Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 52

ESP

Sinasabi ba ninyo
kung saan kayo
pupunta?
Bakit?
Nagpaalam si Dennis na sasama siya sa
pamimingwit sa ilog malapit sa Hulo. Nang
matagal-tagal na silang nakaalis ay biglang
bumuhos ang malakas na ulan.
Kaagad-agad na sinundan ng kanyang ama si
Dennis. Tamang-tama ang kanyang pagdating
dahil hindi na sila halos makaalis sa umaapaw na
ilog.
Mga Tanong:
1. Nagsabi ba si Dennis nang totoo kung saan siya
pupunta?
2. Ano ang nagyaring hindi inaasahan?
3. Bakit hindi sila makaalis-alis sa kanilang
kinalalagyan?
4. Nailigtas kaya sila ng ama ni Dennis?
5. Kung hindi kaya siya nagsabi nang totoo, ano kaya
ang maaring nangyari sa kanya
Lutasin:
1. Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan
upang tumulong sa paglilinis ng silid-
aralan.Paano ka magpapaalam sa iyong
magulang?
2. Kinukumbida ka ng kaklase mo sa
kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa
bahay. Paano ka magpapaalam?
Sagutin kung ginagawa o hindi
ginagawa.
___1. Umaalis ka ng
bahay na hindi nagpapaalam?
___2. Nagsasabi ka ng totoo kung
saan ka pupunta?
__3. Nagpapaalam na papasok sa
paaralan ngunit namamasyal ka.
Tandaan:
Sabihin ang totoo
kung saan
pupunta.
Lagyan ng S kung sang-ayon at DS kung di-sang-ayon
__1. Nagpapaalam ako kapag aalis ng bahay.
__2. Sasabihin ko kay nanay na galing ako sa palaruan
pagdating ko sa bahay.
__3. Hindi nalang ako magpapaalam kay nanay na aalis
ako, kasi wala naman siya.
__4. Patakbong umalis ng bahay si kuya, hindi na siya
nagpaalam dahil hindi naman siya papayagan.
__5. Ang pagpapaalam ay isang magandang gawi na
dapat nating ugaliin.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 17 DAY 2
Pagsagot sa takdang –aralin.
Bakit mahalaga na sabihin ang
tunay na pook na pupuntahan?
Kung di kaya sinabi ni Dennis ang
totoong lugar na pinuntahan niya
mailigtas kaya sila ng tatay niya?
Iparinig ang kwento tungkol kay Mario.
Maagang gumising si Mario upang maghanda sa kanyang
pagpasok. Hindi nagtagal siya ay nagpaalam na.
Ang totoo, hindi siya pumasok sa paaralan. Kasama ang
barkada, sila’y nagpunta sa mall. Doon sila namasyal at
naglaro.
Nag-aalala ang mga magulang ni Mario. Dumidilim na ay
wala pa siya. Pagdating sa bahay, inusisa siya at nagsabi nang
totoo.
Nangako na hindi na niya uulitin ang nangyari. Pinatawad
naman siya ng kanyang mga magulang.
Sagutin:
Galing si Ben sa bahay ng kaklase niya at
naglaro sila ng holen buong araw. Tinanong siya
ng tatay kung saan siya galing. Sinabi niya na sa
paaralan lamang siya nagpunta at maraming
ipinagawa ang guro niya kaya natagalan siya.
Tama ba iyon?Bakit?
Medyo ginabi ng uwi si Lita galing sa
paaralan. Paano ay nakipaglaro pa siya sa
kaklase pagkatapos ng kanilang klase. Pag-
uwi sa bahay, sinabi niya na inuutusan pa
siya ng guro na maglinis. Tama ba ang
ginawa niya?Bakit?
Tandaan: Sabihin ang
totoo kung saan
nanggaling.
Sagutin: Tama o Mali
1. Niyaya ka ng iyong kaibigan. Sumama ka nang di-
nagpapaalam sa iyong magulang.
2. Sinasabi sa magulang ang kasama sa lakad.
3. Ipinaalam sa magulang ang oras ng pag-uwi.
4. Hindi umuuwi sa takdang oras na ibinibigay ng
magulang.
5. Nagsabi kang kasama ang guro sa lakad ninyo, kahit
hindi totoo.
Takda:
Iguhit ang iyong mukha sa iyong
kwaderno at isulat sa ibaba.
“Ako ay batang matapat lagi akong
magsasabi kung saan ako pupunta at
kung saan ako galing.”
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 17 DAY 3
Bakit mahalaga na
maayos kang
magpaalam kung
saan mo nais
magpunta?
Kanino ka humihingi
ng pera?
Sinasabi mo ba ba
kung saan mo ito
gagamitin?
Iparinig ang kwento tungkol kay Jeb.
Naisip ni Jeb na bumuli ng
laruan para sa kapatid niyang
magdaraos ng kaarawan. Ngunit
wala siyang pera.“Inay, nais kop o
sanang bumuli ng laruan para kay
Nina.”
“Naku, araw pa naman ng tyanggi
ngayon. Husto lamang ang perang
pamalengke ko para sa isang lingo.
Kung talagang kailangan mo ay
ibabawas ko sa pamamalengke ang
kailangan mo,” ang napapailing na
ina.
“Huwag po muna ngayon.” Sabi
ni Jeb.
1. Sinabi ba ni Jeb ang tunay
na gamit ng perang hinihingi
niya?
2. Kaya ban g ina na ibinigay
ang perang kailangan niya?
Bakit?
3. Ano ang sinabi ni Jeb na
ikinasiya ng ina?
4. Tama ba ang ginawa ni
Jeb? Bakit?
5. Nais ba ninyong tularan
si Jeb? Bakit?
Lutasin:
Nanghihingi si Kevin
ng pera sa nanay
niya.Sinabi niya na ibibili
daw niya ito ng proyekto
pero teks lang ang binili
niya. Tama ba iyon?
Bakit?
Basahin at sagutin:
Gusto ni Ben na bumili ng
bagong lapis dahil maikli na ang
ginagamit niyang lapis. Sinabi
niya sa nanay na kung maari
bang bigyan siya ng pambili dahil
nahihirapan na siyang gamitin
ang maikling lapis. Tama ba ang
ginawa niya?Bakit?
Bakit dapat mong sabihin
ang totoong gamit ng
perang iyong hinihingi?
Tandaan:
Laging sabihin ang
totoong gamit ng perang
iyong hihingin.
Lagyan ng T kung tama at M kung
hindi
 
__1. Humingi ako ng pera kay
mama dahil bibili ako ng laruan.
__2. Sinabi k okay ate na may
bibilin kaming proyekto pero
pambili k0 lang iyon ng laruan.
__3. Tinanong ako ni tatay tungkol
sa perang hiningi ko at sinabi ko
naman kung saan ito gagamitin.
__4 Sasabihin ko kay nanay na may
babayaran kami sa paaralan kahit
wala naman.
__5. Ang pagsasabi ng totoong
gamit ng perang iyong hiningi ay
tanda ng katapatan.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 17 DAY 4
Pinabili si Roy ng kuya niya sa
tindahan,
Dinagdagan niya ng dalawang
piso ang binili niyang suka.Tama
ba ang ginawa niya?Bakit?
Anu-ano ang mga bagay na
pinagkakagastahan mo sa
paaralan?
Kumakasya ba ang baong
binibigay sa iyo ng iyong
magulang?
Gusto ni Milo na makasali sa paglalaro sa mga kaklase niya pero wala siyang
pambili ng goma. Alamin natin kung ano ang gagawin niya.
Tama! Makakasali na ako sa paglalaro ng aking mga kaklase.
“Sasabihin ko sa nanay na P15.00 ang halaga ng pinabili niya sa akin. May
sosobra akong piso.“Tuwang-tuwa si Milo.Bumili siya ng pisong goma.
Nakipagpitikan siya ng goma sa mga kaklase. Hanggang maubos ang
goma. Pagkabigay niya ng mantika sa nanay niya, hindi ito nagustuhan ng
nanay niya. “Bakit kakaunti lamang ito?”Bukas ay pupunta ako sa tindahan
upang magtanong.” Natakot si Milo at napilitan siyang ipagtapat ang tunay
na halaga ng mantika. “Inay, hindi ko nap o uulitin ang aking ginawa.”
Nanghingi na ba kayo ng pera sa
inyong nanay?
Para saan ang inyong hiningi?
Sinabi nyo ba ang totoong gamit
ng perang inyong hiningi?
Bakit?
Sagutin”
1. Ano ang binalak ni Milo sa ipinabili ng nanay
niya?
2. Ano ang ginawa niya sa sobrang pera?
3. Ano kaya ang mangyayari kapag tinanong ng
nanay niya ang binilhan niya?
4. Ano kaya ang gagawin ng ina sa kanya?
5. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?
Lutasin:
Sinabi ng guro ninyo na may
babayaran kayong piso para sa Xerox
copy ng inyong babasahin. Parang
gusto mong sabihing limampiso para
may ibibili ka ng laruan. Ano ang
iyong huling pasya?
Bakit mo dapat sabihin ang tunay
na halaga ng bagay na iyong binili?
Tandaan:
Magsabi ng totoo. Laging sabihin
ang tunay na halaga ng bagay na
binili.
Sagutin: Tama o Mali
1. Sabihin ang totoong halaga ng pinagbabayaran ng guro sa
magulang.
2. Dagdagan ang halaga ng pinananayaran ng guro sa magulang.
3. Sabihin ang totoong dahilan kapag hihingi ng pera sa
magulang.
4. Mangupit ng pera sa pitaka ng nanay kapag hindi ka
pinagbigyan sa hinihingi.
5. Huwag sasama ang loob kung hindi kaya ng iyong magulang
na bigyan ka ng hinihingi mong pera o bagay.
Takda:
Lutasin:
May binili ka sa tindahan. Nang pauwi
kana, napansin mo na sobra pala ng
limampiso ang sukli sa iyo. Ano ang
gagawin mo?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 17 DAY 5
Bakit mo kailangang sabihin
sa iyong magulang ang tunay
na halaga o presyo ng bagay
na bibilin mo?
Naranasan mo na ba na
makatanggap ng labis o
sobrang sukli? Ano ang
ginawa mo?Bakit?
Sa Kantina
Oras ng rises, nakapila ang mga bata habang bumibili ng
merienda sa kantina. Puto at jus ang binili ni Janine.
Nagbayad siya ng limampiso para sa puto at limampiso para
sa jus. Nakabalik na siya sa silid-aralan nang mapansin niya na
sobra ng limampiso ang naisukli ni Ate Tere sa kanya. Dali-
daling bumalik sa kantina si Janine at isinauli ang sobrang sukli.
Dahil sa kanyang ginawa, nahirang siyang” Star Kid.” Yon ang
ibinibigay sa mga batang tulad niya na nagpapakita ng
katapatan sa kanilang paaralan. Tuwang-tuwa ang guro ni
Janine sa kanya.
1 Anong oras naganap ang kwento?
2. Bakit nagbalik si Janine sa
kantina?
3. Anong ugali ang ipinakita ni
Janine?
4. Ano ang nagging gantimpala niya?
5. Kaya mo bang gayahin si Janine?
Pakinggan:
Ang Batang Matapat
Minsang inutusan ang batang si Juan
Para bumili ng ulam, doon sa tindahan.
Halaga ng binili ,totoong sinabi
Pati na ang sukli, kanyang isinauli.
Sagutin:
1. Sino ang batang nautusan?
2. Ano ang bibilin niya?
3. Saan siya bibili?
4. Ano ang isinauli niya?
5. Anong uri ng bata si Juan?
Lutasin:
Pinabili kayo ng inyong guro ng
aklat-sanayan sa halagang
limampiso. Binigyan ka ng nanay ng
sampung piso.
Ano ang iyong gagawin sa sukli?
Ano ang dapat mong gawin
sa labis o sobrang sukli?
Tandaan:
Isauli ang sobrang sukli.
Lagyan ng / kung tama at X kung mali.
__1. Ibinalik ni ate ang sobrang sukli ni Ate Ana sa kanya.
 
__2. Dahil kailangan ni kuya ng pera, hindi na niya isinoli kay
nana yang sobra sa perang hiningi niya.
__3. Binilang ni Allen ng sukli niya at nalaman niyang ito ay
sobra kaya agad niya itong isinoli.
__4. Hindi na naalala ni nana yang kanyang sukli sa tindahan
kaya hindi na ito ibinigay ng tindera.
__5. Ang pagsasauli ng sobrang sukli ay tanda ng pagiging
matapat.
Takda:
Isaulo
Ako ay natatangi. Ang bawat
batang katulad ko ay may
kakayahan. Pauunlarin ko ang
aking sarili.

You might also like