Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Aralin 6

Karapatan at Tungkulin
Balik-aral:
• Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo
ng sarili.
• Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, koteksto at sitwasyon.
• Ang Likas na Batas Moral ay ang likas na pagnanais
ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
• ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, hindi
ang
kabaligtaran nito.
• Kahit na tayo ay mayaman o
Panimula mahirap, lahat tayo ay may
pantay-pantay na karapatan.
Walang sinuman ang
mayroong mas nakararaming
karapatan kaysa sa iba.
• Mahalagang malaman mo rin
ang mga katungkulan at
responsibilidad na nakaakibat
sa bawat karapatan.
Ano ang karapatan?
• Ito ang kapangyarihang moral na gawin,
hawakan, pakinabangan at angkinin ang
mga bagay na kailangan ng tao sa
kanilang estado sa buhay.
• Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang
obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.
Kapag nilabag ang karapatang ito,
magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
Karapatan bilang Kapangyarihang
Moral
• Moral ito dahil hindi maaring puwersahin ng tao ang
kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya ng sapilitan ang
mga bagay na kailangan niya sa buhay.
• Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay
pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang
makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang
ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang
kaniyang mga tungkulin.
Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis
(inalienable)
1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas na antas
ng karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang
karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari.
Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang mabuhay
ng maayos at maging produktubong mamamayan.
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang tao na
bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Mga Uri ng Karapatang Hindi
Maaalis (inalienable)
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa
karapatang ito ang lumipat sa ibang lugar na may
oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa panganib.
5. Karapatan sa pananampalataya. Bawat tao ay
malayang pumili ng relihiyon na makakatulong sa kanya
upang mapaunlad ang kanyang pagkatao.
6. Karapatang maghanapbuhay. Ang tao ay may
karapatan sa disenteng hanapbuhay upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
10 Karapatan ng Bawat Batang
Pilipino
1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at
nasyonalidad.
2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-
aaruga sa akin.
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at
aktibong katawan.
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
10 Karapatan ng Bawat Batang
Pilipino
6. Mapaunlad ang aking kakayahan.
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at
makapaglibang.
8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-
aabuso, panganib at karahasan.
9.Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10.Makapagpahayag ng sariling pananaw.
Ano ang tungkulin?
• Ito ang obligasyong
moral na gawin o hindi
gawin ang isang
gawain.
• Kailangang gawin ang mga
tungkulin sapagkat ito ay
nararapat o nakabubuti.
Tungkulin bilang Obligasyong Moral
• Kasama sa pagiging moral ng
tao ang pagtupad sa tungkulin.
Moral na gawain ito dahil
ang moral ang siyang
nagpapanatili ng ating
buhay-pamayanan.
• Samakatuwid ang pagtalikod o
hindi pagtupad sa mga
tungkulin ay pagsalungat sa
buhay-pamayanan na may
Dr. Manuel Dy Jr.
Philosophy Professor
malaking epekto sa sarili at sa
Ateneo de Manila University
mga ugnayan.
Tungkulin sa Bawat Karapatan
Karapatan Tungkulin
Karapatan sa buhay Pangalagaan ang kanyang
kalusugan at sarili laban sa
panganib.
Karapatan sa Pangalagaan at palaguin ang
pribadong kanyang mga ari-arian at gamitin
pagmamay-ari. ito sa tama.
Karapatang Suportahan at gabayan ang pamilya
magpakasal upang maging mabuting tao.
Tungkulin sa Bawat Karapatan
Karapatan Tungkulin
Karapatang Kilalanin ang limitasyon ng
pumunta sa ibang sariling kalayaan. Pagsunod sa
lugar. batas ng linipatang lugar.
Karapatan sa Igalang ang relihiyon at paraan
pananampalataya ng pagsamba ng ilan.
Karapatang Magpunyagi sa trabaho at
maghanapbuhay magpakita ng kahusayan sa
gawain
Ang karapatan mo ay
nagtatapos kung saan nag
uumpisa ang karapatan ng iba
o ng gobyerno.. wala kang
karapatang babuyin ang pader
na yan, pagawa mo ba yan?
hindi sakop ng pribilehiyo mo
sa pag babayad ng buwis ang
babuyin yan... tandaan mo,
galing yan sa buwis ng bayan,
hindi lang sayo.
-https://www.facebook.com/238009132915573/photos/a.24298
Philippine Army Modernization
9642417522.54574.238009132915573/1352411708141971/?t
ype=3&theater
Tandaan: • Kaakibat sa karapatan ng isang tao
sa kaniyang kapwa na igalang ito
at obligasyon niyang tuparin ang
kanyang mga tungkulin.
• Mahalagang patuloy natayahin ang
sarili kung napaunlad mo ang mga
kaloob ng Diyos sa pamamagitan
ng pagtupad ng iyong mga
tungkulin at paglilingkod sa
lipunan.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Magbigay ng limang (5) halimbawa ng


mga paglabag sa karapatang pantao na
nagaganap sa kasalukuyan.
• Bakit napakahalaga na maunawaan ang
kaugnayan ng karapatan at tungkulin ng
tao sa lipunan sa pagkatao ng tao?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN Retrieved
07 May 2017 from https://www
.slideshare.net/maflechoco/modyul-6- 48378403
Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay
KARAPATAN o TUNGKULIN. NO ERASURES.

1. Lumaki sa isang tahimik na lipunan.


2. Makapagtapos ng pag-aaral
3. Panatilihing malinis ang bahay
4. Magkaroon ng maayos na pamilya.
5. Mamili ng tamang pinuno.
SAGOT:

1. KARAPATAN
2. KARAPATAN
3. TUNGKULI
N
4. KARAPATAN
5. TUNGKULI
N

You might also like