sundiata Keita ay naging hari si Mansa Musa noong 1307 bunga ng sunod-sunod na pagkapanalo nito
sa mga digmaang sibil.
 Naging mayaman ang Mali dahil sa mga buwis na pumapasok sa kanyang kaharian mula sa kalakalan. Kinontrol ni Musa

Timbuktu
 ang naging dahilan ng paglago ng kalakalan nito.
 Ang Timbuktu ay ginawang kabisera ng Mali at naging sentro ng kalakalan, libangan at edukasyon. Ang suplay ng tubig
ay ang pangunahing susi sa pag-unlad nito. Ang mga pangunahing produktong ikinalakal ay ginto, asin at copper.
 Tulad ng mga ibang kaharian, nanganib din ang Mali sa pagbagsak dahil sa pag-aaway ng kanyang mga pinuno at pag-
aagawan ng kapangyarihan na pumigil sa kalakalan.
ANG IMPERYONG SONGHAI
Ang Imperyong Songhai ay nakakitaan ng pag-usbong noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo.
 Isa sa pinakamalawak na estado sa buong kasaysayan ng Africa.
 Ang pangalang Songhai ay hango sa nangungunang pangkat etnikong Songhai sa pamumuno ni Sunni
Ali. Sa kalagitnaan ng ika-13 siglo, naging sentro ng kalakalan ang Gao na umakit sa imperyong Mali.
 Naharap sa maraming kaguluhan ang Mali hanggang sa bumagsak ang kanyang kontrol sa Gao at muling
naibalik ito sa Songhai.
 Sunni Ali - ang kauna-unang hari ng imperyong Songhai (1462-1492). Sa ilalim ng kanyang pamumuno
ay hindi tinanggap ang relihiyong Islam at nahigitan nito ang yaman at kapangyarihan ng Mali.
 Pinalitan ni Sonni Baru ang kanyang ama bilang hari ngunit hindi ito matagumpay bilang isang lider kaya
pinatalsik siya sa trono ni Mohammad Ture at itinatag ang dinastiyang Askia noong 1493. Sa pamumuno
ni Mohammad Ture ay tinanggap na ang Islam sa kanyang imperyo.
 Noong 1531 ay bumagsak ang Songhai sa Morocco. Ninais ng Morocco ang Songhai dahil gusto niyang
kontrolin ito at ibalik ang sigla ng Trans-Saharan trade.
 Dahil hindi modernisado ang mga mandirigmang Songhai ay natalo ang mga ito sa lakas militar ng
Morocco.
KLASIKONG KABIHASNAN SA MGA
PULO SA PACIFIC
Nahahati sa tatlong bahagi ang mga pulo sa Pacific o mga pulo na matatagpugpuan sa Pacific
Ocean – ang Polynesia, Micronesia at Melanesia.
 Ang pag-usbong ng mga pulo ay ibinatay sa migrasyon o pandarayuhan ng mga Austonesians
na nagmula sa China noong 4000 BCE.
 Sa pagsapit ng 2000 BCE, ang mga ito ay nagkahiwalay, may bumagtas pakanluran at ang iba
ay sa silangan na kung saan natagpuan ang mga isla sa Pacific at doon nanirahan.
 Hindi man sila naging maunlad tulad ng mga imperyo sa Mesoamerica at Africa ay
nakapagbigay din sila ng impluwensiya sa mga taong naninirahan sa mga pulo ng Pacific.
POLYNESIA
 Sa gitna at timog bahagi ng Pacific Ocean ay matatagpuan ang Polynesia kasama ang
Melanesia at Micronesia.
 Tinawag na Polynesia - dahil binubuo ito ng maraming isla na binubuo ng New Zealand,
Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Samoa, Tokelau, American Samoa, Niue, Cook
Islands, Easter Island, Pitcairn, Marquesas, French Polynesia, Tuamotu, Austral Islands at
Society Islands.
 Ang bawat pamayanan sa Polynesia ay umaabot hanggang tatlongpung pamilya.
 Ang Tohua - ang sentro ng kanilang pamayanan na kung saan ginaganap ang pagpupulong.
 Pagsasaka at pangignisda ang pangunahing hanapbuhay. Nagtatanim sila ng ube, saging, tubo,
at niyog. Tuna, octopus, hipon, at iba pang mga isda sa dagat ang karaniwang nakukuha sa
pangigngisda.
 Naniniwala sila sa mana o banal na kapangyarihan. Ang mana ay nangangahulugang “lakas” o
“bisa” na maaaring nananahan sa mga bato, bangka, gusali at sa iba pang mga bagay.
MICRONESIA
 Ang Micronesia ay matatagpuan sa silangang Asya at kanluran ng Melanesia.
 Tinawag na Micronesia dahil maliit ang mga isla nito na kinabibilangnan ng Caroline Islands,
Gilbert Islands, Marianas Islands, Marshall Islands at Nauru.
 Naninirahan ang mga mamamayang Micronesia malapit sa mga lawa at baybaying dagat
upang mas madali silang makapaglayag sa karagatan.
 Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay. Taro, niyog, asukal, pandan at
breadfruit ang kanilang mga pangunahing itinatanim.
 Ang mga taga Palau, Yap, at Marianas ay may kaalaman naman sa paggawa ng palayok.
 Ginagamit ng mga ito ang bato at shell bilang pera sa kanilang pakikipagkalakalan.
 Animism - Ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian.
 Ang pag-aalay ng unang ani para sa mga kinikilalang diyos ay gawaing panrelihiyon ng mga
taga Micronesia.
MELANESIA
 Sa hilaga at baybaying dagat ng Australia matatagpuan ang Melanesia.
 Tinawag na Melanesia dahil ang mga nainirahaan dito ay maiitim na tao. Binubuo ito ng Bismarck
Archipelago, Fiji Islands, New Celedonia, New Guinea, Papua New Guinea, Solomon Islands at
Vanuatu.
 Pinamumunuan ng mga magdirigma ang mga pamayanan ng Melanesia.
 Hinubog ang kanilang kultura sa mga pamantayan tulad ng katapatan, karangalan, paghihiganti, at
karahasan.
 Ube at taro, pandan, at sago palm ang mga pangunahing itinatanim. Nabubuhay din sila sa pangingisda,
pag-aalaga ng baboy at pangangaso ng mga ibon.
 Gumagawa rin sila ng mga bangka at palayok na kanilang ipinagbibili. Animism ang paniniwala ng mga
sinaunang Melanesian.
 Ang mga kaganapan tulad ng sakuna, kaguluhan, kamatayan, kaunlaran sa buhay at pagtatagumpay ay
ipihihiwatig ng kalikasan.
THE END

You might also like